Showing posts with label work. Show all posts
Showing posts with label work. Show all posts

February 17, 2013

May Kambal Ako?


Sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi ko aakalin may kambal pala ako, oh shaks! this is really shakings!!! hihihihi. kambal? me? OH NOSE! 

Noong nagwork ako sa MatDo, may bagong employed na crew... gulat mga other crew mates kasi, kamukha ko daw si Clyde (male siya). Tapos pati way ng pag-smile niya, similar daw kami, haaa? Hmmm. Pa-joke ko na tanong "ano ba pangalan ng tatay mo?" Tawa mga crew.

Kaya ayun, nasakyan nalang din ang trip nila, at naging KAMBAL na ang tawagan namin, kahit hindi ko feel na magkamukha kami. HAHAHA, infairview, pogi siya.

Hanggang sa nagresign na me....

Na-add ko siya sa FB niya after ilang months... tapos malaman-laman ko parehas kami ng BIRTHDAY!!?? Birthday? Oh! Parehas kami na September 17. Tapos nalaman ko din na magaling siya mag-drawing, ganda ng mga doodles at drawing niya. OH MY! Payat siya, payat din ako. Gwapo siya, maganda ako (char char char! JOKE) Hindi nga kaya kami kambal? HAHAHA! Matanong nga si mama ko. Joke! :P hehe

Sa tingin niyo, anung ibig sabihin nto, parang sobrang coincident naman masyado, hehe.


Oh yan ninakaw ko lang pics niya... (SSHHHH) hehe! Kayo na bahala kung ano sa tingin niyo...

January 13, 2012

working permit

...at dahil bagong taon na, kelangan na magrenew ng working permit. thank God at gumawa siya ng way para mapa-process ko permit ko, hindi kasi mapa-process kung wala financially.. buti nalang, salamat talaga. salamat sa isang kaibigang tunay na nagmamalasakit. last day na sana ng processing ngayon, eh anong oras na ako nagsimula, hapon na. haba pa ng pila, akala ko hindi ko na matatapos, pero kung if you keep moving forward eh matatapos din pala. SALAMAT ;)

manyak ka!

isang gabi, pauwi ako galing duty, sakay ako ng jeep... badtrip ung isang lalaking nakasabay ko sa jeep. bakit? iku-kwento ko senyu.

uber pasalamat ko talaga at hindi nagkataon na nakatabi ko itong "manyak" na ito. buti na lang. oo buti na lang! hay kundi.... hay!!! sa jeep, kasama ko mga kasama ko sa trabaho na sumakay, dahil short trip lang naman sila, ako ang huling bababa ng jeep. meron itong lalaking ito na naka-smile, alam mo ung tipo ng smile na nakakainis, di ba ang smile, mapapa-smile ka din, pero ung smile niya iba! eish! smile ng smile, so ano naman feelilng niya, artista siya!? hmm!

may tatlong babaeng sumakay ng jeep, at dahil sa tabi niya lang may space dun sila umupo, aba! hindi siya umurong para yung tatlo magkakatabi, talang gusto niya pagitnaan siya. so ayun pinagitnaan siya. nakainom ata itong mga dalagang ito, naku! naku! ayun nga... itong guy manyak na ito, overrrr sa dikit ng katawan niya sa katabi niya, halos ikiskis niya na katawan niya sa katawan ng girl.. naiinis ako na nakakakita. sinasagi niya katawan niya sa boobs nung girl, badtrip!! itong si girl naman, tulug-tulugan pero, ramdam niya ung ginagawa ng guy manyak na pasimpleng minmayak siya.. kaya mejo tumagilid siya para hindi masagi boobs niya, pero itong guy manyak na ito, trying hard to touch the girl, hay!! nakaka!! gggrrrr!!

para! sabi ng kasama ng girl... hay, buti na lang bababa na sila... kaya naman, nung bumaba sila, ang saya ko. itong guy manyak, talagang nakatingin sakanila hanggang mawala na sa paningin niya. tapos, may magandang nursing student kami na kasabay, buti nalang hindi malapit sa kanya, iba kasi ang tingin niya sa nursing student na ito.

matapang ako. kaya subukan niyang gawan ako ng iba....  hmmm! lalabanan ko siya.

