Showing posts with label babae. Show all posts
Showing posts with label babae. Show all posts

September 05, 2012

She bangs...

Hello there... watchap??? May time na ulit para mag-blog, soooo haba ng aking vacant time, yoko tumunganga lang. Kaya ito ako ngayon sa library, nagba-blog imbes magbasa at mag-research, hehehe. Facebook lang hindi naoopen dito... and youtube.

I have a big problem, oo big talaga! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa baby hair ko, as in kahit anong gawin kong ayos ang gulo gulo pa din ng buhok ko. HOHOHO. Kapag nakalugay, buhaghag, pag tinatali naman nagtatayuan ang mga babies! 

Ito remedyo... hair band (tama ba spelling???) HAHA!



Hays. Whata babies! Bakit pa kasi kayo sinilang...


Kaya ayan, kelangan ko kayong itago... todo balot na ang ulo ko. Minuminuto na lang kita inaayos!! Hmmp :) 
 

August 17, 2012

Hindi Parehas


lumang art... 
magkahawig man, wala talagang magkaparehas na nabubuhay sa mundo... 

may mga ginuguhit ako ngayon pero hindi pa mai-scan.. excited na akong ipost. hohoho 

July 04, 2012

Happy lang....


"Takot ka ba masaktan? Takot ka ba na sumbok? Takot ka ba sa maraming bagay?"

Matinding kalaban ng sarili ang kawalan nito ng TIWALA sa kanyang sarili mismo. Laging takot. Noon marami akong kinakatakutan... 


ITO LISTAHAN:
  • Takot Kumanta: Dahil sa lagi akong napapahiya, hindi ako kumkanta ng maayos sa music classes ko. Pero nanjan naman si Ma'am na todo tiyagang nag-aassist sa crooked voice ko. HAHAHA
  • Takot umutang: I swear katakot kaya umutang, kasi laging sasabihin "walang pera" HAHA. Di bale ng wala kesa problemahin mo pa magbayad :D
  • Takot mawala mahal sa buhay: Siyempre naman, sino nga ba ang may gusto.
Basta ganun, hindi lang 'yan marami pa... hindi ko nga alam, NAG-MATURE ata ako... haha, MATURE? bago 'yun ah? spell mature?

Dati as in super baba ng self-esteem ko, parang baba sa mukha! ganun kababa. Wala akong kabilib-bilib sa sarili ko, pwede na nga akong parangalan na "NEGATIVE STAR"(boooooom!) peste wala akong napapala. As in peste talaga 'yang ganyang way of thinking. PESTE! HAHA!  PESTE ULIT (paulit ulit? ulit ulit?)

Ang tanging pinanghahawakan ko para hindi ako matakot: TIWALA! isang malaking TIWALA!:D 


HAHAHA! Ang laki ng sandata ko- SUKLAY!!! Patawarin niyo na po ang larawang itooo... wala naman koneksiyon ang tuwalya sa ulo ko sa pinagsasabi ko dito.

Masaya ako...  


SALAMAT po PANGINOON at binigyan niyo ako ng lakas ng loob at tiwala sa sarili. Alam kong sa Inyo wala dapat katakutan. Naniniwala ako na magtatagumpay ako sa buhay, at mabubuhay ako na puno ng kabuluhan. Sa aking mga kahinaan, kayo po ang maging lakas ko. SALAMAT po ^_*

ENJOY LIFE!!!! ROCK n ROLL!


HAHAHA! Ang laki naman ng akech hakbang, wagas???? Somewhere in Pampanga 'yan noong naki-LUZONWIDE kami noong February sa Bataan.

RELAX LANG, Gawing swabe ang life, free from stress!!!


MAG-REACT KA LANG!!!! :D

June 24, 2012

why nga ba??


as usual akita ko ito sa FB, eh naka-relate ako kaya share share!! hehehe

oo nga naman, ang buhay ay magiging simple kung atin itong papasimplehin , di ba???? minsan kasi masyado tayong OA sa mga bagay bagay sa buhay natin, na pwede naman maging relax. life is too short sobra!! as in.. kaya live it the fullest!!

