August 02, 2011

isnatch

papunta ako magpapa-photocopy sa hindi ko naman alam ang tiyak na pupuntahan.. naglalakad ako malapit sa paradahan ng jeepney namin galing city hall.. masikip, siksikan, ang daming tao!  habang ganito ang eksena, busy ako nakikipagkuwentuhan sa kasama ko, ang aking kaibigan, si mary grace.

nakarating kami sa "maharlika" isang kilalang establisyimento dito sa baguio city, napadaan kami sa isang bentahan ng mga cellphone accessories, may photocopy machine din sila, kaya huminto kami.. nang tanungin ko ng kaibigigan ko kung magkano ang ear phone ng cell phone niya, doon ko naalala icheck ang cell phone ko.. aba! kinapa ko na bulsa ng jacket ko, wala! kinapa ko bulsa ng pantalon ko, wala din! OMG! kinabahan ako... kinalkal ko bag ko, wala din!! aaaaaaaaaaaahhhh! cell phone ko na-snatch!!! wala na ako nagawa. ahuhuhuhu!!!!

4 comments:

lonewolf said...

sorry to hear that, dapat magblock ang sim para di magamit ng magnanakaw

Leonrap said...

nyak... malas... baka ung cp moh, isa na sa mga binebenta dun.. ahaha....

next time konting ingat...

Arvin U. de la Peña said...

walang awa ang nag snatch..mahuli sana siya ng pulis..

Jessica said...

@arvin, mga ganyang tao, hindi nahuhuli ng pulis... kailan pa kaya mahuhuli mga ganyan... hirap kaya..