Ako si Jessica

Saturday, May 26, 2012

mahal kong manok

bilang isang crew ng mcdonald's sa kasalukuyan, isa lang masasabi kooooo masarap kumain ng chicken ng mcdo (thigh part) hehehe, ang saraaaaaaap... uber!!!! kaka-inlove, ang sarap namnamin. sulit. sa mahigit 9 months ko bilang crew, bagamat madalas ganito ang meal, hindi akooo nagsasawa! ^^


hindi ako endorser, isang nanangkilik lamang... saan ka pa? P75.00 lang solve ka na! yahoooo! LOVE KO TO :)


Thursday, May 17, 2012

Miss ko na ito.


Dati nakakapag-drawing pa ako. Dati nakakapagpinta pa ako gamit ang pastel. Dati nakakasali pa ako sa mga competition- poster-making competition o kahit anong related sa ARTS.

NGAYON HINDI NA. Hindi ko na nagagawa ang mga ganito... nakaka-miss. Dahil na rin siguro nakatuon ang panahon ko sa pagta-trabaho sa ngayon bilang isang crew. Hindi ako propesyonal, hindi ako magaling, ngunit ang bawat nagagawa ay walang katumbas na kasiyahan.  

Pangarap ko noon kumuha ng "FINE ARTS" kahit noong grade 1 pa lamang ako. Sabi nila wala daw mapapala sa kursong iyan, hindi naman iyon ang mahalaga sa akin, ang mahalaga natuto at masaya sa ginagawa. Hindi ko natupad ang pangarap na iyan. Dahil sa wala naman budget.

May mga collection ako ng mga nagawa ko noon na simpleng papel at pastel lamang ang ginamit ko. Nang ito'y aking binabalikan, tila hindi ko na naa-appreciate ang mga ginawa ko noon. Ganoon nga lang siguro, sa una akala "THE BEST" na... pero  sa paglipas ng panahon na tinago ito at titignan ulit, parang gusto mo pang paghusayan. 


Ito'y ilan lamang sa nahalungkat ko. 





Batang "J"
 









Ang lalaking nagtatago sa liwanag at dilim.

WEIRD stuffs...

Nang i-post ko minsan ang ilan sa mg anjan sa  facebook at tinag ang ilang friends... may nagsabing "ang pangit" sa akin sa per o kaya noong ipninakita ko sa ilang kaibigan, "hindi ko feel drawing mo".  Noong mga panahong ginawa ko 'yan feeling ko ang ganda- ganda... pero ngayong binabalikan ko "ay hindi pala" hehehe. Maraming practice pa para lubos na mahasa, di ba? :)


BLACK & WHITE

 

nakaka-miss talaga... hindi ko na ginagawa ito. di bale kapag may maluwag na oras, guguhit muli... 

iba talaga ang sayang madarama kapag mahal mo ang ginagawa mo. mahal ko ito, at kahit ilang taon pa na hindi ko ito nagawa, alam ko babalik pa din ako sa mahal ko- ang gumuhit. 

Wednesday, May 16, 2012

Hello TWITTER! :)

kaloka.. may twitter na akooooo??! oo may twitter na, nakikiuso? ewan.. pero napag-tripan lang na gumawa ng account.. MASAMA? MASAMA? kalowka! hehe :D

to follow me CLICK HERE :) tenchu soooo much!

Thursday, May 3, 2012

MOTOR STAR???

parang astig ng dating kapag ang babae ay marunong mag-motor... with matching helmet pa sana. pero sorry hindi ako marunong mag-motor, HEHE! :D


quick post lang ulit.... next time mag-kuwento ako ng mas may sense... sa ngayon magtiyaga muna sa MUKHA ko na nakakasawa ang mga ipo-post ko, deal? owrayt! HEHE :)

Monday, April 30, 2012

Miss McDo???

minsan sa buhay ko, nasubukan kong sumali sa PAGEANT,, una akong sumali doon sa college namin doon sa bsu. WAPAK! talo akooooo.... as in kahit isang award wala akong nakuha, parang feeling ko noong time na yun as in SUPER LOSER ako. kunwari smile ako, pero pagkatapos noon WAAAAAAAAH umiyak ako. sabi ng mga friends, aquaintances, CONGRATS! panalo ka pa din.... oh ayon smile na ulit ako, ^__^


itooo ang pictyur ko noon... wah! pictorial?? t-shirt lang soot??? no ba yan!! HAHAH! XD


wooh! first time ever shorts in public huh!!!  

