Hello! Kamusta? Ako ito ok naman. HAHA! (sulat lang ng kaibigan na matagal hindi nagkita??) Medyo busy busy dahil finals na at eto na naman ako naghahabol sa mga hollywood stars ay este instructors! chos. Maiksi lang itong ipopost ko pramiz, sana pagtiyagaan niyong basahin, hehee
May gusto sana ako ilabas, kasi pag hindi ko ilabas baka sasabog na ako! haha! big explotion, charing! Pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan, I know I'm still young, pero it's part of growing.... I mean to have crush ganyan, and eventually boypren. I don't share it madalas, kasi all didn't work. Yung past 4 (wow, andami???) hahah! masakit man, pero ako iyong iniwan, hindi kasi ako nag-iiwan, so siguro nagsawa, ako ang iniwan.
Ito mga naging kaganapan....hindi nila tunay na pangalan.
Coco Martin: Sept. 27, 2011, ok pa naman sa unang buwan.. pagdating ng pangalawang buwan, wala na.. bihira na magtext.. ako naman kala ko busy busy, tinetext ko... hindi nagrereply, tinatawagan ko, sumagot nga hindi naman nagsasalita, badtrip!! so two months palang babush na!
Aljur Abrenica: May 2, 2012, Ok siya, daming kilig moments with this guy, akala ko magtatagal... akala ko totoo siya sa mga sinabi niya... na ako ung pinaka the best na naging gf niya, hindi daw maarte, simple lang... sweet siya ganyan... akala ko ako ung gusto niya ung makasama sa buhay ganyan (hala ambata bata ko pa eh! AHAHA). Until one time, bigla sabi niya cool off, pero kami pa din, mga once a month nalang magkita ganyan... kasi I need to prioritize my studies daw, pag nakatapos na ako at may stable job, then dun nalang daw ulit kami magkakabalikan, oo tama nga siya pag-aaral muna pero kailangan ganito??? kung may trabaho na ako? Kahit saan pa man daw mapunta, kami pa din daw in the end. Ok lang daw makipag bf muna ako sa iba basta play safe at wag magpapajontis habang wala daw siya. HAHA! Ang hirap nito. So ayun no communcation at all since December.Kung may issue about another woman, sabi naman niyang wala. OK! Kung talagang magiging kami, time will come. Who knows, I don't know.
KILABOTS: January 16, 2013, nagkakilala kami sa mga painting activities ng school. Sus! Ok naman siya. Ito na naman parang hawig sa ginawa ni COCO MARTIN na bigla nalang nawala ng hindi ko alam kung bakit, February 11, bigla nalang hindi nagpaparamdam at nagpapakita. So ayun kinutuban na ako. Sabi niya cool off daw kasi nahihirapan daw siya friends and family. Hays, kahit naman diba? So ayun let go na! Tapos nakikita ko nalang siya sa school with other ladies, aysus! Care ko? Dedma. Sabi ng friends niya, ang kapal ng moks niya na siya pa ang nakipagbreak, kala mo naman kung sinong gwapo! HAHAHA.
Mr. Z: days ago palang ito... akala ko ok na siya... lahat na ng matatamis na pwede sabihin sakin nasabi niya na...sabi niya gusto niya kami magtagal... ako din naman. The feeling? Wow! In love. Masyado daw ako friendly sa guys, bawasan ko, so binawasan ko naman, cuz it might be the reason to lose him. I really like this guy I met lately, we share common interest. No words can exactly tell how I really admire him. One day, hindi na siya nagpaparamdam na gaya ng dati... I'm texting him sabi busy. I found out sa fb that his relationship status is in a relationship with other woman na gf niya before me from other country., of course naka-hide sa akin, pero sa isang fb ko doon ko nakita (hiihihi) so ayun, lininaw ko sakanya, sabi niya "Sorry nakikipagbalikan, sana maayos pa natin ito, mag-usap tayo" So nagkita nga kami pero hindi naman napagusapan dahil nagmamadali siya. Ouch! Then I can see that he love her so much, kahit nasa ibang bansa palang ung girl na hindi pa niya name-meet personally. Ako hindi na tinetext, ayaw ko nang tanungin pa kung kami pa dahil, ayaw ko lang marinig ang masakit na sasabihin niyang hindi na.
