Showing posts with label McDonald's. Show all posts
Showing posts with label McDonald's. Show all posts

August 14, 2012

NGITI lang


Psalm 34:4

I sought the Lord, and he heard me, and delivered me from all my fears; For God has not given us a spirit of fear, but of power and of love and of a soul mind.


Kaya smile lang dapat palagi. Ok??

Naalala ko sa isang pageant na sinalihan ko noon....to be specific Ms. McDonald's Baguio-Benguet, kung saan ako nagta-trabaho noon bilang crew at yun nga may pageant sila, tsamba ako nanalo sa branch na kinabibilangan ko kaya ako nagrepresent sa pageant sa lahat ng McDo dito sa Baguio. Tsamba lang titibo tibo ako rumampa (HAHAHA) joke. Ito ang tanong sa contest...

Q: In your own little ways how can you contribute in the continuing growth of Mcdonald's?

A: Thank you for that question sir. In my own little way I can contribute by simply SMILING, as a service crew we need to smile (audience clapped and cheered with happiness! wooooooh! cheering). Because when we smile the world will also smile. (me with my biggest smile)

Ang sinagot ko ay simple lang. Natutuwa ako sa masayang reaksiyon ng audience... Parang feeling ko nga holliwood  star na pinapalakpakan ako (HAHAHA) pagkatapos ko sumagot picture dito picture doon, habang umeexit ako hinahabol pa din ako ng nagpi-picture sa akin, WOAH!!! ambisyosa lang. HAHA. Masaya sa feeling.

Sa bandang huli, hindi ito nasusukat sa pinakamaganda, o pinaka magarbo ang suot, hindi mahalaga sa akin kung ako mananalo o hindi. Basta ang ang pakay ko gawin ang best ko contest na yon.

Anyway, Marami talaga nagagawa ang smile.

Kaya always smile ^____^





June 07, 2012

SALAMAT Pareng McDo

GRABE!!, ang bilis ng araw... last day ko na pala ito pare, hindi ko namamalayan... nakakalungkot :(

paano ba 'yan pareng McDo....... huhuhu


salamat sa pagkakataon maging bahagi mo... salamat sa mga manager, crew at mga customers na nakilala ko. salamat sa mga aral na natutunan ko, na hindi ko matutunan sa paaralan o kung saan pa man. naging malalim na nga naging samahan natin pare, kaya  naman hindi naging madali sa akin ang desisyong ito.

pareng McDo, patawad kung minsan ako'y sablay... alam mo naman me "reyna ng sablay" hehehe :)pero kahit ganun, naging magkaibigan pa din tayo. SALAMAT PARE!! :)hehe

I WILL MISS YOU...

May 01, 2012

Miss McDo???

minsan sa buhay ko, nasubukan kong sumali sa PAGEANT,, una akong sumali doon sa college namin doon sa bsu. WAPAK! talo akooooo.... as in kahit isang award wala akong nakuha, parang feeling ko noong time na yun as in SUPER LOSER ako. kunwari smile ako, pero pagkatapos noon WAAAAAAAAH umiyak ako. sabi ng mga friends, aquaintances, CONGRATS! panalo ka pa din.... oh ayon smile na ulit ako, ^__^


itooo ang pictyur ko noon... wah! pictorial?? t-shirt lang soot??? no ba yan!! HAHAH! XD


wooh! first time ever shorts in public huh!!!  

 

 representing......... candidate no. 6!!!! HAHAHA! :)


parang repost lang itooo... pero dito ako natuto ng marami, i swear!!! promise!!! :)

wwwwooooooooooy! unexpected!!! hinirang na miss Mcdo La Trinidad 2011??????? tsamba! HAHA!

masaya sa feeling... kasi nga miss kunwari, pero promise, hindi ito dahilan para ikalaki ng ulo, of course always remain humble. 

it's a matter of learning... always learn, and learn and learn. title doesn't matter. but what matter is our value as a person and our attitude towards everything- from little things to big things. 


PICTORIAL
 
feeling ko super baduy ako diyan, bakit? kasi simpleng blouse ulit suot ko... wala man lang kahit borloloy... HAHA! atsaka hindi ko feel pose ko diyan kasi hmmmm, ummm... obvious ang aking flat chest (HAHAHA!)hays, kakainis, pero okay lang, care ko?? HEHEHE!

smile pa rin TO DA MAX!!!!

pictorial wala man lang dalang make-up, walang kahit anoo... parang napadaan lang ako na hindi man lang napaghandaan, HAHA! tawa nga kami ng kaibigan ako. parang nasa giyera kami na walang dalang bala! hahays.. HEHE!

habang busy mga iba na nagme-make up, kami ayun pinapanood lang silang nagme-make up at nag-aayos :I
 
oha oha... :) great experience, love it! 

