Showing posts with label Baguio City. Show all posts
Showing posts with label Baguio City. Show all posts

March 04, 2013

Jessica meets Ms. Sherene

Hello blog, hello.. hello.. hello? HELLO!

Hihihihi :)

First blog eyeball

March 4, 2013
Baguio City


Tente nenen! Presenting Jessica meets Ms Sherene of 
 Our Jouney.. 

Photo Credits to Ms. Sherene

Napapa-Ilocano ako na wala sa tono, lols. hehehe!

Photo Credits to Ms. Sherene

Nice meeting you ATE, your hubby and Jamboy:) hihihi. 

See you again next time.

Nag enjoy po ako kasama ka.

Thanks po dito, I'm really surprised.



Until Next time..... :)


Muwahugs!


February 22, 2013

JLo meets Baguio Masters

Febuary 21, 2013

Hindi ko malilimutan ang araw na ito, dahil naganap ang isang magandang pangyayari sa buhay ko, yun ay makilala ang mga Bantog na Artist dito sa Baguio City.

Nakilala personally si Kuya Julian, Kuya Dandel, at Edmund na nakikita ko lang mga obra nila sa fb, at hinahangaan sa pagpipinta ngayon nameet ko sila. Sobrang galing na mga artist. Masaya ako. And also Joyce :)

Edmund (violet shirt), Kuya Juls (grey jacket),JLo (red/pink shirt), Kuya Dandel (black jacket) and Joyce (pink jacket)


No words can express how thankful I am. Salamat na din sa libre, hihihihi xD
Babawe ako next time. 


First time ko ito. 


Until next time......

****

Kamusta blog people? hihihi xD
Kunting araw nalang matatapos na din ang semester. Saya much. Another chapter na naman. 

Take Care everyone.



December 31, 2012

Bye 2012

Ambilis talaga ng araw ano? parang kailan lang. Ilang oras nalang at new year na naman! I feel excited. Hehe. Ano nga ba naging kaganapan sa buhay ko ngayong 2012? Ito share ko lungs sa inyo.

January: Nang magbreak kami ng mokong na ex-bf.
February: Pirst time ko makapunta ng Bataan, ang saya! Kasi free, nakicompete kami sa Luzonwide press con nung nasa publication pa ako sa aming university bilang isang kartunist :P
March: Wala naman naganap
April: Wala, most of may time nagta-trabaho sa MatDo. Nagdodoble duty ganyan, umaabot ng 18hrs ang duty ko that time 24hrs open eh tasaka bakasyon. Kaya nangunguha ako ng duty ng mga duty na tamad pumasok na mga crew. (nagpapayaman)
May: Ito na! Nagkaroon ako ng bf na masasabi ko na pinakamasayang relationship (parang ang dami ko naman naging bf!!)
June: After 10 months sa MatDo, nagresign na ako. Keme magfocus sa studies ang reason, pero ayaw ko na talaga. Period.Tapos dito lang nagstart ako magblog-hop.
July: Umalis na ako sa school publication. Ayaw na kasi ni insan (nagpapa-aral sa akin) na sumali pa ako sa mga ganyan.
August:
September: Nagbirthday ako. Siyempre that counts as a blessing. And sinilang ang isa pang blog Sketches of Words.
October: Nagkatanggap ako ng awards dito sa blog Versatile Blog award mula kay Ms. Balut ng The Lucky Blog at Liebster award mula kay Ms. Arline ng the Pink Line.
November: Keme sali sa college pageant, swerte naman naging Ms. Photogenic.
December: 2 years na ng blog na ito. At keme bigay naman daw ako ng mga artworks na feeling ko hindi naman maganda.

Ayun lang naman. This year din pause kami ni boypren  sabi niya kasi focus daw muna ako sa studies at enjoy college life. Anu't ano pa man kami din daw sa huli.  O siya! I just want to be alone for now, and enjoy life. (Tama na ang kwento) BASTA SINGLE AKO NGAYON! whaha

Nais ko magpasalamat sa inyong lahat. Thank you ha, oo sayo! Ikaw na nagbabasa, bakit may iba pa ba? Siyempre naging espesyal ka sa akin.