January 13, 2012

manyak ka!

isang gabi, pauwi ako galing duty, sakay ako ng jeep... badtrip ung isang lalaking nakasabay ko sa jeep. bakit? iku-kwento ko senyu.

uber pasalamat ko talaga at hindi nagkataon na nakatabi ko itong "manyak" na ito. buti na lang. oo buti na lang! hay kundi.... hay!!! sa jeep, kasama ko mga kasama ko sa trabaho na sumakay, dahil short trip lang naman sila, ako ang huling bababa ng jeep. meron itong lalaking ito na naka-smile, alam mo ung tipo ng smile na nakakainis, di ba ang smile, mapapa-smile ka din, pero ung smile niya iba! eish! smile ng smile, so ano naman feelilng niya, artista siya!? hmm!

may tatlong babaeng sumakay ng jeep, at dahil sa tabi niya lang may space dun sila umupo, aba! hindi siya umurong para yung tatlo magkakatabi, talang gusto niya pagitnaan siya. so ayun pinagitnaan siya. nakainom ata itong mga dalagang ito, naku! naku! ayun nga... itong guy manyak na ito, overrrr sa dikit ng katawan niya sa katabi niya, halos ikiskis niya na katawan niya sa katawan ng girl.. naiinis ako na nakakakita. sinasagi niya katawan niya sa boobs nung girl, badtrip!! itong si girl naman, tulug-tulugan pero, ramdam niya ung ginagawa ng guy manyak na pasimpleng minmayak siya.. kaya mejo tumagilid siya para hindi masagi boobs niya, pero itong guy manyak na ito, trying hard to touch the girl, hay!! nakaka!! gggrrrr!!

para! sabi ng kasama ng girl... hay, buti na lang bababa na sila... kaya naman, nung bumaba sila, ang saya ko. itong guy manyak, talagang nakatingin sakanila hanggang mawala na sa paningin niya. tapos, may magandang nursing student kami na kasabay, buti nalang hindi malapit sa kanya, iba kasi ang tingin niya sa nursing student na ito.

matapang ako. kaya subukan niyang gawan ako ng iba....  hmmm! lalabanan ko siya.

December 03, 2011

kalaswaan (nakakainis)

isang hapon mga 6:00 pm, sakay ako ng jeepney papunta sa duty, may nakasabay ako na magboyfriend at girlfriend. tinatantya kong 6 kami na pasahero sa jeep, walang masyadong pasahero.... nasa dulo ako nakaupo, sa harap ko ang mag-bf at gf. so, mga kilos nila napapansin ko, dahil nga nasa harap ko sila... nung una, sweet naman, ganun lang talaga siguro, sweet...

nang tumagal di ko nagugustuhan kilos nila (oo, wala akong pakialam, pero kung nasa publiko, mapapansin lalo na't nasa harap ko sila. hindi maiiwasan na sila ang pansinin ko).. ayun, gulat ako nang linagay ni gf kamay niya sa gitna ni bf, WATDA! ito pa nakakatawa, kahit anung bumpy nung jeep, hindi pa rin naalis ni gf ang kamay niya...  ung posisyon niya na nakaupo, laswa tignan! kakainis! hmmm! tapos nung alisin na ni gf kamay niya, ito naman si bf akap niya mahigpit si gf, pero bakit kelangan sa dibdib ang kamay hindi sa tiyan? kawawa dibdib ni gf, akap na akap ng mahigpit ni bf... pero for sure, gustong-gusto ni gf 'yon. eish! hindi sila nakakainggit, kundi nakakabadtrip!  kulang nalang may gawin sila sa jeep.

haler! nasa jeep sila, nasa publiko sila... wala ng pakialam sa mundo ang dalawang 'yon! akala siguro nila sweet, pero duh! hehe...

November 26, 2011

resign or will not resign?

9:00am-4:00pm ang duty ko ngayon sa trabaho, araw ng sabado... medyo nahihirapan na ako, hindi dahil mahirap ang trabaho sa akin, kundi dahil sabay sabay ang mga gingawa- pag-aaral at trabaho...(balance of time). kadalasan late ako, nakakairita ang laging ganito... 'yong tipong hinahabol mo, para lamang makarating on time, pero minsan kahit anong pilit na maging on time, late pa din. 7:30 ako nagising... 1:00am na kasi ako natulog, dahil 11pm natapos duty ko kagabi. kaya kahit anong pilit ko gumising ng maaga, hirap ako. kahit anong lakas ng alarm clock, wala pa rin effect sa akin.. kakainis ano? hehehe... at dahil 7:30 na, kakain, at maliligo pa gagawin ko, tapos ang biyahe papunta sa La Trinidad (kung saan ako nag-aaral at nagta-trabaho) aabutin siguro ng 40mins kung walang traffic, at kung traffic naman isang oras mahigit (naku! dinaig pa ang biyaheng baguio-pangasinan na isang oras mahigit lang)

