Showing posts with label school. Show all posts
Showing posts with label school. Show all posts

March 06, 2013

Matatapos pa kaya?


Isang umaga, sa pagpasok ko sa paaralan..... sa pagpasok ko sa school... ang daming mga bagay ang tumakbo sa aking isipan.


Matatapos ko pa kaya ang pag-aaral ko? Madalas nakakaramdam na wala ng pag-asa. Sa semester na ito, iniisip ko kung papasa kaya ako. Ewan ko nga ba. Halong pangamba, Marso na at malapit na naman magtapos ang semester.... ang daming alanganin na subjects, iba ang pakiramdam ko sa kahihinatnan ng mga grades ko.... na baka madami ako hindi ma-ipasa, uulitin ko ulit. Maraming beses na akong umuulit, nakakapagod din.... (I'm not really that good student) 

Ewan ko nga ba... parang hindi ko na matatapos ito. Kung matatapos ko man, kailan? Parang maiiyak nalang ako na itatawa nalang.  


Halo-halong mga bagay ang naiisip... minsan nang huminto at bumalik, at ito na naman nagpapatuloy sa pag-aral. sadyang ganyan nga lang siguro, tiyaga.... paghihintay.... pagod....


Tiwala nalang. All is well. Just keep planting, magbubunga din. Aha! Kaya siguro matagal ang process ng pagtupad ng aking magandang future it's because He wants my future to be a product of good quality =)

October 05, 2012

Larawan mula sa Facebook
Malton Degyem

Finals na... at kamusta naman ang performance sa nakalipas na isang semester? Aba ewan... hihi, kung 3.0 lang naman ang grade sayang naman ang allowance, baka sabihin lang nagpapa-aral "nag-aral ka pa"... Eh panu kung yun naman nakayanan ng abilidad (kawawa naman, hihihi)

Ahaaa! This sem I am expecting higher than 3.0... um guess? 1.0? 1.25? Hihihi... Hindi ko naman talaga alam, lalo na't patapos na ang semeseter at shu shunga sunga pa din ako sa pagtugtog ng piano! At pagbabasa ng walang kamatayang notes... oh notes!

Larawan mula Facebook
Malton Degyem

HAHA! Ohws? Hindi nga? Ah kaya pala sa larangan ako ng pagiging guro napadpad kasi sa gwapo at magaganda kami! JOKENESS!! hehehe..

Nothing much to say. HEHE.

Mwah HUGS everyone! :-*

July 25, 2012

Gwapo Ako :D

Akala ko mawawala ako, paano kasi... nitong mga nakaraang araw ang daming ginagawa, hindi ko masimulan, kasi kapag nauna na ang FACEBOOK at kung anu anong anek anek na social networking sites, wala na naman ako matatapos. Kaya sabi ko itigil ko muna, hehehehe.. pero hindi ko keribels! Pero dapat good performance pa din dapat sa school! hehehe, pero hindi ko sinasabi "ACHIEVER AKO"  sa school, well... well... isa lamang akong ordinaryong estudyante.. na nagpapaka-extra ordinary (hano daw???) Seriuosly, so many struggles..... kaya minsan para nawawalan ng pag-asa (hindi naman talaga nawawala ang maramdaman un paminsan-minsan)


GWAPO BA AKO???? :)
 
  • P50.00 lang allowance ko este pamasahe, wala na pala allowance. Sakto lang. Pag ginutom, palipasin... Minsan kung may mabaon na pagkain magbabaon.Wag dadaan sa mga kainan para hindi lalo gutumin. Kapag may photocopy, utang. Kapag may iiprint na article or whatsoever, kopyahin (makonsumo lang sa oras). Sa bakanteng oras ng 4 na oras, magbasa ng dyaryo, matulog sa library, mag-drawing, mamasyal sa campus na halos isang kilometro ang lawak.
  • Nagiging manipis lalo ang buhok ko, pusang ina! Madami iniisip???? ke bata bata ko pa?? OH NOSE! This can't be.
  • Nakukulitan ako sa isang manliligaw, uber much! ANG KULIT!!!!!!! Sinabi ko nung una pa lang, madami akong BF (kahit hindi naman) para lang hindi ituloy.... Ok lang daw basta panalo siya sa puso ko. What?? (di ko ma-take!! OMG!!!)
  • Sana magkaroon na ako ng bagong part-time job. May mga inapplyan ako na mga fast food chains, pero.... ewan, hindi pa siguro iyon para sa akin. hehe. May isa, mag-exam daw kami sa friday (ayos! nagkaroon ako ng pag-asa! ^^) Sana please, hindi naman ako nagsisisi na nag-resign ako sa dati kong trabaho. Sakto lang, consequence wala muna ako allowance.