Sabi nila basta state university daw, iskolar ng bayan (kasing level daw ng UP, feeling lang ako, hehehe) Dapat ko din pasalamatan ang mga  empleyado ng ating bansa dahil tiyak ang tax na binabawas sa sahod niyo ay napunta na sa tuition fee ko, LOLS! May 3 semesters pa ako sa BSU. 

Oh siya Happy new year sa inyong lahat. Maganda ang mga mangayayari sa 2013. Maniwala lang.

October 07, 2012

Mary Grace

Scool year 2006-2007 second year high school pa lamang ako... wala pa gaanong muwang sa mundo... dalaga man sa dapat sa edad na 14 taon, eh uhugin pa din ako (pramiz) HAHAHA

Bago lamang ako sa school, bago din siya. ako galing Bonnex, siya sa Magnex. Ano ba kasi yun? Basta yun. Yung ano. Hindi namen kami close nun eh, 4th year high school naging classmate ulit kami. Dito mejo close na... hihihi...

Siya si Mary Grace Poliquit


Pati sa college parehas pa din tayo ng school.... Ang saya lang.
Kasalukuyang kumukuha siya ngayon ng  kursong Bachelor of Library and Information Science, 4th year.
Yehey! Ang saya.. mauna ka man na ga-graduate,I am so happy for you. Libre ka nalang sa unang sahod ng trabaho (hihi jokeness)

Ilang taon na rin mula nang landas natin nagkatagpo... hihihi.. hehehe (ang drama)
Maraming kalokohan na din ang nagawa, at marami ng tawa ang naitawa!

At dahil Bartdey mo ngayon... Binabati kita ng HAPPPPPY BIRTHDAY Brad... HUGS! hehehe. Wala ako gift eh, alam mo namang pulubi lang friend mo, hayaan mo... malay mo next birthday mo asensado na! Malay lang natin. Hehe. Malay lang natin?? 

HAPPY HAPPY HAPPY BIRTHDAY! Good luck sa OJE next sem. Tapos advance Happy graduation na din ano? Para sama sama na ang pagbati ko sayo! :D Love you friend.

September 29, 2012

MOBILE photography

Nangangarap lang.. practice lang kung pwede maging photographer kahit sa cell phone lang. 
Paalala, hindi ako propesyonal.. pawang pampalipas oras lang. hihihi :)


1. Kalye sa La Trinidad.


2. Isang puno sa UP Diliman.


3. Ang pakikipagsapalaran ng maglalako.


4. Kaysarap mabuhay.

5. Saan ako dadalhin ng aking kariton.


6. Masayang yakap ng himig ng umaga sa BSU.



7. Isang araw sa kalsada ng ka-Maynilaan.




8. Palow da lider.  



9. Walang paksa



10. Kampana.




 11. Baguio Cathedral.



12. Buhay siyudad.



Ayun lang muna sa ngayon... 

MABUHAY!!!



September 17, 2012

Dalawang dekada ng buhay

Ngayon, September 17, 2012... hindi na ako teenager... 20 years old na ako, hindi na ako 19. Huhuhu. Tumatanda na nga ako. Nothing special, just an ordinary day. Nakaka-touch some greeted me through text kahit hindi naman kami close, some greeted me sa peysbuk. 

September 15, Christine my BFF since highschool, treeted me sa Don Henricos at SM (haggard look ako that time, pina-ayos niya ako para picturan niya ako, tapos nakalimutan lang magpicture, non sense! hahaha) I was touched kasi sabi ko wag na niya i-treet sayang lang, igastos niya na lang sa needs niya everyday, pero sabi niya minsan lang naman ikaw mag-birthday. So ayon we ate, masaya. Thank you Christine ;)

September 16, Clarence my friend invited me sa ministry nila. I enjoyed and feel blessed. She greeted me also the other youths of the ministry.