dahil sa hindi na ako aabot, at nakakahiyang late na naman ako.. mas minabuti ko pa na huwag nalang pumasok at mag-AWOL... ang ginawa ko, gumawa ako resignation letter... sabi ko sa sarili ko tama na, ayaw ko na... pero nung nasa store na ako, nagdadalawang isip pa din ako kung ibibigay ko ung letter o hindi, mabigat din sa loob ko dahil, halos 3 months na ako nagta-trabaho sa McDonald's, napalapit na sa kin, at maraming happy memories dun... tapos aalis nalang agad... hmmm...

ayun, binigay ko ung letter with heavy feeling kay ma'am... tinanong niya ako kung bakit.. hindi ko masabi pero nasabi ko pa din....(magulo? magulo?) basta to cut the story short, nag-usap kami na hanggang January 15 nalang ako.. so mag-stay muna ako, sayang.. pasko din naman... at kung aalis ako, ano na mangyayari sa akin, paano na din ako diba? saan ako kukuha ng allowance. basta thanks a lot kay Ma'am Cleo for extending her understanding with me....

September 29, 2011

salamat sa hiram na sandali

wala talagang katiyakan ang pag-ibig. may mga dadating pero hindi tiyak kung hanggang kaialan, kung hanggang saan nga ba ang kaisyahang madadarama, panghabanagbuhay nga ba o panandalian lamang.

nang dumating siya sa buhay ko- siya... basta siya, ang taong akala kong makakasama ko habang buhay, siya na kasama ko sa lungkot at saya. hindi mo lang alam kung paano natamaan puso ko...(magaling ka nga lang talaga mangbiktima, at nabiktima mo ako). sabi ko pa noong una, hindi ako mahuhulog sa'yo, pero nang tumagal pinili ko pa din mahulog sa'yo kahit hindi tiyak kung sasaluhin mo ako. ano nga ba meron sa'yo at ganito katindi ang naramdaman ko sa'yo. basta kung ano at kung sino ka mahal kita, no other words can express how much i love you. i knew that love is earned, pero bakit gano'n una palang mahal na kita?

paasa ka lang ba talaga at umasa naman ako, na mahal mo ako... sabi mo mahal mo ako, sabi ko din mahal kita... o ano pa nga ba at hindi pa din tayo? mahirap ang ganito ha... hay, mapaglaro ka nga siguro, at nagpalaro naman ako. ipinaramdam mo na may pag-asa na maging tayo, pinaramdam mo na mahal mo ako, pero alam mo 'yong tipong malabo naman pala mangyari na maging tayo. in the end nasaktan lang ako, at sa'yo okay lang, tuwang-tuwa ka pa siguro dahil nasaktan mo ako. naiinis ako sarili ko dahil hanggang ngayon, ikaw pa rin ang iniisip ko, ikaw pa rin ang natatanging pangarap ko...

salamat sa hiram na sandali :)

life is a gift! life is so great.... time would heal everything!

September 17, 2011

first time sa pageant

nakaka-excite... masaya... nakaka-kaba na din, 'yan ang aking pakiramdam nang sumali ako ng ms. cte (college of teacher education) sa aming paaralan... well, pangarap ko naman sumali sa pageant, wala lang just to experience...and know how does it feel. pangarap lang noon, nasa isip ko lang pero iba pala kapag anjan na ang pagkakataon. 

september 15 ang araw ng pageant... isa itong pambihirang pagkakataon na ibinigay sa akin... hindi man ako pinakamaganda, hindi man ako pinakamagaling, hindi man ako nagpakita ng talentong mapapahanga ang madla... pero ang para sa akin ipakita ko lang kung ano ako ng walang pagpapangap.. just natural... medyo astigin kung minsan... pusong babae pa rin naman.

aking napagtanto na ang pagsali sa pageant ay isa lamang extra activities.. higit pa rin mas mahalaga ang pag-aaral... 'yan ang na-realize ko pagkatapos nang pageant, dahil sa pag-aaral, ang bunga niyan ay habambuhay, magkakaroon ng magandang buhay, nakasigurado pa ang kinabukasan pero ang pageant hindi sigurado, at minsan lang sa buhay, pagkatapos ng pageant, what's next...?


