Showing posts with label untitled. Show all posts
Showing posts with label untitled. Show all posts

February 17, 2013

May Kambal Ako?


Sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi ko aakalin may kambal pala ako, oh shaks! this is really shakings!!! hihihihi. kambal? me? OH NOSE! 

Noong nagwork ako sa MatDo, may bagong employed na crew... gulat mga other crew mates kasi, kamukha ko daw si Clyde (male siya). Tapos pati way ng pag-smile niya, similar daw kami, haaa? Hmmm. Pa-joke ko na tanong "ano ba pangalan ng tatay mo?" Tawa mga crew.

Kaya ayun, nasakyan nalang din ang trip nila, at naging KAMBAL na ang tawagan namin, kahit hindi ko feel na magkamukha kami. HAHAHA, infairview, pogi siya.

Hanggang sa nagresign na me....

Na-add ko siya sa FB niya after ilang months... tapos malaman-laman ko parehas kami ng BIRTHDAY!!?? Birthday? Oh! Parehas kami na September 17. Tapos nalaman ko din na magaling siya mag-drawing, ganda ng mga doodles at drawing niya. OH MY! Payat siya, payat din ako. Gwapo siya, maganda ako (char char char! JOKE) Hindi nga kaya kami kambal? HAHAHA! Matanong nga si mama ko. Joke! :P hehe

Sa tingin niyo, anung ibig sabihin nto, parang sobrang coincident naman masyado, hehe.


Oh yan ninakaw ko lang pics niya... (SSHHHH) hehe! Kayo na bahala kung ano sa tingin niyo...

September 18, 2012

SALAMAT

Salamat much naman sa lahat ng bumati sa akin sa munting araw ko bilang dalawang dekada ng nabubuhay sa mundong ito! (ang lalim) HAHA. Ayos. Wagas. Medyo nalungkot talaga ako. kasi hindi na “teen” ang edad ko. Keribels! Echos.

-How I celebrated my birthday yesterday?

Gaya ng nabanggit ko sa last post ko, nothing special on my birthday, it’ll be just an ordinary day.
Ayon, pumasok sa school, kahit mamugto-mugto ang mata kakaiyak (ngayon ko lang na-realized bakit ba kasi ako umiyak??) Hehehe. Praning lang ano. May mga bumati naman sa akin sa personal, pero mas marami ang hindi alam (buti nalang).

May mga grupo naman ng magkakaibigan na kinantahan ako ng HAPPY BIRTHDAY in amazing grace tune. Yung mga kabatchmate ko na fourth year na ngayon (ako 3rd year palang) kinantahan din ako, sa matinong tono. Marami ang nagpapalibre dahil birthday ko daw. Hehehehe. Sorry naman, sa next birthday ko nalang baka dun asensado na ako :P

Salamat sa lahat ng bumati- friends, classmates, peysbuk  at blog (wala twitter, parang engot ako na post ng post dun, wala naman nakakabasa)

Pagkatapos ng klase, nag-practice para sa pre-pageant sa CTE. Waka waka! Kasali ang lola niyo sa pageant… sa Saturday na, pa-relax relax lang ako, hindi pa ready ang mga isusuot ko! HOHOHO (good luck nalang)

Umuwi sa bahay, may munting spaghetti at tinola na hinanda ang aking relatives at nanay, ayos solb! (salamat) Busog.... Pagkatapos kumain, naghugas ng  sangkatutak na hugsin, nagpeysbuk at natulog na!) Tapos ang Sept. 17, 2012.

-Sa Thursday (Sept. 20, 2012)  ng 12am lalarga kami mga MAPEH major papuntang Up Diliman… OHA! Pero parang hindi sulit ang pagpunta namin, kasi balikan din. Pero keribels na din… hehe So Friday 12am nasa Baguio na ulit. Kinabukasan pageant, wagas!! Hindi naman siguro akong mukang haggard sa pageant ano.

-I deactivated my facebook account, wala lang… para kasing sayang sa oras pag nag-oopen ako. Hays. I will open it pa din, try ko kung kaya ko hindi iopen kahit isang linggo, tapos next dalawang linggo, susunod tatlo… hanggang sa makakalimutan ko na itong iopen (yun ay kung kaya ko) hehehehe

ABANGAN MGA UPDATES AFTER NG MGA EVENTS. SEE YAH! Hehe.