"Not all birthdays are worth celebrating"

Good morning. My eyes! Big eyebags. T_T

Ngayon lang ako nakaramdam ang ganito, I'm seeking guidance from God na sana palakasin niya ako. Today on my birthday I feel so down. If only there's other way to stop crying. I'm just bothered with so many things. Kahit sabihin na "don't worry everything will be okay" it's not that easy. I feel hopeless, I feel there's no one out there for me yeah- School, financial issues, family. relationship with him.

Yesterday morning, when I just woke up... he texted "i think we need to be single again for now" since wala ng time for each other. This made me cry. I don't want to lose him, I love him so much. While I'm writing this, I can't help myself crying (iyakin ako). "in God's perfect time we'll be together again" Yeah. Maybe everything has purpose why things happen even if we don't understand.  He just want me to focus on my studies and enjoy college, but it's hurting. Like what I've said I love him, I never loved this way before the way I love him. "magkakabalikan din tayo j.lo, gusto ko lang magsettle down muna lahat before tayo magfocus sa relationship natin, ang bata pa natin. maiintindihan mo din". I don't want other guy in my life, if ever hindi siya for me magiging matandang dalaga na lang ako. I will wait because I love him. If ever you are reading this I WILL WAIT, I LOVE YOU SO MUCH.

So ito naman financial issue na ito, ang daming pagkakagastusan pero wala akong pera. As in broke, walang wala. They (my mother and guardian) don't want me to work. Pero kung hindi ako makabayad sa mga gastusin, I feel hopeless. Wala kasi mapagkukuhanan na iba. Though I want the best for my performance in school, nakakasagabal kapag walang pera (mahirap lang talaga ako promise). Nasabi ko na rin ibang kwento dito Nasan ka Itay?

Hindi ako masisisi if I self pity sometimes. I feel breaking down and giving up. As if life is giving no reason to live.

Happy birthday to me.

.

September 05, 2012

She bangs...

Hello there... watchap??? May time na ulit para mag-blog, soooo haba ng aking vacant time, yoko tumunganga lang. Kaya ito ako ngayon sa library, nagba-blog imbes magbasa at mag-research, hehehe. Facebook lang hindi naoopen dito... and youtube.

I have a big problem, oo big talaga! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa baby hair ko, as in kahit anong gawin kong ayos ang gulo gulo pa din ng buhok ko. HOHOHO. Kapag nakalugay, buhaghag, pag tinatali naman nagtatayuan ang mga babies! 

Ito remedyo... hair band (tama ba spelling???) HAHA!



Hays. Whata babies! Bakit pa kasi kayo sinilang...


Kaya ayan, kelangan ko kayong itago... todo balot na ang ulo ko. Minuminuto na lang kita inaayos!! Hmmp :) 
 

August 20, 2012

Masaya



Anuman ang ibigay ng buhay- lungkot, sakit at kabigutan... Marami pa rin dahilan para maging masaya!

August 17, 2012

Hindi Parehas


lumang art... 
magkahawig man, wala talagang magkaparehas na nabubuhay sa mundo... 

may mga ginuguhit ako ngayon pero hindi pa mai-scan.. excited na akong ipost. hohoho 

August 15, 2012

Nasaan ka Itay??

Pastel on paper
©2010
by: jessica lopez

Kamusta ka kaya ang tatay ko? Bigla ko lang siyang naisip, kamusta na kaya siya?

Wala akong tatay kasamang lumaki. Wala din ako kapatid. Malungkot. Wala din si nanay sa piling. Lagi ko inaasam na sana may tatay ako, na kasama ko... nananabik sa yakap ng isang ama. Lagi ko siya iniisip lalo na noong bata pa ako.. inaasam na sana makasama ko siya. Nakakalungkot lumaki ng walang ama sa tabi, pero masasanay din, pero minsan aabutin pa ng taon para gamutin ang sakit at pait na hindi ka man lang pinaranas sayo na may kinikilala kang ama.