PHOTO BY: Rhe-ann Ngayaan


ang pagiging maganda, plus factor lang 'yan, higit pa rin na mas mahalaga ay attitude, positive attitude... and how we deal with everyday circumstances. most importantly, being humble... hindi man ako nanalo, wala man akong award na nasungkit, masaya pa rin ako dahil naging bahagi ako ng event na ito (searh for mr. and ms. cte).... marami akong natutunan, i earned confidence... pagkatapos nung pageant hindi ko mapigilang umiyak... pero dapat sports lang... 'di ba? kaya after i cried okay na ako, just releasing my emotion para hindi mabigat, it's not for me, at least i did my part.

in this pageant, i would like to thank my classmates- pehma, values and tle for their support... i really do appreciate it, it really touched me- you sacrificed and made effort to support me... Roxanne Magalong, Noemi Francisco and Charity Lopez thanks for being there... doing make-up after every event... salamat ng marami! Ruby Jean Tacquio and Roxanne Magalong for sewing my creative attire.. cute daw? salamat ha... Banny Alcido for lending me tennis racket, blue sandals, wrist and head band... salamat din! Jenjing Ramos for lending accessories... and thanks din sa nagpahiram ng white sandals and dress that i used in my evening suit (soorry 'di ko maalala, pero i knew she's a values major)...to joan kani, clarence maquio, janet lagasi, brail balanon, lorna ba-a... thanks and to all who cheered and said galingan ko.. salamat, i may fail to mention all, you inspired me to do my best... salamat ng marami sa inyo... though, i didn't make to get an award, you made me feel that i still won. salamat sa lahat who cheered me up. this is an avenue for growth and development. thanks for the opportunity.

to the winners congratulations! congratulations to everyone.

September 09, 2011

happy september

unexplainable stress ata ako ngayon, well, lahat naman tayo nai-stress.. depende nalang kung paano natin ito ima-manage.. daming gagawin, nakalista na din calendar of activites na gagawin ko for september.. masaya na rin na ganito kesa sa walang ginagawa, at least i will learn, hopefully mapagtagumpayanan ko mga plans as of now.. sana...

August 25, 2011

Lintik!

“There are no secrets to success. It is the result of preparation, hard work learning from failure.” General Colin Powell


 minsan, malaking tulong ang pagbabasa ng mga "quotes" o wisdom ng iba, nang sa gayon magkaroon tayo gaan ng loob lalo na kapag mabigat ang ating pakiramdam sa mga bagay na nangyayari sa buhay natin.... 

minsan parang gusto ko na sumuko, hindi ko alam....  pero kung susuko ako, paano na ang bukas... ibig sabihin talo ako... ang buhay ay paghihirap... naniniwala naman ako doon, sino nga ba ang hindi nakakaranas? lahat tayo may mga kani-kaniyang kwento ng ating saloobin sa mga paghihirap na dinaranas natin..

masyado na naman ako nagpapaapekto sa mga nangyayari sa buhay ko... kung maari sana ayaw ko na ng emo mood. bakit? dahil gusto ko na sana baguhin ang pananaw ko sa buhay na lagi masaya at laging postive, para positive din ang resulta. mananatili na lamang ba sa malungkot, siyempre hindi. pero kapag andiyan na si problema, hindi maalis ang malungkot at mamoblema. nakakainis, ayaw ko na sana ng mga saloobing ganito, dahil paulit-ulit na lamang, puro kadramahan!


  .
LINTIK . NAMAN. OH!


August 24, 2011

bagong trabaho, bagong saya...

itong araw na ito, prinocess ko na ibang mga requirements sa inapplyan kong trabaho, tinapos na lahat sa araw na ito, at pumunta agad sa kompanya... ayun! sa wakas okay na! sa tinagal ng panahon na pagaantay at pagtitiyaga para makapasok, sa wakas.... ayan na... ready for work na... inaabot na sakin ang uniform na gagamitin... salamat! salamat sa pagtitiwala... buong galak at saya ang aking nadarama! lahat ng pinaghirapan ay nagbunga...

kabilin-bilinan ng nanay ko, anuman ang trabaho, dapat itong pahalagahan... dahil hindi basta basta ang mag-apply at magtrabaho. kaya naman, sana sa kabanatang ito ng buhay ko, nawa'y magampanan ko nang maayos, kahit na kasabay nito ang pag-aaral. alam kong hindi ito magiging madali, pero sana sa palipas ng panahon ay makayanan ko.

