Showing posts with label La Trinidad. Show all posts
Showing posts with label La Trinidad. Show all posts

February 19, 2013

Emotional Chuva Chuva




Model: Jermaine Mallare
@ BSU

Wala lang. Walang magawa. Nagiisip pa ako ng quotes, hihihi xD

HAppy Tuesday pipz, stay safe. MUWAH!


August 14, 2012

NGITI lang


Psalm 34:4

I sought the Lord, and he heard me, and delivered me from all my fears; For God has not given us a spirit of fear, but of power and of love and of a soul mind.


Kaya smile lang dapat palagi. Ok??

Naalala ko sa isang pageant na sinalihan ko noon....to be specific Ms. McDonald's Baguio-Benguet, kung saan ako nagta-trabaho noon bilang crew at yun nga may pageant sila, tsamba ako nanalo sa branch na kinabibilangan ko kaya ako nagrepresent sa pageant sa lahat ng McDo dito sa Baguio. Tsamba lang titibo tibo ako rumampa (HAHAHA) joke. Ito ang tanong sa contest...

Q: In your own little ways how can you contribute in the continuing growth of Mcdonald's?

A: Thank you for that question sir. In my own little way I can contribute by simply SMILING, as a service crew we need to smile (audience clapped and cheered with happiness! wooooooh! cheering). Because when we smile the world will also smile. (me with my biggest smile)

Ang sinagot ko ay simple lang. Natutuwa ako sa masayang reaksiyon ng audience... Parang feeling ko nga holliwood  star na pinapalakpakan ako (HAHAHA) pagkatapos ko sumagot picture dito picture doon, habang umeexit ako hinahabol pa din ako ng nagpi-picture sa akin, WOAH!!! ambisyosa lang. HAHA. Masaya sa feeling.

Sa bandang huli, hindi ito nasusukat sa pinakamaganda, o pinaka magarbo ang suot, hindi mahalaga sa akin kung ako mananalo o hindi. Basta ang ang pakay ko gawin ang best ko contest na yon.

Anyway, Marami talaga nagagawa ang smile.

Kaya always smile ^____^





July 19, 2012

Stress

It's been a while, hay... nakakainis din kasi hindi ko masyadong nabubuksan blog ko lately at hindi nakakadalaw sa ibang blog. ASAR much lang... hmmm.

Sobrang stress lang, nakaka-STRESS! Ang daming gagawin, parang hindi ko alam kung saan sisimulan. Stress much pa jan ang kulang sa budget, haler? magre-research nga lang sa library kelanagan na agad ng 50 cents para magpa-photocoy. I hate being POOR! hahaha. 

Achievement!! OO... natapos ko din ang video ko, not professionally done nga lang pero okay na rin (siguro) hehehe. ito oh....MY PROJECT... entitled WE FOUND LOVE. HAHAHA. We found love nga ba? aheks! Wapak!


Special thanks to my cousin Jessa, na nagpahiram ng camera niya, kung hindi dahil sa kanya hindi ko magagawa ito. Buti na lang! Thanks much mwah muwah muwah.

Yan lang muna ulit... next time nalang kapag mas may mahabang time. Ingat kayo! 

July 11, 2012

Boredom Stuffs

Parangarap ko noon kumuha Fine Arts sa kolehiyo... pero frustrated ako! Education ang naging kurso ko.... di bale okay lang. Mahilig ako sa ARTS. Mahal ko ito. Minsan sa bakanteng oras yan ang ginagawa ko, or kapag boring si instructor nagdu-doodle....

 Paru-paro

 
ANG BATANG NASULYAPAN ANG LIWANAG 

 
Frustrated Guitarist


Si Nanay at Ako (CHARING) haha
 

Weird lang...


Kamay ni JLo (naks!!! JLo talaga?) haha


Oh siya! Yan pa lang latest eh...
next episode ulit. ABANGAN!!! hehe

July 08, 2012

Pintig at Pantig

Iniisip ko kung ipo-post ko pa ba ito o hindi na. Mejo matagal na din kasi naganap  yung event. Last school year, sumali ako sa isang competition sa school. 


Isang event na inorganized ng  "The Mountain Collegian" The official student publication of Benguet State University.
PINTIG AT PANTIG

na may temang:  
"UTAK BERDE: Ang luntiang naghihikahos, tao rin ang tutubos. Panitik at Pangkulay mo'y ikuskos; Guhit ng mga kulay ay gawing ilaw ng pagbabagong lubos."

sa kompetisyiong ito may limang kategorya:
  • Short Story writing - English and Filipino
  • Poetry Writing- English and Filipino
  • Essay Writing- English and Filipino
  • Photogrpahy- English and Filipino
  • Literary Graphics 

 Literary Graphics lang sana ang sasalihan ko.... pero sige bakit hindi ko subukan ang essay contest. Sumali ako sa dalawang event Literary Graphics at Essay Writing contest -Filipino.

Maraming beses na ako sumali sa mga pakontest ng drawing, madalas hindi nagwawagi. Pero ayos lang sakin, kompetitisyon lang naman....  pero ang nakakaloka! ay 'yang essay contest na 'yan! HAHAHA! first time ko kasi sasali sa essay contest sa tanan ng buhay ko, pramiz!!!

