Hello! Kamusta? Ako ito ok naman. HAHA! (sulat lang ng kaibigan na matagal hindi nagkita??) Medyo busy busy dahil finals na at eto na naman ako naghahabol sa mga hollywood stars ay este instructors! chos. Maiksi lang itong ipopost ko pramiz, sana pagtiyagaan niyong basahin, hehee
May gusto sana ako ilabas, kasi pag hindi ko ilabas baka sasabog na ako! haha! big explotion, charing! Pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan, I know I'm still young, pero it's part of growing.... I mean to have crush ganyan, and eventually boypren. I don't share it madalas, kasi all didn't work. Yung past 4 (wow, andami???) hahah! masakit man, pero ako iyong iniwan, hindi kasi ako nag-iiwan, so siguro nagsawa, ako ang iniwan.
Ito mga naging kaganapan....hindi nila tunay na pangalan.
Coco Martin: Sept. 27, 2011, ok pa naman sa unang buwan.. pagdating ng pangalawang buwan, wala na.. bihira na magtext.. ako naman kala ko busy busy, tinetext ko... hindi nagrereply, tinatawagan ko, sumagot nga hindi naman nagsasalita, badtrip!! so two months palang babush na!
Aljur Abrenica: May 2, 2012, Ok siya, daming kilig moments with this guy, akala ko magtatagal... akala ko totoo siya sa mga sinabi niya... na ako ung pinaka the best na naging gf niya, hindi daw maarte, simple lang... sweet siya ganyan... akala ko ako ung gusto niya ung makasama sa buhay ganyan (hala ambata bata ko pa eh! AHAHA). Until one time, bigla sabi niya cool off, pero kami pa din, mga once a month nalang magkita ganyan... kasi I need to prioritize my studies daw, pag nakatapos na ako at may stable job, then dun nalang daw ulit kami magkakabalikan, oo tama nga siya pag-aaral muna pero kailangan ganito??? kung may trabaho na ako? Kahit saan pa man daw mapunta, kami pa din daw in the end. Ok lang daw makipag bf muna ako sa iba basta play safe at wag magpapajontis habang wala daw siya. HAHA! Ang hirap nito. So ayun no communcation at all since December.Kung may issue about another woman, sabi naman niyang wala. OK! Kung talagang magiging kami, time will come. Who knows, I don't know.
KILABOTS: January 16, 2013, nagkakilala kami sa mga painting activities ng school. Sus! Ok naman siya. Ito na naman parang hawig sa ginawa ni COCO MARTIN na bigla nalang nawala ng hindi ko alam kung bakit, February 11, bigla nalang hindi nagpaparamdam at nagpapakita. So ayun kinutuban na ako. Sabi niya cool off daw kasi nahihirapan daw siya friends and family. Hays, kahit naman diba? So ayun let go na! Tapos nakikita ko nalang siya sa school with other ladies, aysus! Care ko? Dedma. Sabi ng friends niya, ang kapal ng moks niya na siya pa ang nakipagbreak, kala mo naman kung sinong gwapo! HAHAHA.
Mr. Z: days ago palang ito... akala ko ok na siya... lahat na ng matatamis na pwede sabihin sakin nasabi niya na...sabi niya gusto niya kami magtagal... ako din naman. The feeling? Wow! In love. Masyado daw ako friendly sa guys, bawasan ko, so binawasan ko naman, cuz it might be the reason to lose him. I really like this guy I met lately, we share common interest. No words can exactly tell how I really admire him. One day, hindi na siya nagpaparamdam na gaya ng dati... I'm texting him sabi busy. I found out sa fb that his relationship status is in a relationship with other woman na gf niya before me from other country., of course naka-hide sa akin, pero sa isang fb ko doon ko nakita (hiihihi) so ayun, lininaw ko sakanya, sabi niya "Sorry nakikipagbalikan, sana maayos pa natin ito, mag-usap tayo" So nagkita nga kami pero hindi naman napagusapan dahil nagmamadali siya. Ouch! Then I can see that he love her so much, kahit nasa ibang bansa palang ung girl na hindi pa niya name-meet personally. Ako hindi na tinetext, ayaw ko nang tanungin pa kung kami pa dahil, ayaw ko lang marinig ang masakit na sasabihin niyang hindi na.


Ewan ko ba, bakit kaya lagi nalang ako iniiwan? Iniisip ko nga kung ano ba nagagawa ko at ganun nalang? Sa tingin niyo bakit kaya? Ano ba sa tingin niyo nakikita niyo sa akin at lagi akong iniiwan? Seryuso ako pag nagkaka-bf... After nito gusto ko nalang maging single talaga. Mag focus nalang ako sa mga dreams ko at kung paano ko makakamit lahat ng goals ko. Ayaw ko maulit ang ganito... ayaw ko ng iiwan pa. Mas nacha-challenge ako na magpursige sa buhay, promise. Dahil dito gusto ko pa pagbutihan ang pagpe-paint ko, at pag-aaral ko. Gusto ko may marating sa buhay. Promise. sana'y naiintindihan niyo po ang pinanggagalingan ko.
good day po sa inyo :)