September 19, 2011

Idol ko si Rizal

habang naglalakad ako sa corridor sa campus, napansin ko ang tarpaulin na may title na "Bakit idol ko si Rizal" isang video contest na para sa mga 15-30 gulang na... nang nabasa ko ang linalaman, wow! napaisip ako, gusto ko sumali... dala na rin ng matinding hikayat ng kasama ko si Clarence Maquio ay sumali ako. wala naman mawawala kapag sasali...

dahil sa mrami ako ginagawa, sabi ko baka hindi ko na rin magawa, pero sa tuwing nakikita ko si Clarence, madalas niya ako tinatanung kung tapos ko na, sabi ko naman hindi pa. sabi naman niya "gawa ka ha", kaya kahit sa kabila ng busy kong buhay ay nagawa ko pang gumawa ng video...

itong video ay simple lamang pero sana magustuhan niyo...


http://youtu.be/NZe3F9JQutw

pa-like naman po please sa YOUTUBE... salamat! ang inyong suporta ay higit na mahalaga, mabuhay ang mga Pilipino! ^^,

No comments: