March 06, 2013

Matatapos pa kaya?


Isang umaga, sa pagpasok ko sa paaralan..... sa pagpasok ko sa school... ang daming mga bagay ang tumakbo sa aking isipan.


Matatapos ko pa kaya ang pag-aaral ko? Madalas nakakaramdam na wala ng pag-asa. Sa semester na ito, iniisip ko kung papasa kaya ako. Ewan ko nga ba. Halong pangamba, Marso na at malapit na naman magtapos ang semester.... ang daming alanganin na subjects, iba ang pakiramdam ko sa kahihinatnan ng mga grades ko.... na baka madami ako hindi ma-ipasa, uulitin ko ulit. Maraming beses na akong umuulit, nakakapagod din.... (I'm not really that good student) 

Ewan ko nga ba... parang hindi ko na matatapos ito. Kung matatapos ko man, kailan? Parang maiiyak nalang ako na itatawa nalang.  


Halo-halong mga bagay ang naiisip... minsan nang huminto at bumalik, at ito na naman nagpapatuloy sa pag-aral. sadyang ganyan nga lang siguro, tiyaga.... paghihintay.... pagod....


Tiwala nalang. All is well. Just keep planting, magbubunga din. Aha! Kaya siguro matagal ang process ng pagtupad ng aking magandang future it's because He wants my future to be a product of good quality =)

19 comments:

fiel-kun said...

Jessica *hugs* don't say na you're not a good student. Paano ka nakakasiguro na talagang fail ka ibang subjects mo? Hangga't di mo pa nakikita yung report cards, isipin mo pa rin na pasado ka. Although I know during this time, mahirap talagang mag-isip ng positive (naranasan ko din kase yan) pero, In God's will pasasaan ba eh, makakaraos ka din. Kaya don't be sad nah.

I always believe na God has His own time table for all of us. Kaya kung nararamdaman mong parang di niya dinidinig ang mga prayers mo, konting hintay pa. He's already working on it. Sa takdang panahon, I'm sure makakamit mo lahat ang hinahangad mo.

God Bless!

*ganda nung mga shots mo greenery ng Baguio sa taas :)

Hi! I am LiLi! said...

Hang in there, Jess! We all have our struggles. Keep working on it. Have faith!

Senyor Iskwater said...

Tama ka sa iyong nabanggit sa wakas... Gusto Niya na you'll end up in good quality... You have worries and maganda 'yan... Maraming iba jan wala silang pakialam...

Unknown said...

I know you will. Base on what I've read and seen. Your pictures define that you can. Kayang-kaya. You should see that optimistic ang mga picture mo. kahit in doubt ka sa mga mangyayari. You can do it. Believe Have faith

joy said...

You are a patient girl, so you will succeed.
Awesome photos:)
By the way, natangap mo ba pinadala ko, so you can send the Portrait? Hope soo:)

sherene said...

Emo ka diyan! Cheer up lahat ng nararamdaman mo ay normal lang para sa isang estudyanteng katulad mo:)
It will pass for sure:)

Eagleman said...

kaya yan teh! nung nag college ako tadtad din ako ng pag iisip kung matatapos ko pa, ayun sakabila ng mga problema, projects, exams, at gahol sa oras na kung ano-anong bayaran, tapos sabayan pa ng kahinaan ng utak ko. eto nakapag tapos ako.. lakas lang ng loob at tiwala sa sarili yan. + strong connection with God ^_^

anyways.. mukang may mapupuntahan ka naman kung hindi mo talaga makayanan hahaha! gaganda ng mga shots mo eh :)

Archieviner VersionX said...

Naniniwala akong matatapos mo yan :D Aja!

MEcoy said...

hmm be positive J.Lo kaya mo yan
kaw pa
have faith sa skills mo and most importantly have faith kay god oky?
anyways ganda ng shots mo ahh pang pro na!

Olivr said...

kapit lang.

ZaiZai said...

Hugs Jessica! Lahat naman makukuha natin basta gustuhin at bigyan natin ng extra effort :) Kaya konting tyaga lang, kaya mo yan. At syempre magtiwala ka sa sarili mo, kasi for sure kaya mo yan :)

I love how positive naman ang ending ng post mo - tama yan :) Go ng go! :)

Jondmur said...

matatapos mo yan... kaya mo yan ^^

Konting tiyaga na lang.... lahat ng hirap may kasunod na ginhawa....

Ganda ng mga pics ^^

Arvin U. de la Peña said...

ang masabi ko lang basta nariyan ang paaralan may panahon para matapos mo pag aaral,hehe...

littleyana said...

I admire your honesty. Okay lang yan, put some more effort walang mahirap sa taong matiyaga. Hinde hadlang ang IQ level kung ang determination at perseverance mo naman ay hinde matatawaran..

Anonymous said...

Ang panahon may ay pigilan kang makapagtapos ay huwag kang susuko. Tanging ikaw lamang ang gagawa ng iyong sariling buhay at kinabukasan. Kapit lang :)

Ric said...

Thumbs up sa mga photos! Beautiful captures!
Kapit lang. Kaya naman yan kung pagtityagaan. Mahirap makahanap ng trabaho, lalo na siguro kapag hindi nakatapos. Anyway, God's will. Be optimistic na lang...

Genskie said...

I want to share this to you bunso...

For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future. (Jeremiah 29:11)

“God is a good God, and He gives good things to his children. No matter who has denigrated you or how much pain you’ve experienced in life, no matter how many setbacks you have suffered, you cannot allow yourself to accept that as the way life is supposed to be. No, God has better things in store for you. You must reprogram your mind with God’s word; change that negative, defeated self-image, and start seeing yourself as winning, coming out on top. You must see it through your eyes of faith, and then it will begin to happen.”
― Joel Osteen

Superjaid said...

tiwala lang sis. makakatapos ka rin. ganyan din ako lagi eh pero kaya mo yan! fight-o!

Superjaid said...

tiwala lang sis, makakatapos ka rin. fight-o!=D

Protected by Copyscape Online Copyright Protection Software