GWAPO BA KAMI???

Maiba tayo, sa isang dyaryo dito sa CAR na nagpa-publish every week. Fan ako ng publication, every week talagang nagbabasa ako, hindi ko papalagpasin hindi tignan ung CLASSIFIED ADS.  

Agaw pansin sa akin ang isang bagong kumpanya na nagha- hire ng mga: MANAGEMENT SUPERVISOR, CASHIER, DELIVERY RIDER, SERVICE CREW, KITCHEN STAFF.....

Aba! nawindang at naloka ako sa qualifications, teka! hindi ko mahanap ung dyaryo.... pero ito random, dapat daw:

  • with pleasing personality
  • fast learner
  • service oriented
  • fair complexion
  • no pimples
  • baby face
  • with complete white shining teeth
  • no foul odor (bad breathe)
  • no tattoo in any part of the body 
  • 5'2 height cashier, 5'5 service crew

Nakakaloka, ano ito hiring ba ng magta-trabaho sa kanila o hiring sila para sa isang "beauty pageant candidates"???? HAHA. Hindi ko sinasabi ito dahil bad breathe ako, or marami akong pimples.... hindi ba't parang OA much naman sila? Grabe. How I wish applicants nila marami pipols sa fes, o kaya saksakan ng baho ang hininga! Kainis. HAHAHA!

Disiplina lang naman sa hygiene walang magiging problema dun. Sa pag-hire nila kelanagan ipost pa yun???? though MUST naman talaga yan,hindi ba nila pwedeng tignan na lang yan kapag may nag-apply na. So kung may mag-aaply na sobrang lakas ng putok, sasabihin nila.... "ooooops, SOORRY you don't qualify, ang lakas ng putok mo" Offensive. Pwede naman in a right way, o kaya bago sila mag-hire orient nila mga applicants or employees ng importance ng hygiene. Ish basta, nakakaloka! Beauty pageant ba ito????????

HULING TANONG, GWAPO BA AKO?


PS: Wala lang yang gwapo effect na 'yan, laro lang... hindi ako tomboy ^___^

 

June 15, 2012

hello school

ohow eskwela na naman... kahit maulan sa mga unang araw ng pasukan, game na game pa din! this is it!!

 vacant time at muling linalakbay ang paghaba-habang eskwelahan... lakd dito lakad doon, masaya!

agaw eksena sa aking paningin.....

 

comfort room mode!! aba siyempre kelangan mag-retouch para BEAUTIFULL!! haha.. pulbo dito, pulbo doon!!!

 TAMABAYAN!!
  
 ang sipag mo naman! hehe.. keep it up!
ohhoooooooopss! nakakita ako ng pogi!!! wafu fafa!! hahaha :D

muli... pasukan na naman. salamat PANGINOON sa oportunidad para makapasok muli sa paaralan. ibinigay mo sa akin ang pagkakataong ito, kaya dapat ko itong ingatan at pahalagahan. salamat sa tiwala....

December 05, 2011

aquatics subject

at dahil nga Bachelor of Secondary Education major in PEHMA or MAPEH, may subject na aquatics!

