December 31, 2012

Bye 2012

Ambilis talaga ng araw ano? parang kailan lang. Ilang oras nalang at new year na naman! I feel excited. Hehe. Ano nga ba naging kaganapan sa buhay ko ngayong 2012? Ito share ko lungs sa inyo.

January: Nang magbreak kami ng mokong na ex-bf.
February: Pirst time ko makapunta ng Bataan, ang saya! Kasi free, nakicompete kami sa Luzonwide press con nung nasa publication pa ako sa aming university bilang isang kartunist :P
March: Wala naman naganap
April: Wala, most of may time nagta-trabaho sa MatDo. Nagdodoble duty ganyan, umaabot ng 18hrs ang duty ko that time 24hrs open eh tasaka bakasyon. Kaya nangunguha ako ng duty ng mga duty na tamad pumasok na mga crew. (nagpapayaman)
May: Ito na! Nagkaroon ako ng bf na masasabi ko na pinakamasayang relationship (parang ang dami ko naman naging bf!!)
June: After 10 months sa MatDo, nagresign na ako. Keme magfocus sa studies ang reason, pero ayaw ko na talaga. Period.Tapos dito lang nagstart ako magblog-hop.
July: Umalis na ako sa school publication. Ayaw na kasi ni insan (nagpapa-aral sa akin) na sumali pa ako sa mga ganyan.
August:
September: Nagbirthday ako. Siyempre that counts as a blessing. And sinilang ang isa pang blog Sketches of Words.
October: Nagkatanggap ako ng awards dito sa blog Versatile Blog award mula kay Ms. Balut ng The Lucky Blog at Liebster award mula kay Ms. Arline ng the Pink Line.
November: Keme sali sa college pageant, swerte naman naging Ms. Photogenic.
December: 2 years na ng blog na ito. At keme bigay naman daw ako ng mga artworks na feeling ko hindi naman maganda.

Ayun lang naman. This year din pause kami ni boypren  sabi niya kasi focus daw muna ako sa studies at enjoy college life. Anu't ano pa man kami din daw sa huli.  O siya! I just want to be alone for now, and enjoy life. (Tama na ang kwento) BASTA SINGLE AKO NGAYON! whaha

Nais ko magpasalamat sa inyong lahat. Thank you ha, oo sayo! Ikaw na nagbabasa, bakit may iba pa ba? Siyempre naging espesyal ka sa akin.

Sabi nila basta state university daw, iskolar ng bayan (kasing level daw ng UP, feeling lang ako, hehehe) Dapat ko din pasalamatan ang mga  empleyado ng ating bansa dahil tiyak ang tax na binabawas sa sahod niyo ay napunta na sa tuition fee ko, LOLS! May 3 semesters pa ako sa BSU. 

Oh siya Happy new year sa inyong lahat. Maganda ang mga mangayayari sa 2013. Maniwala lang.

29 comments:

gord said...

Daming nangyare! Ang dami ding palitan ng bf ah. Hahaha.

Happy new year kabsat!

JonDmur said...

Daming nangyari.. kakalungkot ung kay Ex.... atleast naka move on ka na hehehe

Happy Happy New Year ^^ may ginawa pala ako sayo... sa previous post ko ^_^

Sana laging Happy ^__^

Archieviner said...

Daming ganap. may BF ka pala ngaun. Ngayon ko lang nalamat.

Salamat din Ms. JLo. Happy New year sayo :)

Jessica said...

Hindi na muna BF >_M singless muna.. emo lang ganyan.

Anthony said...

hangad ko na sa darating na 2013 ay maging masaya at mabunga para sa iyo. ang mga iskolar ng bayan (tulad natin) ang siyang pag-asa ng bayan ika ni gat jose rizal. kaya aral lang tyo ng maige. gudlak sa lablayp at iba pang karir. hapi new year! :)

Lawrence said...

Ms photogenic tas walang lab lyf?
anyhow, good luck sa darating na new year.

ZaiZai said...

Happy New Year Jessica!