July 11, 2012

Boredom Stuffs

Parangarap ko noon kumuha Fine Arts sa kolehiyo... pero frustrated ako! Education ang naging kurso ko.... di bale okay lang. Mahilig ako sa ARTS. Mahal ko ito. Minsan sa bakanteng oras yan ang ginagawa ko, or kapag boring si instructor nagdu-doodle....

 Paru-paro

 
ANG BATANG NASULYAPAN ANG LIWANAG 

 
Frustrated Guitarist


Si Nanay at Ako (CHARING) haha
 

Weird lang...


Kamay ni JLo (naks!!! JLo talaga?) haha


Oh siya! Yan pa lang latest eh...
next episode ulit. ABANGAN!!! hehe

January 07, 2012

katuwaan

January 5, 2012

nagkaroon kami ng picture ng kaibigan ko na si Mary Grace... kuha sa CTE-college of teacher education..

 ladies comfort room =)


walking along the corridors


 BSU-CTE's beautiful scenery, so relaxing... un nga lang green ang tubig pero ok na! hehe


bakit ganyan mata ko jan.. ayeee! hehe


 mary grace and me... :)

 

 silip dahon... waaaaah!


 ito pa... hehe

 

look up!!


yehey.. =)


love it! 


hanapin mo ako! heheh.. andito lang ako ;)


 ayan, isa na naman masayang alaala.... kasama si mary grace.... sa uulitin ;) hehe... makulit din eh noh... saya saya!! ;)

*_*
.

November 26, 2011

resign or will not resign?

9:00am-4:00pm ang duty ko ngayon sa trabaho, araw ng sabado... medyo nahihirapan na ako, hindi dahil mahirap ang trabaho sa akin, kundi dahil sabay sabay ang mga gingawa- pag-aaral at trabaho...(balance of time). kadalasan late ako, nakakairita ang laging ganito... 'yong tipong hinahabol mo, para lamang makarating on time, pero minsan kahit anong pilit na maging on time, late pa din. 7:30 ako nagising... 1:00am na kasi ako natulog, dahil 11pm natapos duty ko kagabi. kaya kahit anong pilit ko gumising ng maaga, hirap ako. kahit anong lakas ng alarm clock, wala pa rin effect sa akin.. kakainis ano? hehehe... at dahil 7:30 na, kakain, at maliligo pa gagawin ko, tapos ang biyahe papunta sa La Trinidad (kung saan ako nag-aaral at nagta-trabaho) aabutin siguro ng 40mins kung walang traffic, at kung traffic naman isang oras mahigit (naku! dinaig pa ang biyaheng baguio-pangasinan na isang oras mahigit lang)

dahil sa hindi na ako aabot, at nakakahiyang late na naman ako.. mas minabuti ko pa na huwag nalang pumasok at mag-AWOL... ang ginawa ko, gumawa ako resignation letter... sabi ko sa sarili ko tama na, ayaw ko na... pero nung nasa store na ako, nagdadalawang isip pa din ako kung ibibigay ko ung letter o hindi, mabigat din sa loob ko dahil, halos 3 months na ako nagta-trabaho sa McDonald's, napalapit na sa kin, at maraming happy memories dun... tapos aalis nalang agad... hmmm...

ayun, binigay ko ung letter with heavy feeling kay ma'am... tinanong niya ako kung bakit.. hindi ko masabi pero nasabi ko pa din....(magulo? magulo?) basta to cut the story short, nag-usap kami na hanggang January 15 nalang ako.. so mag-stay muna ako, sayang.. pasko din naman... at kung aalis ako, ano na mangyayari sa akin, paano na din ako diba? saan ako kukuha ng allowance. basta thanks a lot kay Ma'am Cleo for extending her understanding with me....

September 09, 2011

happy september

unexplainable stress ata ako ngayon, well, lahat naman tayo nai-stress.. depende nalang kung paano natin ito ima-manage.. daming gagawin, nakalista na din calendar of activites na gagawin ko for september.. masaya na rin na ganito kesa sa walang ginagawa, at least i will learn, hopefully mapagtagumpayanan ko mga plans as of now.. sana...

August 25, 2011

Lintik!