Pero ang mga pangrap na maramdaman may ama ako ay naging malayo sa realidad hanggang sa nasanay ako na wala na siya, at tuluyang kalimutan. Ngayon, hindi ko na siya miss... bigla ko lang siyang naisip. At dahil sa produkto ako na "WASAK NA TAHANAN" (wasak talaga eh noh???) hehe. Gumawa ako ng sarili ko adbokasiya... naisip ko lang sanhi ng matinding lungkot na naranasan ko noon. hehehe, (ang drama ng post UBER!!! parang hindi na ako sanay mag-drama at mag-emote tama na baka mag-iyakan pa tayo dito. HAHAHA) 

"Against Broken Home Advocacy" 

Sana lang lahat ng pamilya maging masaya at buo. (how i wish lang naman)
 
:P
 

August 02, 2012

ART sa tag-ulan

At dahil sa mahaba-habang bakasyon dahil sa bagyo... nasa bahay... masaya din kasi walang pasok pero nakaka-miss din ang school.

Painting ang pinagkabalahan ko... hindi naman bongga, pero okay lang... practice lang. 

ANG SUBJECT: "PUNO" 

Pinakialaman ng pinsan ko ang sketchpad ko... (sakanya? sakanya?) favorite niya puno, laging puno.. Eksakto naman sa panahon natin ngayon na bumabagyo ang puno! Ayon!



Ito ung paint niya... sorry poor quality lang ung camera (webcam lang) pero infairness, mgaling siya, lagi kaming hindi magkasundo at lagi nag-aaway, pero mukang nagkasundo kami sa "PUNO" hahaha. Puno lang pala... Natuto ako sa kanya. Meron pa siya pinaint... as in, sabi ko sa mga ginawa niya pangit (pero deep inside natuto talaga) hehe, echos ko lang noh, baka lumaki ulo! hahaha.

 "ANG PUNO"
ni: Ronald Dacoroon




 "Against Broken Home"
ni jessica lopez



PICTURE PICTURE!!! wag ka na mahiya.. alam ko gusto mo din! hehehe 



AHAY.. pasimpleng ngiti ka pa eh??? wohoooooo!



...parang ayaw ko na talagang gumamit ng pastel, dahil nga sa magaling pinsan ko gumamit ng water color na-inspire tuloy ako na magwater color na din.. hehe. gaya gaya lang? ummm... basta ganun, kahit lagi kami nagkokontrahan at lagi nag-aaway, natuto din. SSSHHHH.. secret lang ha?? Buti na lang hindi niya binubuksan blog ko, nakow! kung hindi.... hehe :)

July 26, 2012

Instant singer

OMG!!! Artista!!!! HAHA. Sikat? Sikat? Sikat? SINGER? Sarah Geronimo? Yeng?


Isa sa mga kahihiyan sa buhay ko ang kaganapan jan... kasi naman parang talagang totoong nasa isang stage na buong ARANETA ang nanood... Concert? Concert? Sobrang tense talaga ako jan! Grabe, mali mali pa ata sa tono... OO alam ko! HAHA. Sintunado queen ako. Pero no choice, kelangan ko gawin yan. HANOBAYAN!!! Or else... hindi ako papasa sa music subject na yan. hehehe. Enjoy naman kahit papaano, nakaka-boost din ng confidence, para at least kapag totoong sa ARANETA na ako nagcoconcert, kaya ko na. CHARING! HAHA. Joke lang. :P

BASKETBALL

Pirst taym eber maglaro ng basketball sa buhay ko... ay grabe, nakaka-frustrate ang hindi maka-shoot (walang pakinabang sa team) HAHAHA. Friendly game lang naman yan kasama ang ibang MAPEH major ng ibang university sa BAGUIO CITY. 

 

Ayna! nakakapagod.. hingal dito, hingal doon. Takbo dito takbo doon! Anak ng kabayo! Hindi man lang ako maka-shoot, ni hindi man lang naipasa sa akin ang bola!

Parang hihimatayin na ako sa court. Nabigla ang akech katawan... Hindi ko na keri!!! Tapos biglang dumating si boypren, nanonood! na-conscious ako lalo, feeling ko tintawanan na ako sa sobrang kahihiyan.

