Akala ko mawawala ako, paano kasi... nitong mga nakaraang araw ang daming ginagawa, hindi ko masimulan, kasi kapag nauna na ang FACEBOOK at kung anu anong anek anek na social networking sites, wala na naman ako matatapos. Kaya sabi ko itigil ko muna, hehehehe.. pero hindi ko keribels! Pero dapat good performance pa din dapat sa school! hehehe, pero hindi ko sinasabi "ACHIEVER AKO" sa school, well... well... isa lamang akong ordinaryong estudyante.. na nagpapaka-extra ordinary (hano daw???) Seriuosly, so many struggles..... kaya minsan para nawawalan ng pag-asa (hindi naman talaga nawawala ang maramdaman un paminsan-minsan)
GWAPO BA AKO???? :)
- P50.00 lang allowance ko este pamasahe, wala na pala allowance. Sakto lang. Pag ginutom, palipasin... Minsan kung may mabaon na pagkain magbabaon.Wag dadaan sa mga kainan para hindi lalo gutumin. Kapag may photocopy, utang. Kapag may iiprint na article or whatsoever, kopyahin (makonsumo lang sa oras). Sa bakanteng oras ng 4 na oras, magbasa ng dyaryo, matulog sa library, mag-drawing, mamasyal sa campus na halos isang kilometro ang lawak.
- Nagiging manipis lalo ang buhok ko, pusang ina! Madami iniisip???? ke bata bata ko pa?? OH NOSE! This can't be.
- Nakukulitan ako sa isang manliligaw, uber much! ANG KULIT!!!!!!! Sinabi ko nung una pa lang, madami akong BF (kahit hindi naman) para lang hindi ituloy.... Ok lang daw basta panalo siya sa puso ko. What?? (di ko ma-take!! OMG!!!)
- Sana magkaroon na ako ng bagong part-time job. May mga inapplyan ako na mga fast food chains, pero.... ewan, hindi pa siguro iyon para sa akin. hehe. May isa, mag-exam daw kami sa friday (ayos! nagkaroon ako ng pag-asa! ^^) Sana please, hindi naman ako nagsisisi na nag-resign ako sa dati kong trabaho. Sakto lang, consequence wala muna ako allowance.
GWAPO BA KAMI???
Maiba tayo, sa isang dyaryo dito sa CAR na nagpa-publish every week. Fan ako ng publication, every week talagang nagbabasa ako, hindi ko papalagpasin hindi tignan ung CLASSIFIED ADS.
Agaw pansin sa akin ang isang bagong kumpanya na nagha- hire ng mga: MANAGEMENT SUPERVISOR, CASHIER, DELIVERY RIDER, SERVICE CREW, KITCHEN STAFF.....
Aba! nawindang at naloka ako sa qualifications, teka! hindi ko mahanap ung dyaryo.... pero ito random, dapat daw:
- with pleasing personality
- fast learner
- service oriented
- fair complexion
- no pimples
- baby face
- with complete white shining teeth
- no foul odor (bad breathe)
- no tattoo in any part of the body
- 5'2 height cashier, 5'5 service crew
Nakakaloka, ano ito hiring ba ng magta-trabaho sa kanila o hiring sila para sa isang "beauty pageant candidates"???? HAHA. Hindi ko sinasabi ito dahil bad breathe ako, or marami akong pimples.... hindi ba't parang OA much naman sila? Grabe. How I wish applicants nila marami pipols sa fes, o kaya saksakan ng baho ang hininga! Kainis. HAHAHA!
HULING TANONG, GWAPO BA AKO?
PS: Wala lang yang gwapo effect na 'yan, laro lang... hindi ako tomboy ^___^
17 comments:
haha. gwapo ng post na to. like!
gwapo ang gumawa eh, heheh
ang masasabi ko lang ang cute ng dimples mo akin na lang pwede? lols
sige ung dimples sa pwet ate, HEHEHE ^____^
may dimples din ako sa pwet eh..hahaha!
gwapo gwapo haha
natawa ko sa qualifcations haha
nakakanipis ba ng buhok ang pagiisip panu to kapal ng akin so di ako nagiisip gannun? hahaha
kung papasok ka sa fast food chain handa mo na sarili mo sa pagod anyways part time lng nmn
kaw na gwapo hahaha
haha! parang related dito yung recent post ko ah! bwahahahaha!
oo gwapo! ;) sagutin mo na ung makulit na manliligaw! hehe
E kaloka nga qualifications sa job na yan, owber!! Ahm.. oo gwapa ka! Good luck sa job hunting mo teh! Kamusta naman si makulit na manliligaw, haha!
hehehe
kainis talaga ung qualifications nun! hehehe
hehe i mwan maraming iniisip na problema, masyado kong iniisip.. hehe
ayaw ko.. hehe.. may bf akec haha
oo nga po eh, sana may part time job na ulit... waley pag-asa un, HAHAHA.. kulit eh ^__^
hehehe
maganda ka...
yun o. XD
Post a Comment