Showing posts with label happiness. Show all posts
Showing posts with label happiness. Show all posts

January 01, 2013

Hello 2013


Wee! Unang post sa taon ng 2013. Parang kanina lang eh last year, hangbilis naman ng araw! Pero okey dowkey lang, we're still alive ang healthy. Kamusta naman po kayow? 

Wala akong resolution this year, susme! Taun-taon ako may resolution but I don't find it effective, haha! Maglilista nalang ako ng mga goals na dapat ma-achieve para mas motivated akong magawa ito. 

Thank you kay Ate Arline. May heart heart pa ung name ko oh! haha :) Love it.


 

Hello 2013! Be good to me and to everyone. I can see a bright future as bright as FAITH. Happy new year again everyone! :)

September 18, 2012

SALAMAT

Salamat much naman sa lahat ng bumati sa akin sa munting araw ko bilang dalawang dekada ng nabubuhay sa mundong ito! (ang lalim) HAHA. Ayos. Wagas. Medyo nalungkot talaga ako. kasi hindi na “teen” ang edad ko. Keribels! Echos.

-How I celebrated my birthday yesterday?

Gaya ng nabanggit ko sa last post ko, nothing special on my birthday, it’ll be just an ordinary day.
Ayon, pumasok sa school, kahit mamugto-mugto ang mata kakaiyak (ngayon ko lang na-realized bakit ba kasi ako umiyak??) Hehehe. Praning lang ano. May mga bumati naman sa akin sa personal, pero mas marami ang hindi alam (buti nalang).

May mga grupo naman ng magkakaibigan na kinantahan ako ng HAPPY BIRTHDAY in amazing grace tune. Yung mga kabatchmate ko na fourth year na ngayon (ako 3rd year palang) kinantahan din ako, sa matinong tono. Marami ang nagpapalibre dahil birthday ko daw. Hehehehe. Sorry naman, sa next birthday ko nalang baka dun asensado na ako :P

Salamat sa lahat ng bumati- friends, classmates, peysbuk  at blog (wala twitter, parang engot ako na post ng post dun, wala naman nakakabasa)

Pagkatapos ng klase, nag-practice para sa pre-pageant sa CTE. Waka waka! Kasali ang lola niyo sa pageant… sa Saturday na, pa-relax relax lang ako, hindi pa ready ang mga isusuot ko! HOHOHO (good luck nalang)

Umuwi sa bahay, may munting spaghetti at tinola na hinanda ang aking relatives at nanay, ayos solb! (salamat) Busog.... Pagkatapos kumain, naghugas ng  sangkatutak na hugsin, nagpeysbuk at natulog na!) Tapos ang Sept. 17, 2012.

-Sa Thursday (Sept. 20, 2012)  ng 12am lalarga kami mga MAPEH major papuntang Up Diliman… OHA! Pero parang hindi sulit ang pagpunta namin, kasi balikan din. Pero keribels na din… hehe So Friday 12am nasa Baguio na ulit. Kinabukasan pageant, wagas!! Hindi naman siguro akong mukang haggard sa pageant ano.

-I deactivated my facebook account, wala lang… para kasing sayang sa oras pag nag-oopen ako. Hays. I will open it pa din, try ko kung kaya ko hindi iopen kahit isang linggo, tapos next dalawang linggo, susunod tatlo… hanggang sa makakalimutan ko na itong iopen (yun ay kung kaya ko) hehehehe

ABANGAN MGA UPDATES AFTER NG MGA EVENTS. SEE YAH! Hehe.

August 28, 2012

Randomness

Kamusta na kayo??? ^__^

Random lang... kung anu-ano lang, sari sari...

1. THE FACE

Mga koleksiyon ng mga ID picture.. ampangit!! HAHA



2. YOU :)

To my boyfriend, no one makes me happy the way you do. Sorry pinagtripan ko picture mo at ayan dinrowing na kita hehehe


3. FAMILY

Sunday, August 26, 2012.... ito lang ang araw na maalala ko na nanood tayo ng sine (family/relatives) "Total recall" ang naabutan natin kaya yun nalang pinanood natin, kahit na ang trip ni antie ay love story (hahaha)





Pagkatapos.....