PEHMA- ang subject na inii-small lang ng mga estudyante, o kahit hindi pa estudyante... dahil ba PE lang naman? nakakalungkot lang kung minsan na hindi naman kadali tulad ng iniisip ng iba ang subject na 'yan, maraming saklaw at pinag-aaralan din. katulad sa PE kailangan pag-aralan ang softball, volleyball, basketball at baseball para sa team sports... sa dual, athletics at combative sports, pag-aaralan ang martial arts, tennis, badminton, chess... running, javeline throw, long jump, high jump.... at kung anu- ano pa...  sa sayaw naman, sports dance, folk dance, western folk dance... at kung anu ano pa na saklaw ng sayaw... nariyan pa ang gymnastics... sa music, 'yan ang pagkatuto magtugtog ng instrumento, pag-aralan ang mga nota, tamang pagkanta (kahit ganun frustrated singer pa din ako, hehehe), pag-aaralan ang musika ng western countries, asian countries at dito sa Pilipinas... at nariyan pa ang health, kung saan pag-aaralan ang proper hygiene, first aid.... at ang pinaka pinasakit ang ulo ko ang subject na anatomy, hehehe... higit sa lahat ang paborito kong arts.. kasama  din sa pehma, ayun pinta dito pinta doon...

kung anu-ano nalang ginagawa, kapag papasok sa school, extra jogging pants, racket, sports equipment, kung hindi naman music equipments, o di naman ay mga pintura para sa arts... sasayaw , kakanta, magalalaro.... yan ang pehma sa amin, hindi mismong sarili ko ang tinutukoy ko kundi PEHMA as a whole. pero suuuuperr saya, ever! enjoy! ;))

ito na.... acquatics na!! yipeeee.. practicum.... ang mga nasubukang gawin ay backstroke, side stoke at free style. nasulit ang araw na ito, kasi natutunan ko ang basic. kahit papano nakakaalis na ako kunti. noon kasi, kapag may pagkakataon magswimming, sinusubukan ko, pero hindi ako nakakaalis, 'yong tipong akala mo ang layo na ng narating, pero kapag aahon ka andon pa din. hehehehe. saklap! frustrating.

ang unang practicum ay naganap noong December 3, 2011, sabado, sa Rainbow resort sa Poblacion, Itogon, Benguet........ :)

my beloved pehma buddies.... what a lovely friends!!


noong basa na, at hindi na ma-spelling ang mga looks!!! hihihi =)



mga sandaling gutom na... at tila giniginaw!! brrr!


si harrieth, ako at si roxanne.....


noong pauwi na... kahit anong paraan gagawin makapagpa-picture lang, hihihihi


'yan lang ang mga larawan, sayang wala doon sa pool mismo...dibale may mga susunod pa...

isang masayang araw na naman ang natapos, ang experience na ito ay malaking bagay sa amin na magiging guro ng PEHMA... salamat kay Sir Ryan Batinay na aming instructor... mabuhay ang pehma! mabuhay... 

sa uulitin,,, hanggang dito na lang muna,,,, salamat sa pagbabasa

feel free to comment kapatid =)

October 01, 2011

kapit ng mahigpit

ECONOMICS-isang subject sa kolehiyo... siguro sa iba madali, sa iba mahirap... tanong ko sa sarili ko "bakit may economics pa na subject?" anong implikasyon nito sa buhay ko, paano ko ito magagamit. sa akin, mahirap... depende nalang kung paano ito ituro ng instructor.

final exam na... hindi ako makampante- talagang hindi dapat ako makampante, paano kasi madami ako na-miss na quizzes, madalas akong absent, paano naman kasi 'yan lang subject ko ng MWF 8:00-9:00, nanggagaling pa ako sa malayo para lang sa isang  subject- ewan basta nakakatamad, pero sinisikap ko pa rin pumasok pero madalas nale-late.. hay.. ang hirap! kasabay pa ng pag-aaral ang pagta-trabaho.



sayang ang oras at pera kung uulitin ko lang yan, sayang! oo sayang! sayang talaga! kaya naman strong faith nalang na maipapasa ko, kailangan pag-igihan sa finals...kaya naman self review kahit hindi ako nakinig ng discussions, pero habang rinereview ko nahihirapan ako, dahil hindi ko maintindhan.. hay... i need some motivation...


good luck, i believe i will pass! it's a matter of faith, siyempre with actions... hala!! sanaaaa.............. oh economics! pleaaaaasssssse.... my gosh, i really need to pass it, kahit minor lang, hindi naman ako makaka-graduate kung di ko kukunin, di ba. hay! good luck talaga.