January 09, 2012

ako bilang crew sa McDonald's La Trinidad


AUGUST 19, 2011


yan ang araw na nagsimula ako sa McDo... laking pasasalamat ko at nabigayan ako ng pagkakataon para magtrabaho. dito hindi lang pagta-trabaho, nag-aaral ka din. masaya maging part ng team. kahit hindi maiwasan minsan na mabatrip, eh oks na oks pa din at masaya. ganyan lang talaga ang buahy. hehehe.. at sa iba't-ibang branch ng McDo Baguio-Benguet, eh dito ako nadestino sa La Trinidad ;)
 ANO ANG MADALAS STATION KO?

lobby- nagwawalis ng mga kalat, nagma-mop ng sahig, taga-ligpit ng mga pinagkainan, pupunasan ang mesa, pinapakuha ng customer ng...... plastic for take-out, gravy refill, tissue, spoon at fork kung hindi naibigay ng counter, lead ng cup..... at kung anu-ano pa. kapag may spill naman taga-punas. in short maintaing the lobby clean all the time, though it's impossible na all the time, basta un ang goal. hehehe

CLOSING NG LOBBY- minsan sunud-sunod na araw na closing ng lobby... kahit matindi sa bakbakan ng paglilinis ng pagkalawak-lawak na lobby ay game pa din! ;)

counter- sa station na ito, masaya naman... kahit na minsan may di pagkakaintindihan lalo na pag rush hour, naku! pero in a positive way kahit rush at taranta na, enjoy pa din ang mga crew at masaya. makakasalamuha mo ang iba't ibang personality ng customer, kung anu-ano man un... hehehe, secret nalang.  may customer na ok lang, may customer naman na friendly, may customer na masungit, kahit ganun pa man maintain cheerfulness, and bawal magsungit.

natutuwa ako kasi, hindi ako nasho-short ng malaki sa cash handling, hindi rin nao-over ng malaki. maging ganun man lang performance ko sa counter, achievement na sa akin. marami akong void or cancel, kung maari sana wag magvoid pero hindi maiiwasan... pero game akong mag-void huwag lang ma-over at maa-short. hehehe

CLOSING NG COUNTER- may mga times din na ito ang station ko.... masaya. unm lang masasabi ko.

hindi ko pa na-try  sa production area, pero soon... masusubukan ko din....

ako as a counter...


FOR DELIVERIES: tawag na sa.......


ito naman ang drive-thru


picture picture lang... hehe, pa-cute???? 
long hair pa ako niyan...


the team!!! ;)


ako kasali sa pageant??? woah!!!hehe


para sa kin, ang titulo ay tiulo lamang na sandali lamang sayo... at pagsali sa mga katulad nito, ay mga bagay na ineejnoy lamang.... it's not taking it seriously, kaya kahit manalo o matalo, in end you will go home happy, happy not beacuse you won the title but happy of winning an experience. 

sir maiah-tot!


ito si sir maiah, pinaka-makulit na manager... hehe, nakaktuwa ;) minsan mapang-asar pero.. oks lang nakakapag-pangiti pa din.. haha! wala ka na sir! mas matangkad nako sayo! hehehe, joke ;)

CHRISTMAS PARTY




i am very thankful that once in my life i have been part of the team- McDonald's La Trinidad team. now, that i will stay for only a week... super thankful ako, it feels sad that i will be leaving them. ma-trasfer na kasi ako sa ibang branch. there is nothing more comparable staying at La Trinidad. napamahal na sakin ang management... ang mga crew at managers. whew! it really feels so sad. of course, i'll be transferred to another branch, it will take me a long time to adjust again.

Protected by Copyscape Online Copyright Protection Software