January 13, 2012

working permit

...at dahil bagong taon na, kelangan na magrenew ng working permit. thank God at gumawa siya ng way para mapa-process ko permit ko, hindi kasi mapa-process kung wala financially.. buti nalang, salamat talaga. salamat sa isang kaibigang tunay na nagmamalasakit. last day na sana ng processing ngayon, eh anong oras na ako nagsimula, hapon na. haba pa ng pila, akala ko hindi ko na matatapos, pero kung if you keep moving forward eh matatapos din pala. SALAMAT ;)

January 09, 2012

ako bilang crew sa McDonald's La Trinidad


AUGUST 19, 2011


yan ang araw na nagsimula ako sa McDo... laking pasasalamat ko at nabigayan ako ng pagkakataon para magtrabaho. dito hindi lang pagta-trabaho, nag-aaral ka din. masaya maging part ng team. kahit hindi maiwasan minsan na mabatrip, eh oks na oks pa din at masaya. ganyan lang talaga ang buahy. hehehe.. at sa iba't-ibang branch ng McDo Baguio-Benguet, eh dito ako nadestino sa La Trinidad ;)
 ANO ANG MADALAS STATION KO?

lobby- nagwawalis ng mga kalat, nagma-mop ng sahig, taga-ligpit ng mga pinagkainan, pupunasan ang mesa, pinapakuha ng customer ng...... plastic for take-out, gravy refill, tissue, spoon at fork kung hindi naibigay ng counter, lead ng cup..... at kung anu-ano pa. kapag may spill naman taga-punas. in short maintaing the lobby clean all the time, though it's impossible na all the time, basta un ang goal. hehehe

CLOSING NG LOBBY- minsan sunud-sunod na araw na closing ng lobby... kahit matindi sa bakbakan ng paglilinis ng pagkalawak-lawak na lobby ay game pa din! ;)

counter- sa station na ito, masaya naman... kahit na minsan may di pagkakaintindihan lalo na pag rush hour, naku! pero in a positive way kahit rush at taranta na, enjoy pa din ang mga crew at masaya. makakasalamuha mo ang iba't ibang personality ng customer, kung anu-ano man un... hehehe, secret nalang.  may customer na ok lang, may customer naman na friendly, may customer na masungit, kahit ganun pa man maintain cheerfulness, and bawal magsungit.

natutuwa ako kasi, hindi ako nasho-short ng malaki sa cash handling, hindi rin nao-over ng malaki. maging ganun man lang performance ko sa counter, achievement na sa akin. marami akong void or cancel, kung maari sana wag magvoid pero hindi maiiwasan... pero game akong mag-void huwag lang ma-over at maa-short. hehehe

CLOSING NG COUNTER- may mga times din na ito ang station ko.... masaya. unm lang masasabi ko.

hindi ko pa na-try  sa production area, pero soon... masusubukan ko din....

ako as a counter...


FOR DELIVERIES: tawag na sa.......


ito naman ang drive-thru


picture picture lang... hehe, pa-cute???? 
long hair pa ako niyan...


the team!!! ;)


ako kasali sa pageant??? woah!!!hehe


para sa kin, ang titulo ay tiulo lamang na sandali lamang sayo... at pagsali sa mga katulad nito, ay mga bagay na ineejnoy lamang.... it's not taking it seriously, kaya kahit manalo o matalo, in end you will go home happy, happy not beacuse you won the title but happy of winning an experience. 

sir maiah-tot!


ito si sir maiah, pinaka-makulit na manager... hehe, nakaktuwa ;) minsan mapang-asar pero.. oks lang nakakapag-pangiti pa din.. haha! wala ka na sir! mas matangkad nako sayo! hehehe, joke ;)

CHRISTMAS PARTY




i am very thankful that once in my life i have been part of the team- McDonald's La Trinidad team. now, that i will stay for only a week... super thankful ako, it feels sad that i will be leaving them. ma-trasfer na kasi ako sa ibang branch. there is nothing more comparable staying at La Trinidad. napamahal na sakin ang management... ang mga crew at managers. whew! it really feels so sad. of course, i'll be transferred to another branch, it will take me a long time to adjust again.

December 07, 2011

please support... ;)

Search for Mr. & Ms. McDonald's Baguio- Benguet 2011. please support team McDonald's La Trinidad for the people's choice award.....

To vote for Jessica, just click JESSICA

photo courtesy: Perry John Tadina

To vote for Denver, just click DENVER

 Photo Courstesy: Perry John Tadina

author's note:

please help, your vote counts. VOTE and SHARE... thanks! i am humbly part of this pageant, i do this not for my self but for La Trinidad, this not about gaining fame.... it's about dedicating this to the restaurant where i am part... all that i will do for this search, it's all for McDo La Trinidad. good luck McDonald's La Trinidad.

thank you sooo much and... God Bless!

November 26, 2011

resign or will not resign?

