September 18, 2012

SALAMAT

Salamat much naman sa lahat ng bumati sa akin sa munting araw ko bilang dalawang dekada ng nabubuhay sa mundong ito! (ang lalim) HAHA. Ayos. Wagas. Medyo nalungkot talaga ako. kasi hindi na “teen” ang edad ko. Keribels! Echos.

-How I celebrated my birthday yesterday?

Gaya ng nabanggit ko sa last post ko, nothing special on my birthday, it’ll be just an ordinary day.
Ayon, pumasok sa school, kahit mamugto-mugto ang mata kakaiyak (ngayon ko lang na-realized bakit ba kasi ako umiyak??) Hehehe. Praning lang ano. May mga bumati naman sa akin sa personal, pero mas marami ang hindi alam (buti nalang).

May mga grupo naman ng magkakaibigan na kinantahan ako ng HAPPY BIRTHDAY in amazing grace tune. Yung mga kabatchmate ko na fourth year na ngayon (ako 3rd year palang) kinantahan din ako, sa matinong tono. Marami ang nagpapalibre dahil birthday ko daw. Hehehehe. Sorry naman, sa next birthday ko nalang baka dun asensado na ako :P

Salamat sa lahat ng bumati- friends, classmates, peysbuk  at blog (wala twitter, parang engot ako na post ng post dun, wala naman nakakabasa)

Pagkatapos ng klase, nag-practice para sa pre-pageant sa CTE. Waka waka! Kasali ang lola niyo sa pageant… sa Saturday na, pa-relax relax lang ako, hindi pa ready ang mga isusuot ko! HOHOHO (good luck nalang)

Umuwi sa bahay, may munting spaghetti at tinola na hinanda ang aking relatives at nanay, ayos solb! (salamat) Busog.... Pagkatapos kumain, naghugas ng  sangkatutak na hugsin, nagpeysbuk at natulog na!) Tapos ang Sept. 17, 2012.

-Sa Thursday (Sept. 20, 2012)  ng 12am lalarga kami mga MAPEH major papuntang Up Diliman… OHA! Pero parang hindi sulit ang pagpunta namin, kasi balikan din. Pero keribels na din… hehe So Friday 12am nasa Baguio na ulit. Kinabukasan pageant, wagas!! Hindi naman siguro akong mukang haggard sa pageant ano.

-I deactivated my facebook account, wala lang… para kasing sayang sa oras pag nag-oopen ako. Hays. I will open it pa din, try ko kung kaya ko hindi iopen kahit isang linggo, tapos next dalawang linggo, susunod tatlo… hanggang sa makakalimutan ko na itong iopen (yun ay kung kaya ko) hehehehe

ABANGAN MGA UPDATES AFTER NG MGA EVENTS. SEE YAH! Hehe.

17 comments:

Arvin U. de la Peña said...

belated happy birthday.......ok din ang plano mo na deactivate ang facebook......

Ric said...

Belated happy birthday!
Bakit naman ide-deactivate ang FB? anyway, that's your choice!
Basta enjoy and be happy!!

joanne said...

Belated happy birthday beh! Naku, nahuli si ate sa pagbati, sorry naman..

Lady Fishbone said...

oo nga eh, mas maigi na rin muna yun sa ngayon hehe

Lady Fishbone said...

salamat @RIC... deactivate? um wala lang... hihi
salamat! salamat!

Lady Fishbone said...

mukang busy ka ate lately.. hihihi.. salamat.. okay lang teh, keri langs. :P

Pink Line said...

waaaaah..bebe sis nagpalit ka ng url..kaya pala ang lumalabas ay "tinanggal na ang blog" kalowka! anyways hinanap ko pa rin ang blog mo syempre.. good luck sa naman sa pageant :)

Gracie said...

Belated happy birthday, salamat sa pagfollow thru GFC..

Lady Fishbone said...

salamat ate.. hala.. ish ganun pala un pag pinalita URL.. ngeks.. huhu.

Lady Fishbone said...

welcome! salamat sa pagbati. :)

joy said...

Belated happy birthday jessica. I cant helt to smile, kasi you are twenty at feel mo matanda ka na. I am 50 and a grandma, but i feel that my life has just began. More to do and explore. Good luck, enjoy life. And i wish you all rhe best. See you around:)

mr.nightcrawler said...

Akala ko naman kung anong nangyari sa blog mo. Akala ko may pinost kang indecent or what. Nagpalit ka pala ng URL. buti nahanap kita ulit. Belated Hap birthday. :)

PABLONG PABLING said...

belated happy birthday!

littleyana said...

Happy Birthday! Hinde naman kailangan bongga para masaaya. At 20, you are ahead of people your age. Kasi mapag isip ka at nmalamang maraming plano sa buhay. Sana manalo sa pageant!

Genskie said...

Nakaligtaan ko ang birthday mo.. siguro nung mga panahong sinulat mo ang tungkol doon ako din ay kasalukuyang umiiyak ahahaha... malay mo sabay pa tayong umiiyak... Maligayang Kaarawan sayo kahit late na nga kaunti.... sana maging maligay ang bagong taon na ito sa iyong buhay :)

_genskie_

TAMBAY said...

happy birthday po, huli man at mgaling eh huli pa din ^^

una ko yata dito. salamat nga pala sa inyong komento sa aking sulat (langit)

dadalas na ako dito :)

RED said...

belatest happy birthday!

Protected by Copyscape Online Copyright Protection Software