Choosy, hirap nila naghanap ng kakainan. Una chikboy daw, tapos napunta sa Jollibee, tapos hindi nila trip kaya Mang Inasal nalang, tapos wala bakante, kaya Tokyo Tokyo daw...... hanggang sa KFC nalang! Yun na nga talaga, sa wakas, jeje. Aysos nalibot na buong Sm para lang sa kakainan (hehehe)


Pagkatapos umuwi na.... saya! :)

Sa bahay with Kuya :)
Balik na siya ng Manila after ng holiday.
Sorry naman maasim yung rambutan hehehe
4. UTANG

Ang saya ko dahil nabayaran ko na utang ko! Oo, hindi ko na kailangan magtago (hehehe). Bakit??

Nakahiram ako noong June, promise date na maibabalik ko is end of July (nice agreement)... I borrowed kasi I was expecting na maibabalik ko din. Tapos, yung inaasan kong money na pambayad is na-delay! OMG! Nagpanic ako end of July na hindi ko pa rin naibabalik. Nagtetext na siya na August na, wala pa din yung money , hindi ako masyado gumagala sa school campus baka bigla ko siya makita, eh wala pa akong mukhang ihaharap. Hehehe :)

Sinubukan ko humiram sa mga friends, pero wala eh :C I prayed deeply na sana mabayaran ko na... Prayed and prayed. Hanggang sa isang araw, may nagtext:

TEXT: Hello ms. jessica lopez, you may now claim your check. God Bless.

ME: What check? (hahaha) kahit alam ko naman kung ano yung sinasabi niya. 

TEXT: Last claim at McDo-CHI

ME: oh ok po. thanks. God Bless.

Next day nakuha ko na last salary. Inaasan ko na ang matatanggap ko ay sapat lang pambayad ng nahiram kong pera. Pero, it was more than what I expected.

Salamat Lord, sinagot mo ang dalangin ko.

Ayun, nabayaran ko na. Makakagala na ako sa campus na walang inaaala. Hehe. Eh tapos sira cellphone ko kaya bumili na ako, hindi ko mapalitan kasi wala pambili. Mula sa laging nalolobat at sirang screen na cellphone ko, nagkaroon ako ng myphone tw29 tv duo.

I prayed for the borrowed money, but HE gave more :)


I feel blessed kasi may bagong phone na ako, akala ko hanggang pipitchuging hinahagis hagis lang ako na phone, yung tipong pwede mo ibato sa kasama mo na daldal ng daldal. Buti napalitan na. Thank you LORD. ^___^


Good night everyone!!! Take care always :)











June 24, 2012

why nga ba??


as usual akita ko ito sa FB, eh naka-relate ako kaya share share!! hehehe

oo nga naman, ang buhay ay magiging simple kung atin itong papasimplehin , di ba???? minsan kasi masyado tayong OA sa mga bagay bagay sa buhay natin, na pwede naman maging relax. life is too short sobra!! as in.. kaya live it the fullest!!

January 09, 2012

ako bilang crew sa McDonald's La Trinidad


AUGUST 19, 2011


yan ang araw na nagsimula ako sa McDo... laking pasasalamat ko at nabigayan ako ng pagkakataon para magtrabaho. dito hindi lang pagta-trabaho, nag-aaral ka din. masaya maging part ng team. kahit hindi maiwasan minsan na mabatrip, eh oks na oks pa din at masaya. ganyan lang talaga ang buahy. hehehe.. at sa iba't-ibang branch ng McDo Baguio-Benguet, eh dito ako nadestino sa La Trinidad ;)
 ANO ANG MADALAS STATION KO?

lobby- nagwawalis ng mga kalat, nagma-mop ng sahig, taga-ligpit ng mga pinagkainan, pupunasan ang mesa, pinapakuha ng customer ng...... plastic for take-out, gravy refill, tissue, spoon at fork kung hindi naibigay ng counter, lead ng cup..... at kung anu-ano pa. kapag may spill naman taga-punas. in short maintaing the lobby clean all the time, though it's impossible na all the time, basta un ang goal. hehehe