Okay naman pala ang 2012 mo, balanse lang, may emo times, may happy times. Ganyan talaga ang life :) Mas bongga yan sa 2013, I know! God bless and really nice to know you this 2012! :)

Mar Unplog said...

Happy New Year JLO! Hanap na ng BF para sa 2013 haha

KULAPITOT said...

una pa lang sa list pasabog na ! nagbreak keme! hahahaah sa january din daw hahabulin ka lahat ng mga lalaki~! pak!

hapi new year jessica!

Tsina said...

Kaya mag-aral ng mabuti. Hehe. :)

Lala said...

haiganuwan din this year din ang pagkawala ng tao na hindi na dapat mabelong sa future natin hahaha tablah2x tayo jes!! pero kebs!! kering keri na yan may darating at darating pang marami! marami talaga! lels!! happy new year jes!!

MEcoy said...

haha ayun oh, yumeyear end post din
namimiss ko nadin maging single huhuh hahaha
naninibago pa din ako sa blog template mo haha

anyways, thank you for making my 2012 even more wonderful!
I enjoyed your blog this year looking forward for more this coming year
Happy New Year

Steph-G said...

state university student rin ako,,hahaha. thank you sa comment sa blog ko, I'm a new follower I'd love it if you followed back :D Maligayang Bagong taon! I enjoyed reading this post..

http://steph-g.blogspot.com

fiel-kun said...

haha, ang kulet ng pagbabalik tanaw mo Jessica :)

basta study hard lang, lahat ng paghihirap at pagsisikap mo ngayon ay may mabuting bunga sa future. Basta keep the faith up lang and don't lose hope.

Happy 2013 sa iyo!

joanne said...

Happy New Year bebe sis!

Natuwa ako sa sinabi mo, dahil dyan gv na ko kahit pa ang laki ang tax ko paminsan, at least alam kong may napupuntahan yun, haha!

Ikaw na, ang daming naging jowa, dinaig pa ang ate aba, chos! Haha.. At FYI, ang ganda nun artwork na pinadala mo saken, super love ko! Thank you ulet.

Study hard, konting tiis, at makakatapos ka rin!

Ang liwanag ng blog mo ngayon, naaliw ako.

Happy New Year!!! God bless.. Hugs from me!

Jessica said...

grabe 2 lang madaming palitan na? hehe!

Jessica said...

hindi ok lang ung kay ex! wala lang naman un, ung ex ng january, hehe

salamat sa ginawa mo ha, thank you! (big smile) :)

Jessica said...

hehe. magiging masagan ang taon na ito! :) salamat sayo. happy new year.

Jessica said...

bakit. pwede naman un ah? hehe

Jessica said...

tama ka jan Zai, minsan iiyak minsan tatawa ang mahalaga life must go on, salamat sayo ha. happy new year.

Jessica said...

hahaha oo pareng mar hanap ako! joke :P

Jessica said...

haha wagas naman, baka sabihin play girl pag hahabulin ng madaming pogi :) kaya wag nalang hehe

Jessica said...

yeeeeees :)

Jessica said...

korak ate LALA, happy new year.

Jessica said...

siyemps MECOY, kelangan iflash back para malaman kung may maganda rin bang nangyari hehe

di maging single ka ulit :) haha

siyemps new year kaya dapat palitan ang layout ng blog.

happy new year!

Jessica said...

no problem, i will follow back :)

thank you po. :)

happy new year.

Jessica said...

yesss korek ka jan kuya fiel. wala na akong ma say pa, happy new year :) hehe.

Jessica said...

Happy new year ATE JOANNE :)


Haha, siyempre pag graduate na ako, wag ka na give malaking tax! hehe

weh hindi naman dami jowa eh. Salamat naman po at nagustuhan mo ung binigay ko (BIG SMILE)

salamat ate sa mga sinabi mo, aral lang po talaga.. paunti unti umuusad at magighing successful din.

siyempre ayaw ko na ng black backgroung (bagong buhay lang) hehe

HUGS!! :) much love.

JH Alms said...

mukha ngang jampacked ang 2012 mo.. sana mas exciting pa ngayong 2013.. happy new year ulit sayo..