 

 representing......... candidate no. 6!!!! HAHAHA! :)


parang repost lang itooo... pero dito ako natuto ng marami, i swear!!! promise!!! :)

wwwwooooooooooy! unexpected!!! hinirang na miss Mcdo La Trinidad 2011??????? tsamba! HAHA!

masaya sa feeling... kasi nga miss kunwari, pero promise, hindi ito dahilan para ikalaki ng ulo, of course always remain humble. 

it's a matter of learning... always learn, and learn and learn. title doesn't matter. but what matter is our value as a person and our attitude towards everything- from little things to big things. 


PICTORIAL
 
feeling ko super baduy ako diyan, bakit? kasi simpleng blouse ulit suot ko... wala man lang kahit borloloy... HAHA! atsaka hindi ko feel pose ko diyan kasi hmmmm, ummm... obvious ang aking flat chest (HAHAHA!)hays, kakainis, pero okay lang, care ko?? HEHEHE!

smile pa rin TO DA MAX!!!!

pictorial wala man lang dalang make-up, walang kahit anoo... parang napadaan lang ako na hindi man lang napaghandaan, HAHA! tawa nga kami ng kaibigan ako. parang nasa giyera kami na walang dalang bala! hahays.. HEHE!

habang busy mga iba na nagme-make up, kami ayun pinapanood lang silang nagme-make up at nag-aayos :I
 
oha oha... :) great experience, love it! 

Monday, April 23, 2012

hello blog, kamusta ka na?

matagal na panahon na din nang hindi na ako nag-post dito saking mumunting blog.... bakit? hindi ko rin alam. tinamad siguro ako, walang gana, busy.... kamusta naman ang blog ko, ito... ganun pa din, pero ngayon halos pinalitan ko na lahat.. background, profile picture... ano pa ba? hmmm... basta isa lang hindi mapapalitan, yun ay ang aking TITLE :)

GRAVEYARD SHIFT:

ito ang ilan sa mga GY ng McDonald's City-Hall Insular...  magaganda, hindi ko sinsasabing maganda ako, pero maganda mga kasama ko. kahit FOOYAT maganda pa din smile, OHA! alabit!! HEHE..

photo courtesy: ma'am ice

photo courtesy: ma'am ice




PHOTO SHARE:

HAHA! langya.. ang kapal mag-picture, hehe, trip lang naman... ang saya-saya pa ng smile ko diyan, hmmm. HEHE :) ISMAYL ^______^


sabi nga sa theme song ng McDonald's PAPARAP PAP PAP.... LOVE KO 'TO!!! hehe.. totoo naman, dapat lang mahalin ang mga bagay o tao na meron sa atin.. kahit ano pa 'yan, minamahal sa buhay, mga kaibigan, klasmeyt, boypren/ garlpren, trabaho, ka-trabaho,  pag-aaral, titser.... dapat mahalin. whuhuhuhu! ito na naman tayo, nagda-drama.... hehe ^_^ bakit pag drama emo agad? hindi ba pwedeng....... sige na nga emo nalang! hehe.


Sunday, March 18, 2012

sa wakas may gitara na! :)

ang saya-saya ko dahil mayroon na akong gitara... yipeeeeeeeee! hays, ilang araw na duty rin yan, mura lang.. pero ilang araw na sahod na yan :( pero okssssssss lang :)

frustrated ako kasi hindi ako marunong umawit at kahit mag-plau ng instrument sana this time at may sarili na akong gitara ay mapag-aaralan ko kung paano tumugtog nito :) SALAMAT

GITARA 




SI AKOOOOO :)



EMO NA NAMAN!! OoooOppss wala kokontra! hmmm :)




*BUHAY SINGLE

minsan masaya maging single, minsan nakakalungkot din... mukang wala ata akong swerte sa "LOVE LIFE" ewan ko ba... hehe, ganun nga lang talaga siguro. sabi ng iba "maghintay lang" tanong ko naman "hanggang kailan?" minsan masakit maghintay kasi nasasayang ang oras, sayang imbes na sa paghihintay eh naituon na sa pagbigay nito sa taong paglalaanan nito :) LIFE IS SHORT diba. 

i think i am inlove again, the more i look at you the more i fall for you... so sometimes i'd choose not to look at you for i don't want to fall so deeply with you because i'll just hurt myself. kasi BAWAL diba?! if only.... i want to choose you to be my GUY :)