September 17, 2011

first time sa pageant

nakaka-excite... masaya... nakaka-kaba na din, 'yan ang aking pakiramdam nang sumali ako ng ms. cte (college of teacher education) sa aming paaralan... well, pangarap ko naman sumali sa pageant, wala lang just to experience...and know how does it feel. pangarap lang noon, nasa isip ko lang pero iba pala kapag anjan na ang pagkakataon. 

september 15 ang araw ng pageant... isa itong pambihirang pagkakataon na ibinigay sa akin... hindi man ako pinakamaganda, hindi man ako pinakamagaling, hindi man ako nagpakita ng talentong mapapahanga ang madla... pero ang para sa akin ipakita ko lang kung ano ako ng walang pagpapangap.. just natural... medyo astigin kung minsan... pusong babae pa rin naman.

aking napagtanto na ang pagsali sa pageant ay isa lamang extra activities.. higit pa rin mas mahalaga ang pag-aaral... 'yan ang na-realize ko pagkatapos nang pageant, dahil sa pag-aaral, ang bunga niyan ay habambuhay, magkakaroon ng magandang buhay, nakasigurado pa ang kinabukasan pero ang pageant hindi sigurado, at minsan lang sa buhay, pagkatapos ng pageant, what's next...?


PHOTO BY: Rhe-ann Ngayaan


ang pagiging maganda, plus factor lang 'yan, higit pa rin na mas mahalaga ay attitude, positive attitude... and how we deal with everyday circumstances. most importantly, being humble... hindi man ako nanalo, wala man akong award na nasungkit, masaya pa rin ako dahil naging bahagi ako ng event na ito (searh for mr. and ms. cte).... marami akong natutunan, i earned confidence... pagkatapos nung pageant hindi ko mapigilang umiyak... pero dapat sports lang... 'di ba? kaya after i cried okay na ako, just releasing my emotion para hindi mabigat, it's not for me, at least i did my part.

in this pageant, i would like to thank my classmates- pehma, values and tle for their support... i really do appreciate it, it really touched me- you sacrificed and made effort to support me... Roxanne Magalong, Noemi Francisco and Charity Lopez thanks for being there... doing make-up after every event... salamat ng marami! Ruby Jean Tacquio and Roxanne Magalong for sewing my creative attire.. cute daw? salamat ha... Banny Alcido for lending me tennis racket, blue sandals, wrist and head band... salamat din! Jenjing Ramos for lending accessories... and thanks din sa nagpahiram ng white sandals and dress that i used in my evening suit (soorry 'di ko maalala, pero i knew she's a values major)...to joan kani, clarence maquio, janet lagasi, brail balanon, lorna ba-a... thanks and to all who cheered and said galingan ko.. salamat, i may fail to mention all, you inspired me to do my best... salamat ng marami sa inyo... though, i didn't make to get an award, you made me feel that i still won. salamat sa lahat who cheered me up. this is an avenue for growth and development. thanks for the opportunity.

to the winners congratulations! congratulations to everyone.

September 09, 2011

happy september

unexplainable stress ata ako ngayon, well, lahat naman tayo nai-stress.. depende nalang kung paano natin ito ima-manage.. daming gagawin, nakalista na din calendar of activites na gagawin ko for september.. masaya na rin na ganito kesa sa walang ginagawa, at least i will learn, hopefully mapagtagumpayanan ko mga plans as of now.. sana...

August 25, 2011

Lintik!

