Ambilis talaga ng araw ano? parang kailan lang. Ilang oras nalang at new year na naman! I feel excited. Hehe. Ano nga ba naging kaganapan sa buhay ko ngayong 2012? Ito share ko lungs sa inyo.
January: Nang magbreak kami ng mokong na ex-bf.
February: Pirst time ko makapunta ng Bataan, ang saya! Kasi free, nakicompete kami sa Luzonwide press con nung nasa publication pa ako sa aming university bilang isang kartunist :P
March: Wala naman naganap
April: Wala, most of may time nagta-trabaho sa MatDo. Nagdodoble duty ganyan, umaabot ng 18hrs ang duty ko that time 24hrs open eh tasaka bakasyon. Kaya nangunguha ako ng duty ng mga duty na tamad pumasok na mga crew. (nagpapayaman)
May: Ito na! Nagkaroon ako ng bf na masasabi ko na pinakamasayang relationship (parang ang dami ko naman naging bf!!)
June: After 10 months sa MatDo, nagresign na ako. Keme magfocus sa studies ang reason, pero ayaw ko na talaga. Period.Tapos dito lang nagstart ako magblog-hop.
July: Umalis na ako sa school publication. Ayaw na kasi ni insan (nagpapa-aral sa akin) na sumali pa ako sa mga ganyan.
August:
September: Nagbirthday ako. Siyempre that counts as a blessing. And sinilang ang isa pang blog Sketches of Words.
October: Nagkatanggap ako ng awards dito sa blog Versatile Blog award mula kay Ms. Balut ng The Lucky Blog at Liebster award mula kay Ms. Arline ng the Pink Line.
November: Keme sali sa college pageant, swerte naman naging Ms. Photogenic.
December: 2 years na ng blog na ito. At keme bigay naman daw ako ng mga artworks na feeling ko hindi naman maganda.
Ayun lang naman. This year din pause kami ni boypren sabi niya kasi focus daw muna ako sa studies at enjoy college life. Anu't ano pa man kami din daw sa huli. O siya! I just want to be alone for now, and enjoy life. (Tama na ang kwento) BASTA SINGLE AKO NGAYON! whaha
Nais ko magpasalamat sa inyong lahat. Thank you ha, oo sayo! Ikaw na nagbabasa, bakit may iba pa ba? Siyempre naging espesyal ka sa akin.
Sabi nila basta state university daw, iskolar ng bayan (kasing level daw ng UP, feeling lang ako, hehehe) Dapat ko din pasalamatan ang mga empleyado ng ating bansa dahil tiyak ang tax na binabawas sa sahod niyo ay napunta na sa tuition fee ko, LOLS! May 3 semesters pa ako sa BSU.
Oh siya Happy new year sa inyong lahat. Maganda ang mga mangayayari sa 2013. Maniwala lang.