November 23, 2011

walang bago

bihira akong mag-post sa blog ko, para kasing hindi naman exciting mga iku-kwento ko.. parang wala lang, atsaka wala akong maikwentong bongga. busy din kasi, kaya walang time...

ngayong araw na 'to, benguet day, kaya masaya ako kasi walang pasok dito sa amin... salamat! laking pasasalamat talaga! kasi naiistress na ako, at least may time magpahinga kahit kunti... ilang araw na kasi na 7pm-11pm duty ko sa trabaho, malayo pa inuuwian ko, sayang kung magta-taxi ako, kaya linalakad ko nalang pauwi... kaya pagdating sa bahay, knockout! tulog! tapos, kinabukasan papasok ako ng 7:30 ng umaga sa school tapos matatapos ang klase ng 5pm. grabe! kamusta naman daw ako sa lagay na 'yan di ba? hehehe.. kaya naman, madalas sa classroom, hindi ko maiwasang antukin, 'yong tipong kahit ayaw mo matulog sa klase at kahit ano'ng pilit mong gawin para hindi antukin, makakatulog at makakatulog ka talaga, hehehe, kakainis! =)

pero kahit walang pasok ngayon, tambak pa rin mga gagawin na mga requirement sa school, heeeiissssh... hmmm.. pero okay lang.

kahit mahirap, ineenjoy nalang para hindi lalong ma-stress diba... hehe, kahit na minsan, parang ayaw ko na, life must keep moving on, balang araw... magbubunga din ang mga pinaghihirapan...

at dahil walang pasok at trabaho ngayon, nasa bahay lang ako! yes! saya talaga.... ito picture picture muna.. para maiba naman, at may mai-post na bago..


..pero hindi ako pa-cute sa lagay na 'yan. wala lang...sabi kasi ng makakarami, pa-cute daw ako, hehe maari nga pero hindi 'yon pilit na pa-cute.. ganun lang talaga... buti hindi masyado malaki eye bags ko 'jan, hehehe... natulog na kasi ako ng bonggang bongga, kaya full energy ulit... hehehe

11 comments:

Keatondrunk said...

Nice pic, ang sipag mo naman hehe kudos!

Jessica said...

@keantondrunk... hehe, thanks =)

Leah said...

ah.. working student ka? nice. okay lang yan.. ganun tlga.. pero magbubunga din ang lahat ng hirap. Kaya mo yan.. :D

Salamt sa pagfollow.. syempre, nagfollow din sayo. :) And uber-cute mo sa picture. hehe..

Si Inong ay ako said...

Isipin mo na lang na swerte mo kahit papaano ang dami mong ginagawa na pawang makakabuti sayo balang araw. God bLess you sana ma accomplish mo lahat ng dapat mong ma-accomplish I know you can do it. Keep safe .

Jessica said...

@lea, slamat.. grabeng uber-cute naman 'yan, hehehe.. pero salamat! =)

Jessica said...

@Si Inong ay Ako, salamat din.. wow, touch naman ako dun, thanks for the encouragement bro.... =)

Mimi Oh Republic said...

Haiyeeee! tumambling at napadaan lang din at magco-comment ako kasi nag-comment ka din sa blog ko! hehehe

Arvin U. de la Peña said...

darating ang araw at magbubunga rin ng maganda ang pagtiyaga mo at pagiging masipag.........at pagdating ng araw na iyon ay masasabi mong proud ka sa iyong sarili...........

Jessica said...

@arvin, salamat...!!

=)

unclekaycee said...

interesting =] sabi nila what doesnt kill u, will make u stronger - kaya kaya mu yan! nice pic btw

Jessica said...

@uncle kaycee- salamat sa pag-komento ;)

sana it will make me strong.... daan ka ulit =)