August 21, 2011

kahit sa larawan na lamang matupad...

pagkakataon na lamang ba na hanggang larawan matutupad ang ambisyon na maging bihasang photographer? paano na lamang kahit mayroon interest kung wala naman gamit para hasahin ang bukod tanging interest sa pagkuha ng mga larawan.... kaya naman kahit sa larawan na lamang matupad. 


kahit cellphone camera wala ako, pero ito'y hindi naman sa naghahanap ng wala... gusto ko lamang ng mga bagay na patok sa aking hilig. di bale nang wala ako ng iba.... kaya naman, nang ako pinagkuha ng mga larawan, at pinahawak sa akin 'yong camera sinamantala ko na ang pagkakataon (mali pa ata hawak ko, halatang baguhan) kunwari akin, pero hindi, nag-aambisyon lang...('wag na kyo kumontra, minsan lang naman ito)

sana'y balang araw..... magkaroon na ako ng sariling camera...

August 15, 2011

Web Cam Photos

ito ang mga gawain ng mga walang magawa sa buhay.. picture picture, kung anu-ano nalang basta lang may magawa...


sadyang nagpapa-cute paminsan-minsan.... kahit hindi naman cute :))


SMILE pa din... kahit crooked ang ngipin! at least naka-smile! para happy ang life..


oha! ang pangit.. parang aswang...


BOW! :))

August 12, 2011

August 10, 2011

happy Birthday Clarence!

Happy Birthday!!!


"happy birthday to you... happy birthday to you.. happy birthday happy birthday, HAPPY BIRTHDAY CLARENCE!!"
wish ka muna bago mo iblow candle mo..
 


ayan.. yehey! at dahil birthday mo... BLOW OUT na!!!! hehehe...


some moments with clarence:




isang kaibigan ang magdidiwang ng kaarawan niya!  
yipeeeeee! isang taon na naman lumipas.. ayeeeee! i wish you all the best.. thanks for everything! agasem! agsangit en.. 

continue being humble and keep excellent academically. happy birthday.


your friend,
jessica :))


August 07, 2011

10 years ago...

parang kailan lang... ang bilis talaga dumaan ng araw, parang kailan lang uhugin pa ako na lagi tumutulo sipon.. ngayon "dalaga" na. naku naman, napakabilis... parang na-miss ko tuloy bumalik sa pagkabata, kung saan paglalaro lang inaatupag ko. nahalungkat ko itong ID ko noong elementary pa ako, ganito pala itsura ko noon... ang cute! (ohs talaga? makapal lang)


ito naman noong high school ako, naalala ko pa.. itong ID ko na ito ang tinatawanan talaga, dahil napaka "neneng" ng itsura.. kakaatar!


at 6 na taon pang lumipas, ito na ako ngayon...... naks naman! may hikaw na, nagme-make up na din ang "neneng", with matching lips stick pa, naks! san ka pa.


at ano na susunod, may tangkay na ako? naku... huwag pa sana... 

enjoy nalang buhay, para happy :))

August 06, 2011

likod

nakakasawa naman kung laging mukha ko ang profile picture sa facebook.. nakaisip ako ng ibang pwedeng gawin na profile picture... ung tipong unusual, iyong hindi aakalain ng mga nakakakilala sa akin na iyon ang ilalagay ko... downloaded.


akala ng iba likod ko iyan, pero hindi.. hindi ko kaya ipakita likod ko.. wala lang, simbolo lang ng isang babae... sabi pa ng iba, nakikita pa daw 'yong libag..hahaha, duhhh! makulit, sabi na nga na hindi ko likod eh. mahilig lang ako magtali ng buhok, hawig din sa babaeng nasa larawan ang buhok ko.. pero gaya nga ng sabi ko hindi ako 'yan, wala lang trip ko lang na 'yan gawin kong profile pic. care ba nila? nga lang mga lalaki talaga! hmmmm!



"katulad din ng nude photography at nude painting, i view this picture as an art."
Protected by Copyscape Online Copyright Protection Software