CLOSING NG LOBBY- minsan sunud-sunod na araw na closing ng lobby... kahit matindi sa bakbakan ng paglilinis ng pagkalawak-lawak na lobby ay game pa din! ;)

counter- sa station na ito, masaya naman... kahit na minsan may di pagkakaintindihan lalo na pag rush hour, naku! pero in a positive way kahit rush at taranta na, enjoy pa din ang mga crew at masaya. makakasalamuha mo ang iba't ibang personality ng customer, kung anu-ano man un... hehehe, secret nalang.  may customer na ok lang, may customer naman na friendly, may customer na masungit, kahit ganun pa man maintain cheerfulness, and bawal magsungit.

natutuwa ako kasi, hindi ako nasho-short ng malaki sa cash handling, hindi rin nao-over ng malaki. maging ganun man lang performance ko sa counter, achievement na sa akin. marami akong void or cancel, kung maari sana wag magvoid pero hindi maiiwasan... pero game akong mag-void huwag lang ma-over at maa-short. hehehe

CLOSING NG COUNTER- may mga times din na ito ang station ko.... masaya. unm lang masasabi ko.

hindi ko pa na-try  sa production area, pero soon... masusubukan ko din....

ako as a counter...


FOR DELIVERIES: tawag na sa.......


ito naman ang drive-thru


picture picture lang... hehe, pa-cute???? 
long hair pa ako niyan...


the team!!! ;)


ako kasali sa pageant??? woah!!!hehe


para sa kin, ang titulo ay tiulo lamang na sandali lamang sayo... at pagsali sa mga katulad nito, ay mga bagay na ineejnoy lamang.... it's not taking it seriously, kaya kahit manalo o matalo, in end you will go home happy, happy not beacuse you won the title but happy of winning an experience. 

sir maiah-tot!


ito si sir maiah, pinaka-makulit na manager... hehe, nakaktuwa ;) minsan mapang-asar pero.. oks lang nakakapag-pangiti pa din.. haha! wala ka na sir! mas matangkad nako sayo! hehehe, joke ;)

CHRISTMAS PARTY




i am very thankful that once in my life i have been part of the team- McDonald's La Trinidad team. now, that i will stay for only a week... super thankful ako, it feels sad that i will be leaving them. ma-trasfer na kasi ako sa ibang branch. there is nothing more comparable staying at La Trinidad. napamahal na sakin ang management... ang mga crew at managers. whew! it really feels so sad. of course, i'll be transferred to another branch, it will take me a long time to adjust again.

January 06, 2012

one lovely morning at benguet state university

as i look back to this pictures, i felt the beauty of nature and opkurs my school- BSU... fun run sa school nung mga panahong yan, organized ng GEMS- organization ng mga elementary education students, hehe.. basta ganun. sacrifice ang pagsali ko dito, paano naman 5:30 dapat nasa school na.. hello? hirap nga ako gumising ng ganung oras noh, hehe... tapos layo pa ng school. haneeeeeeeeeeeeep!

kaya naman, kahit nantok pako, pinilit ko magising para makasali, wala lang just for experience....

pagdating ko dun, ayun! eksakto magsisimiula na, what! hindi pa ako nag-warm-up, baka matinding sakit ng katawan maramdaman ko pagkatapos...sa pagtakbo, nakakapagod, pero kailanagn tapusin...

ayun, natapos ko naman, kasama ang kaibigan na si mary grace...

ito na mga picture habang tumatambay at nagpapahinga sa tapat ng library..

sOoo love the beauty of morning ;)


may bukas pa!


 oooh! SUNRISE! love it...


 hindi ako emo.. i just wanna feel the sunrise ;)


all i can say is... WOW!


ito naman si mary grace, kaibigan ko...


ito kami ;D

wow! we're so bleessed with new hope in our lif like the sunrise, it was a lovely morning... I appreciate the beauty of life, and also God's creation. ang saya talaga.. nakakarelax.... till next time, hanngang dito nalang muna..

jlo ---->

December 18, 2011

december post

ano nga ba ang kwento ngayong december... madaming kwento pero tinamad ako mag-post... wek ganun? haha! oo.