9:00am-4:00pm ang duty ko ngayon sa trabaho, araw ng sabado... medyo nahihirapan na ako, hindi dahil mahirap ang trabaho sa akin, kundi dahil sabay sabay ang mga gingawa- pag-aaral at trabaho...(balance of time). kadalasan late ako, nakakairita ang laging ganito... 'yong tipong hinahabol mo, para lamang makarating on time, pero minsan kahit anong pilit na maging on time, late pa din. 7:30 ako nagising... 1:00am na kasi ako natulog, dahil 11pm natapos duty ko kagabi. kaya kahit anong pilit ko gumising ng maaga, hirap ako. kahit anong lakas ng alarm clock, wala pa rin effect sa akin.. kakainis ano? hehehe... at dahil 7:30 na, kakain, at maliligo pa gagawin ko, tapos ang biyahe papunta sa La Trinidad (kung saan ako nag-aaral at nagta-trabaho) aabutin siguro ng 40mins kung walang traffic, at kung traffic naman isang oras mahigit (naku! dinaig pa ang biyaheng baguio-pangasinan na isang oras mahigit lang)

dahil sa hindi na ako aabot, at nakakahiyang late na naman ako.. mas minabuti ko pa na huwag nalang pumasok at mag-AWOL... ang ginawa ko, gumawa ako resignation letter... sabi ko sa sarili ko tama na, ayaw ko na... pero nung nasa store na ako, nagdadalawang isip pa din ako kung ibibigay ko ung letter o hindi, mabigat din sa loob ko dahil, halos 3 months na ako nagta-trabaho sa McDonald's, napalapit na sa kin, at maraming happy memories dun... tapos aalis nalang agad... hmmm...

ayun, binigay ko ung letter with heavy feeling kay ma'am... tinanong niya ako kung bakit.. hindi ko masabi pero nasabi ko pa din....(magulo? magulo?) basta to cut the story short, nag-usap kami na hanggang January 15 nalang ako.. so mag-stay muna ako, sayang.. pasko din naman... at kung aalis ako, ano na mangyayari sa akin, paano na din ako diba? saan ako kukuha ng allowance. basta thanks a lot kay Ma'am Cleo for extending her understanding with me....

November 05, 2011

Mr. & Ms. McDonald's La Trinidad 2011

masaya mag-trabaho sa mcdonald's la trinidad,super saya!!

October 20, 2011 sa ganap na alas otso ng gabi, naganap ang search for mr. and ms. mcdonald's la trinidad, isa ako sa mga candidate... sa talent portion, 'jan ako mahina... hindi kasi bihasa kumanta at sumayaw, o magpakita ng kahit ano na entertaining... problemado ako sa talent na gagawin ko, salamat nalang sa mga kaibigan ko sa pagturo ng steps na sasayawin ko kahit na tinatawanan ako dahil ssooooooooooooobrang tigas ng katawan ko sa pagsayaw, ilang oras nalang ang binibilang at pageant na, hindi pa ako nakapag-handa, sabi ko sa sarili ko "bahala na", kung makalimutan ko man 'yong step tuloy pa din dapat sa pagsayaw...

ayun! at pageant na, salamat kay roxanne na kaibigan ko sa pag-make-up sa akin, (hindi kasi ako marunong mag-make-up) at pagsama sa pagbili ng isusuot kong sapatos (ssshhhhhhhh.... secret lang natin ha? P30 lang sa wagwagan sinuot kong shoes, hehehehe, pero i am proud c"]) buti nalang andun mga kaibigan ko na sumoporta sa akin, may pinaghuhugutan ako ng lakas ng loob, at tiwala sa sarili kaya laking pasasalamat ko sa mga PEHMA friends ko, salamat! kung wala sila hindi ako magiging smiling doon, malamang nakasimangot ako. at sa pageant na ito, ipinakita ko lang kung ano ako. manalo man o matalo, oks na oks pa din sa akin!! :)

congratulations sa lahat! tunay na lahat ng candidate ay panalo... ang titulo, sash at korona ay simbolo lamanag, higit na mahalaga ang mga natutunan natin sa mga bawat pagkakataon katulad nito... it's more on learning, not winning.. if we win, thanks, if not, it's okay. that's life- we always learn.


ang pageant ay hindi sukatan ng pinakamaganda, pinakamatalino sumagot, pinakamagarbong suot, kundi pagpapakita kung sino tayo at kung ano tayo... may kani-kaniyang mga personalidad at pagkakaiba ang bawat isa, we are unique, yes! we're all unique at 'yun ang kagandahan.... ang pagkakaiba ng bawat isa.

muli salamat sa lahat!
SALAMAT from the bottom of my honest heart. at sa darating ms. mcdonald's baguio-banguet, nais ko'y ibigay ang makakaya ko para sa team mcdo trinidad kahit hindi pa ako handa sa talent na gagawin ko, hehehehe... just enjoy everything, what is important is learning.

September 27, 2011

moments sa mcdo

isang tanghali na nakasama ko ang mga dati kong mga classmate, mga kaibigan na kahit iba-iba na kami ng mga major ay kaibigan pa din..wala lang, salu-salo lang, nakaka-miss din... bagamat umuulan nang mga oras na 'yan nagawa pa din namin magsasama-sama at kumain sa paboritoooooooooooooooooong!!!! mcdonalds!! yipeeeeeeee!!!!

masarap kumain ng fries ng mcdo!!


go ranec!!!


sige ranec ubusin na natin ito!! haha!


sige lang i-zip mo!!!


kyooooool!!


us!!!! saya!!! hahaha!!



tara na sa mcdo! where magic moments happen!! masaya!!
Protected by Copyscape Online Copyright Protection Software