9:00am-4:00pm ang duty ko ngayon sa trabaho, araw ng sabado... medyo nahihirapan na ako, hindi dahil mahirap ang trabaho sa akin, kundi dahil sabay sabay ang mga gingawa- pag-aaral at trabaho...(balance of time). kadalasan late ako, nakakairita ang laging ganito... 'yong tipong hinahabol mo, para lamang makarating on time, pero minsan kahit anong pilit na maging on time, late pa din. 7:30 ako nagising... 1:00am na kasi ako natulog, dahil 11pm natapos duty ko kagabi. kaya kahit anong pilit ko gumising ng maaga, hirap ako. kahit anong lakas ng alarm clock, wala pa rin effect sa akin.. kakainis ano? hehehe... at dahil 7:30 na, kakain, at maliligo pa gagawin ko, tapos ang biyahe papunta sa La Trinidad (kung saan ako nag-aaral at nagta-trabaho) aabutin siguro ng 40mins kung walang traffic, at kung traffic naman isang oras mahigit (naku! dinaig pa ang biyaheng baguio-pangasinan na isang oras mahigit lang)
dahil sa hindi na ako aabot, at nakakahiyang late na naman ako.. mas minabuti ko pa na huwag nalang pumasok at mag-AWOL... ang ginawa ko, gumawa ako resignation letter... sabi ko sa sarili ko tama na, ayaw ko na... pero nung nasa store na ako, nagdadalawang isip pa din ako kung ibibigay ko ung letter o hindi, mabigat din sa loob ko dahil, halos 3 months na ako nagta-trabaho sa McDonald's, napalapit na sa kin, at maraming happy memories dun... tapos aalis nalang agad... hmmm...
ayun, binigay ko ung letter with heavy feeling kay ma'am... tinanong niya ako kung bakit.. hindi ko masabi pero nasabi ko pa din....(magulo? magulo?) basta to cut the story short, nag-usap kami na hanggang January 15 nalang ako.. so mag-stay muna ako, sayang.. pasko din naman... at kung aalis ako, ano na mangyayari sa akin, paano na din ako diba? saan ako kukuha ng allowance. basta thanks a lot kay Ma'am Cleo for extending her understanding with me....
4 comments:
first impression... gusto ko blog mo.. hehehehe tiningnan ko din mga painting mo sa isa mong page! wahihihi nice!!!
Okay lang yun paminsan minsan gawin mo yung mga feeling na gusto mong gawin..di ba? Quit your job if you feel like it!!! Kung pagod ka na at walang oras..
hehehehe!!! :)
Thank you pala sa pagbisita sa blog ko...
pag-isipan mo ng sampung beses.. mahirap maghanap ng work now.. pero kng feeling mo nahihirapan ka na, try sa iba! Good Luck!
@kamil- salamat.. balik ka ulit =)
@mommy-razz- tama ka, minsan padalos-dalos ako ng desisyon kya kelangan pagisispan ng maraming bese.. salmat =)
Post a Comment