CHRISTMAS

feel ko ang presence ng pasko lalo na kapag nakakarinig ako ng music sa mga establishments, o kaya naman habang naglalakad pauwi, mapapadaan sa mga mall at buildings na puno ng Christmas decors... at kung ganito ang ambiance sabayan pa ng malamig na simoy ng hangin dito sa BAguio, aba naman kahit walang pera... eh feel pa rin ang diwa ng pasko.

ang tanging wish ko lang ngayon pasko ay:
1. Cyber-shot camera- kung may generous jan, tumatanggap po ako, brand new man o second hand... (amfeeling) hehehe

2. Laptop- how i wish.....

3. Painting materials- kahit anong medium basta may magagamit lang... para maiba naman ang oil pastel ko na nung last year pa ata nabili at hanggang nagyon 'yun pa din, wawa naman... hehehe

*ang pasko ay hindi sa material na bagay lamang na pagbibigayan ng mga regalo....'yan lamang ay mga wish ko, na baka matupad ko balang araw, kung pagsisikapan lang at paghihirapan. ang higit na mahalaga ay good health, always happy kahit madami problema, and laging positive attitude para ang life ay healthy!!! basta ang wish ko is not more on material... :)

BOYFRIEND

i'm so blessed to have my boyfriend, inspired ako at napapangiti ako kapag naaalala ko siya ta kapag kasama ko siya...hihihi, parang corny ano? hehehe.. sige na wag na kumontra, minsan minsan lang ito. hehehe. hindi ako nagpo-post about love life... pero proud lang ako sa kanya. i love my boyfriend sooooo much, the more i get to know him the more i'm in love him.. basta i can't find any word to explain... basta.. haha.. (kilig ako) nyahahaha...

hanggang dito nalang po muna.... sa uulitin...
Advance....
MERRY CHRISTMAS ;)

November 05, 2011

Sulyap

reflection time..... ewan ko ba at i feel different these past few days, parang feeling ko i changed to worst, instead to better.. i just don't know. i'm figuring out what's wrong, masyado ata ako mayabang nitong mga nakaraan.... at madaldal, super daldal at kung anu ano na lang sinasabi, without thinking kung ano ba dapat ang sabihin ko. haaaay, sa tingin stress lang ako, kaya i need to relax first, for quite some time. masama ba ugali ko? am i too much selfish? masyado ba ako mareklamo? mapanglait ba ako? these are things that run on my mind.... i think i just need to keep quiet and feel the silence, because there is peace in silence- it is relaxing too.

kung ano ako, ako ito :) people who care for me is a blessing, at ganoon din ako, i care for them... hindi man nila feel, pero in some way sana i could make them feel that they are important to me; my mother, my family, my friends- real friends, and jake- my love (ayeeeeee ^^,)

i am thankful kasi they are there for me.... kahit loka minsan, mabait pa rin naman.... at sa aking pagmumuni, sana'y makagawa ako ng mabuti sa kapwa... 'yong tipong masaya sila dahil napasaya mo sila. at nagsilbing kahit kunting ngiti sa buhay nila. at higit sa lahat, kahit ano'ng mangyari, manatili pa rin na matatag, and gaya ng sabi ni jake "in all ways, always look at the positive side"


September 27, 2011

moments sa mcdo

isang tanghali na nakasama ko ang mga dati kong mga classmate, mga kaibigan na kahit iba-iba na kami ng mga major ay kaibigan pa din..wala lang, salu-salo lang, nakaka-miss din... bagamat umuulan nang mga oras na 'yan nagawa pa din namin magsasama-sama at kumain sa paboritoooooooooooooooooong!!!! mcdonalds!! yipeeeeeeee!!!!

masarap kumain ng fries ng mcdo!!


go ranec!!!


sige ranec ubusin na natin ito!! haha!


sige lang i-zip mo!!!


kyooooool!!


us!!!! saya!!! hahaha!!



tara na sa mcdo! where magic moments happen!! masaya!!
Protected by Copyscape Online Copyright Protection Software