“There are no secrets to success. It is the result of preparation, hard work learning from failure.” General Colin Powell


 minsan, malaking tulong ang pagbabasa ng mga "quotes" o wisdom ng iba, nang sa gayon magkaroon tayo gaan ng loob lalo na kapag mabigat ang ating pakiramdam sa mga bagay na nangyayari sa buhay natin.... 

minsan parang gusto ko na sumuko, hindi ko alam....  pero kung susuko ako, paano na ang bukas... ibig sabihin talo ako... ang buhay ay paghihirap... naniniwala naman ako doon, sino nga ba ang hindi nakakaranas? lahat tayo may mga kani-kaniyang kwento ng ating saloobin sa mga paghihirap na dinaranas natin..

masyado na naman ako nagpapaapekto sa mga nangyayari sa buhay ko... kung maari sana ayaw ko na ng emo mood. bakit? dahil gusto ko na sana baguhin ang pananaw ko sa buhay na lagi masaya at laging postive, para positive din ang resulta. mananatili na lamang ba sa malungkot, siyempre hindi. pero kapag andiyan na si problema, hindi maalis ang malungkot at mamoblema. nakakainis, ayaw ko na sana ng mga saloobing ganito, dahil paulit-ulit na lamang, puro kadramahan!


  .
LINTIK . NAMAN. OH!


August 24, 2011

bagong trabaho, bagong saya...

itong araw na ito, prinocess ko na ibang mga requirements sa inapplyan kong trabaho, tinapos na lahat sa araw na ito, at pumunta agad sa kompanya... ayun! sa wakas okay na! sa tinagal ng panahon na pagaantay at pagtitiyaga para makapasok, sa wakas.... ayan na... ready for work na... inaabot na sakin ang uniform na gagamitin... salamat! salamat sa pagtitiwala... buong galak at saya ang aking nadarama! lahat ng pinaghirapan ay nagbunga...

kabilin-bilinan ng nanay ko, anuman ang trabaho, dapat itong pahalagahan... dahil hindi basta basta ang mag-apply at magtrabaho. kaya naman, sana sa kabanatang ito ng buhay ko, nawa'y magampanan ko nang maayos, kahit na kasabay nito ang pag-aaral. alam kong hindi ito magiging madali, pero sana sa palipas ng panahon ay makayanan ko.

August 10, 2011

happy Birthday Clarence!

Happy Birthday!!!


"happy birthday to you... happy birthday to you.. happy birthday happy birthday, HAPPY BIRTHDAY CLARENCE!!"
wish ka muna bago mo iblow candle mo..
 


ayan.. yehey! at dahil birthday mo... BLOW OUT na!!!! hehehe...


some moments with clarence:




isang kaibigan ang magdidiwang ng kaarawan niya!  
yipeeeeee! isang taon na naman lumipas.. ayeeeee! i wish you all the best.. thanks for everything! agasem! agsangit en.. 

continue being humble and keep excellent academically. happy birthday.


your friend,
jessica :))


August 07, 2011

10 years ago...

parang kailan lang... ang bilis talaga dumaan ng araw, parang kailan lang uhugin pa ako na lagi tumutulo sipon.. ngayon "dalaga" na. naku naman, napakabilis... parang na-miss ko tuloy bumalik sa pagkabata, kung saan paglalaro lang inaatupag ko. nahalungkat ko itong ID ko noong elementary pa ako, ganito pala itsura ko noon... ang cute! (ohs talaga? makapal lang)


ito naman noong high school ako, naalala ko pa.. itong ID ko na ito ang tinatawanan talaga, dahil napaka "neneng" ng itsura.. kakaatar!


at 6 na taon pang lumipas, ito na ako ngayon...... naks naman! may hikaw na, nagme-make up na din ang "neneng", with matching lips stick pa, naks! san ka pa.


at ano na susunod, may tangkay na ako? naku... huwag pa sana... 

enjoy nalang buhay, para happy :))

