Ewan ko ba... nakakatamad... wala sa mood... akalain niyo naayos na ang net connection sa bahay, pero leyntek ung computer naman nagka-problema.
Isang gabi, inopen ko computer, kung hindi nagha-hang, kusang nagrerestart! Inis talaga... eh di hinahayaan ko kung ano ang gustong gawin niya sa sarili niya, maghang kung mag-hang! Mamaya maya, nakarinig ako ng malakas na pagsabog! Powtik, hindi ko alam kung ano ung pumutok, iyong monitor ba? CPU? o AVR? sa sobrang nerbyos ko inOFF ko ung AVR, tapos pinagtatanggal ko ung mga nakasaksak. Maya-maya amoy usok na (pero hindi nasusunog bahay namin)...Hanggang sa natuklasan ni ankel na ung CPU pala. nakakaatar lang! hahaha. Wala mapaglibangan pag gabi sa bahay.
Oist pasko na, ramdam niyo na ba? Siguro oo, ako oo kapag nakakarinig lang ng Christmas music. Hihihi... Kung busy kayo sa pagshopping para sa mga reregaluhan niyo, ako busy naghihintay ng magreregalo sa akin, hahaha!
Holalala! Nararamdaman niyo ba ang nararamdaman ko, maaring hindi. Ito sasabihin ko na, gigil na gigil akong makaalis na kapobrehan. Oo, tama ka, pobre, dukha, purita. Ayan ako ngayon, at ilang taon ko na itong nararanasan, hehehe. Hays.... bukod sa pag-aaral ano pa ba ang maari kong gawin? hohoho! Iniisip ko nga paano kung gawing business ang art? Pero kaibigan hindi ko alam kung paano? Hindi ko alam kung pwede/ paano magbenta ng mga paintings?
Kung may alam po kayo kung paano, makishare po? hehehe. At sama-sama tayong aasenso, hehe!