Ewan ko ba, bakit kaya lagi nalang ako iniiwan? Iniisip ko nga kung ano ba nagagawa ko at ganun nalang? Sa tingin niyo bakit kaya? Ano ba sa tingin niyo nakikita niyo sa akin at lagi akong iniiwan? Seryuso ako pag nagkaka-bf... After nito gusto ko nalang maging single talaga. Mag focus nalang ako sa mga dreams ko at kung paano ko makakamit lahat ng goals ko. Ayaw ko maulit ang ganito... ayaw ko ng iiwan pa. Mas nacha-challenge ako na magpursige sa buhay, promise. Dahil dito gusto ko pa pagbutihan ang pagpe-paint ko, at pag-aaral ko. Gusto ko may marating sa buhay. Promise. sana'y naiintindihan niyo po ang pinanggagalingan ko.
good day po sa inyo :)
10 comments:
mga paksyet yang mga lalakeng nagkakagusto sayo. sorry sa expression pero binase ko to ayon sa iyong entry. again, kapag mahal ka ng isang tao,hindi ka nya iiwan at hahanap ng iba. kaya ka nga nya gusto at mahal kasi ikaw lang at wala ng iba. kahit hindi ka nya maintindihan hindi ka pa rin nya iiwan. Ayos lang umibig uli hindi mo makikita si Mr Right guy kung hindi ka iibig.
naku ha... i-reveal na ang mga tunay na katauhan ng mga 'yan... hihihihi
I understand how you feel Jessica..siguro hindi pa lang perfect time para dumating ang leading man mo.
I know age doesn't matter when it comes to love, pero sa mga nabanggit mong boys, sense kong di pa sila gaanong mature at di pa ready mag handle ng relationships. So pag tagal tagal, I'm sure mas mature na at mas ready ang mga mag aapply na leading man mo :)
Na feel kong para akong may column sa dyaro tapos nag bigay ng payo haha, ayos lang yan Jessica, prioritize mo muna ang mas mahalagang bagay sa ngayon, dadating din yan at the perfect time :)
Aysus! Emo hehehe. Ang pag ibig kusang dumarating daw, pakaingatan mo ang puso at sarili mo para sa lalaking para sa iyo. Feeling ko isang pintor din ang makakapagpasaya sa iyo ading:)
Hindi dahil sila ang nangiiwan ay ikaw ang may pagkukulang. Marahil ay sila rin, or narealize lang nilang lalake pala ang gusto nila. Biro lang pero masakit ang palaging naiiwan, naranasan ko ng literal at emosyonal. Nasabi ko na lang sa isip ko na baka hindi pa sila ang "dapat." Napakahaba pa ng panahon. Hindi pa naman sasabog ang araw kasi hindi pa ito umaabot sa kanyang maturity age. Hindi pa rin naman totoo ang mga spekulasyon na magugunaw ang mundo, kaya may chance pa tayong eenjoy ang buhay. Maghintay at maging masaya.
Awww Jess. Be thankful even with the hurt because they make you strong. Mas masakit kasi ang longer relationship at paglalaruan ka lang. Although, this didn't happen to me, but it did sa mga close friends and family ko. I was their 24 hr phone a friend hotline.
You know when a relationship ends, just think that there is someone better for you other than the last person you were with.
I was maldita to the highest degree when I was your age. But there was this young boy who made tiyaga to know me and understood me. Kahit mga kapatid ko di na matake ugali ko towards this boy. They didn't know I asked God to send me the best one for me. My parents marriage didn't work kasi. That first boy na nagtiyaga became my first boy friend and married me. We'll be celebrating 23 years of being in a relationship together and we'll celebrate 18 years of being married by the end of the month.
There is one guy set aside by God for you somewhere. Have faith.
Awww.. Jessica! *hugs muna kita* :)
Grabe yang mga boylets mo ha? mga adik. ang hilig mang-iwan sa ere. Pag nakita ko sila, pasapak ha at with matching flying kick pa :D
Naku, tama yang desisyon mo na mag focus muna sa studies at sa pagpe-paint kung saan ka naman talaga nage-excel. Hindi talaga nakakatulong ang magulong lablayp kaya hangga't maaari, tiis tiis muna. I know naman na kaya mo yan. Ikaw pa, eh I can sense a strong personality within you.
Go go go and God Bless!
naku jessica! dame talaga ganyan hmm isipin mo na lang under training ka para kay right one haha
nice ang mga names lakas maka heartthrob
Ang mga lalaki sa buhay ni J.Lo bow!... hehehehe jk lang bunso...
yaan mo muna ang mga boys na yan... mga paasa.. hehehe bitter hhehehe..
Tama mag focus ka muna sa studies mo...
Wag mong isipin na lagi kang iniiwan... kaya lang nangyayari un kasi hindi sila para sayo...kung para sayo talaga sila hindi ka nila iiwan...
Magdasal at mag hintay dadating din un sa panahong hindi mo inaasahan pero perfect time naman. :)
While you are waiting... mag enjoy ka... live life to the fullest... kasi once na dumating na sya ibang life nman ang tatahakin mo yung life na hindi lang ikaw ang mahalaga kundi kayo ng dalawa... cheers!
kung gusto mo mag-burst sa blog, carry lang! blog mo to eh! (: sa pag-ibig? just be yourself. Kung hindi ka nila kayang mahalin sa kung sino ka, it's their lost, not yours. tsaka you deserve better.. tsaka yup concentrate ka muna sa mga goals mo sa buhay. (:
Post a Comment