Natapos ang game, lumapit ako sa kanya, tinatawanan ba naman ako??? HAHAHA. hindi daw ako marunong, ni hindi ko man lang daw nahawakan yung bola... (Grabe supportive ano????)


Second game, sabi ko hindi na ako sasali, pero napapayag din nila ako. Sumali ulit ako (tigas ng ulo!!) hehehe. Ito mas ganado ako maglaro, sabi ko sa sarili ko kung may tamang practice lang hindi malabong magiging basketball star ako sa babae (just a dream) HAHA. Ayun, nakaambag naman ako ng points sa ka-team ko. Ayos! Ok na sa akin yun :D

July 11, 2012

Boredom Stuffs

Parangarap ko noon kumuha Fine Arts sa kolehiyo... pero frustrated ako! Education ang naging kurso ko.... di bale okay lang. Mahilig ako sa ARTS. Mahal ko ito. Minsan sa bakanteng oras yan ang ginagawa ko, or kapag boring si instructor nagdu-doodle....

 Paru-paro

 
ANG BATANG NASULYAPAN ANG LIWANAG 

 
Frustrated Guitarist


Si Nanay at Ako (CHARING) haha
 

Weird lang...


Kamay ni JLo (naks!!! JLo talaga?) haha


Oh siya! Yan pa lang latest eh...
next episode ulit. ABANGAN!!! hehe

July 08, 2012

Turista sa Tahanan

Sa Baguio City ako lumaki, nag-aaral at nakatira. Pero akalain mo... hmm.. akalain niyo ha! HAHA! Madami pa akong hindi napupuntahan na tinatawag na "tourist place" dito sa Baguio. Ignorante much??? hihihi... bata pa ako noon nung huli ako nakapaunta.... teh! ilang taon na ako ngayon! Uhugin pa ako noon.

Mahilig ako maglakad-lakad.. kahit walang kasama. Kung saan saan ako nakakapunta sa kahit isang oras lang.  Ito, samahan niyo ako.... sa paglalakad ko. Magiging turista ako sa tahanan ko.

Mawawala ba naman ang boat sa Burnham Lake??? Aba! Siyempre hindi.


Sa bintana ng kwarto ko, ito ang matatanaw... ayos! puro building makikita na sa kabundukan.


Habang naglalakad, minumuni ang kapaligiran. Ninanamnam ang beredeng kapaligiran at masarap na simoy ng hangin. I LOVE IT!


Mga produkto ng malilikhaing imahinasyon at galing sa pagpinta... ang nadaanan ko sa gate ng Baguio City National High School. astig!


waiting shed? shade? watebur! HAHA.

University of the Cordilleras...


Mga puno sa harap ng University  of the Philippines - Baguio City...


Higit sa lahat... mawawala ba ang turista??? hehehehe! :D WAPAK! amfeeling... hehe, pagpasensiyahan niyo na. Feel ko ang moment maging turista. hehe



Hindi ako photographer... wanna be photographer lang. HEHEHE! i wanna be a photographer, so freaking bad... take photos in places to I've never been. :D

July 04, 2012

Happy lang....


"Takot ka ba masaktan? Takot ka ba na sumbok? Takot ka ba sa maraming bagay?"

Matinding kalaban ng sarili ang kawalan nito ng TIWALA sa kanyang sarili mismo. Laging takot. Noon marami akong kinakatakutan... 


ITO LISTAHAN:
  • Takot Kumanta: Dahil sa lagi akong napapahiya, hindi ako kumkanta ng maayos sa music classes ko. Pero nanjan naman si Ma'am na todo tiyagang nag-aassist sa crooked voice ko. HAHAHA
  • Takot umutang: I swear katakot kaya umutang, kasi laging sasabihin "walang pera" HAHA. Di bale ng wala kesa problemahin mo pa magbayad :D
  • Takot mawala mahal sa buhay: Siyempre naman, sino nga ba ang may gusto.
Basta ganun, hindi lang 'yan marami pa... hindi ko nga alam, NAG-MATURE ata ako... haha, MATURE? bago 'yun ah? spell mature?

