nakaka-excite... masaya... nakaka-kaba na din, 'yan ang aking pakiramdam nang sumali ako ng ms. cte (college of teacher education) sa aming paaralan... well, pangarap ko naman sumali sa pageant, wala lang just to experience...and know how does it feel. pangarap lang noon, nasa isip ko lang pero iba pala kapag anjan na ang pagkakataon.
september 15 ang araw ng pageant... isa itong pambihirang pagkakataon na ibinigay sa akin... hindi man ako pinakamaganda, hindi man ako pinakamagaling, hindi man ako nagpakita ng talentong mapapahanga ang madla... pero ang para sa akin ipakita ko lang kung ano ako ng walang pagpapangap.. just natural... medyo astigin kung minsan... pusong babae pa rin naman.
aking napagtanto na ang pagsali sa pageant ay isa lamang extra activities.. higit pa rin mas mahalaga ang pag-aaral... 'yan ang na-realize ko pagkatapos nang pageant, dahil sa pag-aaral, ang bunga niyan ay habambuhay, magkakaroon ng magandang buhay, nakasigurado pa ang kinabukasan pero ang pageant hindi sigurado, at minsan lang sa buhay, pagkatapos ng pageant, what's next...?
PHOTO BY: Rhe-ann Ngayaan
ang pagiging maganda, plus factor lang 'yan, higit pa rin na mas mahalaga ay attitude, positive attitude... and how we deal with everyday circumstances. most importantly, being humble... hindi man ako nanalo, wala man akong award na nasungkit, masaya pa rin ako dahil naging bahagi ako ng event na ito (searh for mr. and ms. cte).... marami akong natutunan, i earned confidence... pagkatapos nung pageant hindi ko mapigilang umiyak... pero dapat sports lang... 'di ba? kaya after i cried okay na ako, just releasing my emotion para hindi mabigat, it's not for me, at least i did my part.
in this pageant, i would like to thank my classmates- pehma, values and tle for their support... i really do appreciate it, it really touched me- you sacrificed and made effort to support me... Roxanne Magalong, Noemi Francisco and Charity Lopez thanks for being there... doing make-up after every event... salamat ng marami! Ruby Jean Tacquio and Roxanne Magalong for sewing my creative attire.. cute daw? salamat ha... Banny Alcido for lending me tennis racket, blue sandals, wrist and head band... salamat din! Jenjing Ramos for lending accessories... and thanks din sa nagpahiram ng white sandals and dress that i used in my evening suit (soorry 'di ko maalala, pero i knew she's a values major)...to joan kani, clarence maquio, janet lagasi, brail balanon, lorna ba-a... thanks and to all who cheered and said galingan ko.. salamat, i may fail to mention all, you inspired me to do my best... salamat ng marami sa inyo... though, i didn't make to get an award, you made me feel that i still won. salamat sa lahat who cheered me up. this is an avenue for growth and development. thanks for the opportunity.
to the winners congratulations! congratulations to everyone.
No comments:
Post a Comment