July 27, 2011

Bato ng Baliw

ako'y naglalakad papunta sa next class ko sa building ng college of arts and sciences- annex... sa aking paglalakad, may nakasalubong ako na desente naman kung titignan, hindi mo aakalain may problema siya sa pag-iisip... nang makasalubong ko siya, bigla siya pumulot ng bato at binato sa akin! BOOOOOG! ooooouuuch! natamaan likod ko, medyo kalakihan pa naman 'yong bato! naiinis lang ako sa sarili ko kasi alam ko na nga na babatuhin ako hindi pa ako tumakbo, dahil sa naka-uniform ako at mataas ang suot ko na heels, kung tatakbo ako baka mapatapilok ako, mas malaking kahihiyan 'yon, di ba? kung aalisin ko pa, wala nang time dahil babatuhin na ako, wala ng ako nagawa. na-stone nalang ako! haha, 'yong mga classmate ko halos ang audience ko na medyo nasa kalayuan ng pangyayari. buti nalang sila ang nakakita, kung ibang mga estudyante malamang pinag-usapan na ako ng bonggang-bongga! haha! pagkatapos nito, tinatawanan lang namin, pati ako tinatawa ko nalang.. hindi naman gaano kasakit 'yong binato, basta natatawa nalang ako sa moment nna ganito na naranasan ko.

akalain mo 'yon kadami ng security guard sa school tapos libre nakakagala ang mga ganitong tao sa campus, why o why? pagsisita lang ba ng walang ID ang obligasyon nila, dapat seguridad din ng mga estudyante, kaya nga "security guard" di ba? hahaha!

4 comments:

lonewolf said...

isumbong mo sa principal yan! baka manakit ulit

Leonrap said...

ang kulit eh noh.. batuhin ka?! ang saya! ahaha. joke... bukod tanging ikaw lang ang binato?... baka type ka! ahaha

Arvin U. de la Peña said...

bagay sa sinulat mong iton ang post kong BATO na makita dito http://arvin95.blogspot.com/2010/02/bato.html

Jessica said...

@leonrap, kasi ako lang ung taong nasa paningin niya kaya no choice siya! hahaha! malas ko lang... :))