Dati as in super baba ng self-esteem ko, parang baba sa mukha! ganun kababa. Wala akong kabilib-bilib sa sarili ko, pwede na nga akong parangalan na "NEGATIVE STAR"(boooooom!) peste wala akong napapala. As in peste talaga 'yang ganyang way of thinking. PESTE! HAHA!  PESTE ULIT (paulit ulit? ulit ulit?)

Ang tanging pinanghahawakan ko para hindi ako matakot: TIWALA! isang malaking TIWALA!:D 


HAHAHA! Ang laki ng sandata ko- SUKLAY!!! Patawarin niyo na po ang larawang itooo... wala naman koneksiyon ang tuwalya sa ulo ko sa pinagsasabi ko dito.

Masaya ako...  


SALAMAT po PANGINOON at binigyan niyo ako ng lakas ng loob at tiwala sa sarili. Alam kong sa Inyo wala dapat katakutan. Naniniwala ako na magtatagumpay ako sa buhay, at mabubuhay ako na puno ng kabuluhan. Sa aking mga kahinaan, kayo po ang maging lakas ko. SALAMAT po ^_*

ENJOY LIFE!!!! ROCK n ROLL!


HAHAHA! Ang laki naman ng akech hakbang, wagas???? Somewhere in Pampanga 'yan noong naki-LUZONWIDE kami noong February sa Bataan.

RELAX LANG, Gawing swabe ang life, free from stress!!!


MAG-REACT KA LANG!!!! :D

June 05, 2012

aking sinubukan

wala naman mali na sumubok, kahit sa mga bagay na hindi tayo sigurado... kahit ang natatangi nating sandata ay ang "PANINIWALA" na makakayan natin.

last week sumubok akong mag-apply sa call center... una, hindi pumasa, haysssss... kahinaan ko talaga ang "listening skills" yun ang focus nung first exam... doon pa lang hindi ko na naipasa kasi madami akong hindi nasagutan.

kahapon pangalawang try sa isang kilalang call center, what on earth! unang round palang hindi na ako pumasa.. basic computer test! nakow! nasaan na ang pag-asa ko????? 

...at dahil diyan dumeretso ako sa isang call center training center. doon nagtanung ako ng kung ano ang kailanagn para mag-enroll. ang sabi kelangan lang nila ng resume, so pina-print ko pa muna ung mahiwaga kong resume tapos bumalik ako. pinabalik ako after 30mins para sa assessment. 

at ito na nga ung assessment, ininterview ako, simpleng tanong lang naman... pero crop! kainis, hindi ako makasagot, nauutal ako.. mali mali ang grammar ako at wala sa ayos ang sagot ko, ewan ko ba! naunahan ako ng kaba, hindi ako makasagot, as in! ANG RESULTA? siyempre i didn't qualify para mag-training, haha! epal ng araw na ito, mark that date june 4, 2012! practice on my own muna daw, and hindi pa daw ako ready, tapos yung ibang commentt is, dapat masaya daw ako hindi 'yong i sound sad, tama! napansin niya sad epekto siguro nung last na pinuntahan kong inapplyan wherein i didn't qualify. hohoho! LIFE! :) balik nalang ako june 18 para sa re-interview para tignan kung nag-improve ako. 

at dahil jan naiiyak ako, ano ba naman kasi un.... puro failed! pero okay lang, ganyan talaga ang life, hehehe... try nalang ulit sa susunod, baka dun matanggap na. 


God has plan, naniniwala ako jan ^_^  TAMA???? hehehe.. 

"KNOCK KNOCKED JOB OPPORTUNITY! please let me in"

at least i tried, rather than not trying at all, at least alam ko na ngayon kung saan ako nagkamali.... 

May 17, 2012

Hello TWITTER! :)

kaloka.. may twitter na akooooo??! oo may twitter na, nakikiuso? ewan.. pero napag-tripan lang na gumawa ng account.. MASAMA? MASAMA? kalowka! hehe :D

to follow me CLICK HERE :) tenchu soooo much!
Protected by Copyscape Online Copyright Protection Software