July 27, 2011

Bato ng Baliw

ako'y naglalakad papunta sa next class ko sa building ng college of arts and sciences- annex... sa aking paglalakad, may nakasalubong ako na desente naman kung titignan, hindi mo aakalain may problema siya sa pag-iisip... nang makasalubong ko siya, bigla siya pumulot ng bato at binato sa akin! BOOOOOG! ooooouuuch! natamaan likod ko, medyo kalakihan pa naman 'yong bato! naiinis lang ako sa sarili ko kasi alam ko na nga na babatuhin ako hindi pa ako tumakbo, dahil sa naka-uniform ako at mataas ang suot ko na heels, kung tatakbo ako baka mapatapilok ako, mas malaking kahihiyan 'yon, di ba? kung aalisin ko pa, wala nang time dahil babatuhin na ako, wala ng ako nagawa. na-stone nalang ako! haha, 'yong mga classmate ko halos ang audience ko na medyo nasa kalayuan ng pangyayari. buti nalang sila ang nakakita, kung ibang mga estudyante malamang pinag-usapan na ako ng bonggang-bongga! haha! pagkatapos nito, tinatawanan lang namin, pati ako tinatawa ko nalang.. hindi naman gaano kasakit 'yong binato, basta natatawa nalang ako sa moment nna ganito na naranasan ko.

akalain mo 'yon kadami ng security guard sa school tapos libre nakakagala ang mga ganitong tao sa campus, why o why? pagsisita lang ba ng walang ID ang obligasyon nila, dapat seguridad din ng mga estudyante, kaya nga "security guard" di ba? hahaha!

July 11, 2011

Bobong estudyante

Last week, nagkaroon ng quiz sa subject na political science- expected na may quiz kaya naman bago pumasok ay naghanda ako para sa quiz na ito. Alam niyo yun, you have the feeling of somewhat confident kasi nga nagreview ka, pero hindi super confident and may feeling pa din ng kaba.

Pagkakita ko nung questionare, somewhat sumakit ulo ko, related pa din sa poltics 'yung quiz, pero--- wooooooow! out of the blue ata? kasi akala ko unit quiz ng natapos namin na topic, which is about state, types of government... blah blah blah... tapos TEST I nung quiz is identification about current issues, about who is the senator... blah blah blah...what is the name of the....? basta about issues sa gobyerno natin (sigh) masyado ako nag-focus dun sa diniscuss niya.

Hindi naman lahat nanonood ng balita, hindi lahat may tv sa mga bahay or boarding haouse, halos lahat kami walang nakuha sa TEST I . Nung checking na nung paper... lalo sumakit ulo ko... six lang ata nakuha ko, if not mistaken 6/30, hay ang BOBO talaga.. Nakatsamba pa din kahit papaano.

At least, natuto naman ako sa style niya, i won't take it badly naman e, kasi it is part of learning, i still admire my instructor in politics, bukod sa maganda na matalino pa (aaaaaww cheesy), gawin ko nalang inspirasyon kung anuman siya at tinuturo niya. Next time, magiging aware na ako sa current issues, sa aking palagay, ito siguro ang nais niya na matutunan namin sa pagbigay niya ng out of the blue quiz.

July 02, 2011

BSU-95th foundation

nakakatuwa isipin na 95 taon na ang benguet state university.. happy foundation day bsu! i'm proud of my school, super proud!!

ano nga ba nagawa ko sa event na ito? hmmm, wala naman, nanood lang, nakinig, pumalakpak sa mga nagpe-perform... naging photographer kunwari.. ayun.. pero masaya naman..may street dancing at 2nd place ang college na kinabibilangan ko.
ito ang mga larawan sa street dancing:




  

 
photo by: jessica lopez
camera: janet lagasi

ako'y bilib sa taglay na kagalingan at kahusayan na ipinakita ng CTE.. go teachers!! the best talaga... pati konsepto ng costume talagang todo pinaghandaan oh. clap! clap! for them.. hoooray!

with friends:


 Janet, Clarence, ako at Roxanne

 Ako at si Clarence

Ako, Janet at Roxanne sa labas ng college, tumatambay.

AKO! ako ulit!! akooo.... :))

peace tayo :))

congratulations to students, faculty, staff... at iba pa na bumubuo ng bsu! mabuhay tayong lahat. mabuhay!
wish ko lang sa 100th year, ay nasa bsu pa ako... again happy 95th foundation anniversary!
Protected by Copyscape Online Copyright Protection Software