December 05, 2011

aquatics subject

at dahil nga Bachelor of Secondary Education major in PEHMA or MAPEH, may subject na aquatics!

PEHMA- ang subject na inii-small lang ng mga estudyante, o kahit hindi pa estudyante... dahil ba PE lang naman? nakakalungkot lang kung minsan na hindi naman kadali tulad ng iniisip ng iba ang subject na 'yan, maraming saklaw at pinag-aaralan din. katulad sa PE kailangan pag-aralan ang softball, volleyball, basketball at baseball para sa team sports... sa dual, athletics at combative sports, pag-aaralan ang martial arts, tennis, badminton, chess... running, javeline throw, long jump, high jump.... at kung anu- ano pa...  sa sayaw naman, sports dance, folk dance, western folk dance... at kung anu ano pa na saklaw ng sayaw... nariyan pa ang gymnastics... sa music, 'yan ang pagkatuto magtugtog ng instrumento, pag-aralan ang mga nota, tamang pagkanta (kahit ganun frustrated singer pa din ako, hehehe), pag-aaralan ang musika ng western countries, asian countries at dito sa Pilipinas... at nariyan pa ang health, kung saan pag-aaralan ang proper hygiene, first aid.... at ang pinaka pinasakit ang ulo ko ang subject na anatomy, hehehe... higit sa lahat ang paborito kong arts.. kasama  din sa pehma, ayun pinta dito pinta doon...

kung anu-ano nalang ginagawa, kapag papasok sa school, extra jogging pants, racket, sports equipment, kung hindi naman music equipments, o di naman ay mga pintura para sa arts... sasayaw , kakanta, magalalaro.... yan ang pehma sa amin, hindi mismong sarili ko ang tinutukoy ko kundi PEHMA as a whole. pero suuuuperr saya, ever! enjoy! ;))

ito na.... acquatics na!! yipeeee.. practicum.... ang mga nasubukang gawin ay backstroke, side stoke at free style. nasulit ang araw na ito, kasi natutunan ko ang basic. kahit papano nakakaalis na ako kunti. noon kasi, kapag may pagkakataon magswimming, sinusubukan ko, pero hindi ako nakakaalis, 'yong tipong akala mo ang layo na ng narating, pero kapag aahon ka andon pa din. hehehehe. saklap! frustrating.

ang unang practicum ay naganap noong December 3, 2011, sabado, sa Rainbow resort sa Poblacion, Itogon, Benguet........ :)

my beloved pehma buddies.... what a lovely friends!!


noong basa na, at hindi na ma-spelling ang mga looks!!! hihihi =)



mga sandaling gutom na... at tila giniginaw!! brrr!


si harrieth, ako at si roxanne.....


noong pauwi na... kahit anong paraan gagawin makapagpa-picture lang, hihihihi


'yan lang ang mga larawan, sayang wala doon sa pool mismo...dibale may mga susunod pa...

isang masayang araw na naman ang natapos, ang experience na ito ay malaking bagay sa amin na magiging guro ng PEHMA... salamat kay Sir Ryan Batinay na aming instructor... mabuhay ang pehma! mabuhay... 

sa uulitin,,, hanggang dito na lang muna,,,, salamat sa pagbabasa

feel free to comment kapatid =)

3 comments:

farjah said...

Ang sarap maligo sa pool kakaingit talaga kayo.

KM said...

oo nga, bakit walang pichur sa pool at habang minamaster ang iba't ibang strokes? ;)

salamat ng marami sa pagbisita sa blog ko at pag-iwan ng comment para kay Pakoy :D

see you more around!

Shoutforfood said...

wonderful outing with friends.

Protected by Copyscape Online Copyright Protection Software