Showing posts with label boyfriend. Show all posts
Showing posts with label boyfriend. Show all posts

December 31, 2012

Bye 2012

Ambilis talaga ng araw ano? parang kailan lang. Ilang oras nalang at new year na naman! I feel excited. Hehe. Ano nga ba naging kaganapan sa buhay ko ngayong 2012? Ito share ko lungs sa inyo.

January: Nang magbreak kami ng mokong na ex-bf.
February: Pirst time ko makapunta ng Bataan, ang saya! Kasi free, nakicompete kami sa Luzonwide press con nung nasa publication pa ako sa aming university bilang isang kartunist :P
March: Wala naman naganap
April: Wala, most of may time nagta-trabaho sa MatDo. Nagdodoble duty ganyan, umaabot ng 18hrs ang duty ko that time 24hrs open eh tasaka bakasyon. Kaya nangunguha ako ng duty ng mga duty na tamad pumasok na mga crew. (nagpapayaman)
May: Ito na! Nagkaroon ako ng bf na masasabi ko na pinakamasayang relationship (parang ang dami ko naman naging bf!!)
June: After 10 months sa MatDo, nagresign na ako. Keme magfocus sa studies ang reason, pero ayaw ko na talaga. Period.Tapos dito lang nagstart ako magblog-hop.
July: Umalis na ako sa school publication. Ayaw na kasi ni insan (nagpapa-aral sa akin) na sumali pa ako sa mga ganyan.
August:
September: Nagbirthday ako. Siyempre that counts as a blessing. And sinilang ang isa pang blog Sketches of Words.
October: Nagkatanggap ako ng awards dito sa blog Versatile Blog award mula kay Ms. Balut ng The Lucky Blog at Liebster award mula kay Ms. Arline ng the Pink Line.
November: Keme sali sa college pageant, swerte naman naging Ms. Photogenic.
December: 2 years na ng blog na ito. At keme bigay naman daw ako ng mga artworks na feeling ko hindi naman maganda.

Ayun lang naman. This year din pause kami ni boypren  sabi niya kasi focus daw muna ako sa studies at enjoy college life. Anu't ano pa man kami din daw sa huli.  O siya! I just want to be alone for now, and enjoy life. (Tama na ang kwento) BASTA SINGLE AKO NGAYON! whaha

Nais ko magpasalamat sa inyong lahat. Thank you ha, oo sayo! Ikaw na nagbabasa, bakit may iba pa ba? Siyempre naging espesyal ka sa akin.

Sabi nila basta state university daw, iskolar ng bayan (kasing level daw ng UP, feeling lang ako, hehehe) Dapat ko din pasalamatan ang mga  empleyado ng ating bansa dahil tiyak ang tax na binabawas sa sahod niyo ay napunta na sa tuition fee ko, LOLS! May 3 semesters pa ako sa BSU. 

Oh siya Happy new year sa inyong lahat. Maganda ang mga mangayayari sa 2013. Maniwala lang.

August 20, 2012

Masaya



Anuman ang ibigay ng buhay- lungkot, sakit at kabigutan... Marami pa rin dahilan para maging masaya!

July 03, 2012

Happy Monthsary ♥


 Lately, laging tungkol sa love ang nakikita ko sa facebook, twitter, at nare-recieve na text message. Parang nakakasawa din at puro 'yon ang nababasa ko. Naco-CORNYHAn na nga ako, kasi ang drama drama na, OA na! HAHAHA.

Pero... JULY  02, 2012 is a moment to celebrate... kahit hindi naman magkasama, kasi BUSY and blah blah blah.... Medyo late na ako sa pag-post July 03 na ngayon, pero okay lang. Wala din kasi ako time kahapon mag-post, echos! HAHAHA.

Ewan ko nga, biglang hindi na ko nagka-interes sa mga love story, sa mga love quotes.... kahit ganun INLABS ako sa bf ko noh, hehe... sa mga kaek-ekan lang na puro ganun nalang laman ng post sa facebook, twitter at jini-GM (peace po sa mga mada-drama) hehe ^_*

"Ang bilis talaga ng araw, parang kailan lang naging tayo.... I know ayaw mo ng mga emo at drama stuffs, don't worry... hindi naman masyadong emotional itong message ko. Okay? Pero... parang ganun na din.
Sorry sa mga tampo- tampo effect... EFFECT EFFECT lang para pansinin mo ako, hehe. Pero I understand baka OVER na. Sorry.
 Thank you sa love na ipinaramdam mo sa akin, sa CARE, salamat. I'm so proud of you. You're the best boyfriend in the world! Ayeeee! Salamat sa isa na naman buwan na magkasama tayo, isang buwan ulit ha? Na tayo pa din ang magkasama. I'm so happy I have you in my life. I will always love you. You're my inspiration. I love you so much laky ko, I love you so much Hon, I love you so much Baby ko... HAPPY MONTHSARY. :)"
Pero sa pagkakataong ito, patawarin niyo ako, CORNY muna ako... hehehe :)

December 18, 2011

december post

ano nga ba ang kwento ngayong december... madaming kwento pero tinamad ako mag-post... wek ganun? haha! oo.

CHRISTMAS

feel ko ang presence ng pasko lalo na kapag nakakarinig ako ng music sa mga establishments, o kaya naman habang naglalakad pauwi, mapapadaan sa mga mall at buildings na puno ng Christmas decors... at kung ganito ang ambiance sabayan pa ng malamig na simoy ng hangin dito sa BAguio, aba naman kahit walang pera... eh feel pa rin ang diwa ng pasko.

ang tanging wish ko lang ngayon pasko ay:
1. Cyber-shot camera- kung may generous jan, tumatanggap po ako, brand new man o second hand... (amfeeling) hehehe

2. Laptop- how i wish.....

3. Painting materials- kahit anong medium basta may magagamit lang... para maiba naman ang oil pastel ko na nung last year pa ata nabili at hanggang nagyon 'yun pa din, wawa naman... hehehe

*ang pasko ay hindi sa material na bagay lamang na pagbibigayan ng mga regalo....'yan lamang ay mga wish ko, na baka matupad ko balang araw, kung pagsisikapan lang at paghihirapan. ang higit na mahalaga ay good health, always happy kahit madami problema, and laging positive attitude para ang life ay healthy!!! basta ang wish ko is not more on material... :)

BOYFRIEND

i'm so blessed to have my boyfriend, inspired ako at napapangiti ako kapag naaalala ko siya ta kapag kasama ko siya...hihihi, parang corny ano? hehehe.. sige na wag na kumontra, minsan minsan lang ito. hehehe. hindi ako nagpo-post about love life... pero proud lang ako sa kanya. i love my boyfriend sooooo much, the more i get to know him the more i'm in love him.. basta i can't find any word to explain... basta.. haha.. (kilig ako) nyahahaha...

hanggang dito nalang po muna.... sa uulitin...
Advance....
MERRY CHRISTMAS ;)
Protected by Copyscape Online Copyright Protection Software