“There are no secrets to success. It is the result of preparation, hard work learning from failure.” General Colin Powell


 minsan, malaking tulong ang pagbabasa ng mga "quotes" o wisdom ng iba, nang sa gayon magkaroon tayo gaan ng loob lalo na kapag mabigat ang ating pakiramdam sa mga bagay na nangyayari sa buhay natin.... 

minsan parang gusto ko na sumuko, hindi ko alam....  pero kung susuko ako, paano na ang bukas... ibig sabihin talo ako... ang buhay ay paghihirap... naniniwala naman ako doon, sino nga ba ang hindi nakakaranas? lahat tayo may mga kani-kaniyang kwento ng ating saloobin sa mga paghihirap na dinaranas natin..

masyado na naman ako nagpapaapekto sa mga nangyayari sa buhay ko... kung maari sana ayaw ko na ng emo mood. bakit? dahil gusto ko na sana baguhin ang pananaw ko sa buhay na lagi masaya at laging postive, para positive din ang resulta. mananatili na lamang ba sa malungkot, siyempre hindi. pero kapag andiyan na si problema, hindi maalis ang malungkot at mamoblema. nakakainis, ayaw ko na sana ng mga saloobing ganito, dahil paulit-ulit na lamang, puro kadramahan!


  .
LINTIK . NAMAN. OH!


August 24, 2011

bagong trabaho, bagong saya...

itong araw na ito, prinocess ko na ibang mga requirements sa inapplyan kong trabaho, tinapos na lahat sa araw na ito, at pumunta agad sa kompanya... ayun! sa wakas okay na! sa tinagal ng panahon na pagaantay at pagtitiyaga para makapasok, sa wakas.... ayan na... ready for work na... inaabot na sakin ang uniform na gagamitin... salamat! salamat sa pagtitiwala... buong galak at saya ang aking nadarama! lahat ng pinaghirapan ay nagbunga...

kabilin-bilinan ng nanay ko, anuman ang trabaho, dapat itong pahalagahan... dahil hindi basta basta ang mag-apply at magtrabaho. kaya naman, sana sa kabanatang ito ng buhay ko, nawa'y magampanan ko nang maayos, kahit na kasabay nito ang pag-aaral. alam kong hindi ito magiging madali, pero sana sa palipas ng panahon ay makayanan ko.

August 22, 2011

walang kwentang blog

nitong mga nakaraang mga araw, napaisip ako, pinagmunimunian ko... parang napaka-walang kwenta ng blog ko, wala man lang maisulat na matino...puro nalang ako, puro nalang mukha ko, pakiramdam ko wala akong maikwentong kakaiba, 'yong tipong hindi lang puro sarili ko (di ba? di ba?), 'yong unusal... well... well...well! bahala na, come what may.

August 21, 2011

kahit sa larawan na lamang matupad...

pagkakataon na lamang ba na hanggang larawan matutupad ang ambisyon na maging bihasang photographer? paano na lamang kahit mayroon interest kung wala naman gamit para hasahin ang bukod tanging interest sa pagkuha ng mga larawan.... kaya naman kahit sa larawan na lamang matupad. 


kahit cellphone camera wala ako, pero ito'y hindi naman sa naghahanap ng wala... gusto ko lamang ng mga bagay na patok sa aking hilig. di bale nang wala ako ng iba.... kaya naman, nang ako pinagkuha ng mga larawan, at pinahawak sa akin 'yong camera sinamantala ko na ang pagkakataon (mali pa ata hawak ko, halatang baguhan) kunwari akin, pero hindi, nag-aambisyon lang...('wag na kyo kumontra, minsan lang naman ito)

sana'y balang araw..... magkaroon na ako ng sariling camera...

August 15, 2011

Web Cam Photos

ito ang mga gawain ng mga walang magawa sa buhay.. picture picture, kung anu-ano nalang basta lang may magawa...


sadyang nagpapa-cute paminsan-minsan.... kahit hindi naman cute :))


SMILE pa din... kahit crooked ang ngipin! at least naka-smile! para happy ang life..


oha! ang pangit.. parang aswang...


BOW! :))

August 11, 2011

WALANG PAKSA


WALANG PAKSA

ni: Jessica Lopez

cruel, harsh and noisy world
confuse to believe every mouths words
all i can say i surrender
hopeless drowning in deep bloody of water

quest for nothing, where is the light
storms of life will i survive
tears splashed and this must not be
what is that will make me see

there is something that i seek
never realized to be contented
hoping the pain will end
begging to wipe the bleed will be sent

hopeless and tired building
come and go and it is nothing
i ask myself what is wrong
why can't i stand so long
Protected by Copyscape Online Copyright Protection Software