Hindi talaga ako makapag-isip ng isusulat ko, nagsimula na ang kompetisyon at tila blanko pa din. Kung ano na lamang ang isinulat ko... hay, sabi ko bahala na! hehe.. Ang title ng blog ko ang ginawa kong title sa contest. OHA! hehe. Ito ang isinulat ko, bagamat simple at maiksi lamang....
PAGGUHIT NG  MGA SALITA
Hangad ng ating kapaligiran ang pangangalaga. Sa pamamaraan ba ng pagsusulat, ito kaya'y magagagwa? Sa puso ni Juan de la Cruz ito kaya'y may halaga?
Sabi ng marami, ang pagbabago ay nagsisimula sa ating mga sarili. Oo nga't tayo ang simula, ngunit ito ba'y ating isinasagawa? Kung hindi natin sisimulan, kailan pa? Sino ang gagawa nito para sa atin? Tayo mismo ang pagbabago. Kaawa-awang Inang Kalikasan, hihintayin pa ba natin na may mangyari bago tayo kumilos?
Ating imulat ang mga matang pilit pinipikit. Ang bagyo, baha, at papalit-palit na panahon ay ilan lamang sa mga matindin nating nararanasan at patuloy na mararanasan kung patuloy tayong magbubulag-bulagan. Ating buksan ang ating kaisipan, hindi ba't nakakabahala? Huwag nating hayaang lunurin tayo ng ating pansariling pagnanais, tayo's makiisa sa adbokasiya na nagsusulong pangalagaan ang ating kapaligiran. Tama na ang katamaran, huwag magkanya-kanya, ang kailangan ay pagkakaisa.
Sa bawat pagguhit ng mga salita, hindi ito pagpapansin ng walang magawa at ito'y hindi usaping walang kwenta. Layon nitong tayo ay gisingin sa katotohanan. 
Kaya naman ang usaping pangkapaligiran ay dapat pahalagahan. simulan na nating kumilos, hindi lamang sa salita, sa pagsulat, at sa pagpapahayag kundi pati sa gawa. Kay ganda ni Inang Kalikasan, ito'y pakaingatan. Ang mundo ay nasa ating mga kamay.
RESULTA:


Hindi ko inasahan na mananalo ako! 

Unang pwesto sa literary graphics at unang pwesto sa essay writing contest- filipino. Gisingin niyo ako at mukhang nananaginip lamang ako! hehehe. Hindi ako makapinawala. As in. Madalas kasi hindi ako nagwawagi, pero sa pagkakataong ito doble doble ang panalo. Wow! Pasensiya na wala akong photo nung sa literary contest.



Ang mga winning entries ng kompetisiyon na 'yan ay nai-pulish sa KALALAENG -literary folio ng BSU.

June 23, 2012

hindi ako mahuhulog

IN PHOTO: Jessica Lopez
PHOTO BY: Mary Grace Poliqiut
Capitol, La Trinidad, Benguet

Minsan akala natin mahuhulog tayo... tingin lang tayo sa taas at tayo'y hindi mapapahamak. Mahal NIYA tayo. 

"May the good LORD bless us always"

June 07, 2012

SALAMAT Pareng McDo

GRABE!!, ang bilis ng araw... last day ko na pala ito pare, hindi ko namamalayan... nakakalungkot :(

paano ba 'yan pareng McDo....... huhuhu


salamat sa pagkakataon maging bahagi mo... salamat sa mga manager, crew at mga customers na nakilala ko. salamat sa mga aral na natutunan ko, na hindi ko matutunan sa paaralan o kung saan pa man. naging malalim na nga naging samahan natin pare, kaya  naman hindi naging madali sa akin ang desisyong ito.

pareng McDo, patawad kung minsan ako'y sablay... alam mo naman me "reyna ng sablay" hehehe :)pero kahit ganun, naging magkaibigan pa din tayo. SALAMAT PARE!! :)hehe

I WILL MISS YOU...

May 01, 2012

Miss McDo???

minsan sa buhay ko, nasubukan kong sumali sa PAGEANT,, una akong sumali doon sa college namin doon sa bsu. WAPAK! talo akooooo.... as in kahit isang award wala akong nakuha, parang feeling ko noong time na yun as in SUPER LOSER ako. kunwari smile ako, pero pagkatapos noon WAAAAAAAAH umiyak ako. sabi ng mga friends, aquaintances, CONGRATS! panalo ka pa din.... oh ayon smile na ulit ako, ^__^


itooo ang pictyur ko noon... wah! pictorial?? t-shirt lang soot??? no ba yan!! HAHAH! XD


wooh! first time ever shorts in public huh!!!  

 

 representing......... candidate no. 6!!!! HAHAHA! :)


parang repost lang itooo... pero dito ako natuto ng marami, i swear!!! promise!!! :)

wwwwooooooooooy! unexpected!!! hinirang na miss Mcdo La Trinidad 2011??????? tsamba! HAHA!

masaya sa feeling... kasi nga miss kunwari, pero promise, hindi ito dahilan para ikalaki ng ulo, of course always remain humble. 

it's a matter of learning... always learn, and learn and learn. title doesn't matter. but what matter is our value as a person and our attitude towards everything- from little things to big things. 


PICTORIAL
 
feeling ko super baduy ako diyan, bakit? kasi simpleng blouse ulit suot ko... wala man lang kahit borloloy... HAHA! atsaka hindi ko feel pose ko diyan kasi hmmmm, ummm... obvious ang aking flat chest (HAHAHA!)hays, kakainis, pero okay lang, care ko?? HEHEHE!

smile pa rin TO DA MAX!!!!

pictorial wala man lang dalang make-up, walang kahit anoo... parang napadaan lang ako na hindi man lang napaghandaan, HAHA! tawa nga kami ng kaibigan ako. parang nasa giyera kami na walang dalang bala! hahays.. HEHE!

habang busy mga iba na nagme-make up, kami ayun pinapanood lang silang nagme-make up at nag-aayos :I
 
oha oha... :) great experience, love it! 

January 13, 2012

manyak ka!

isang gabi, pauwi ako galing duty, sakay ako ng jeep... badtrip ung isang lalaking nakasabay ko sa jeep. bakit? iku-kwento ko senyu.

uber pasalamat ko talaga at hindi nagkataon na nakatabi ko itong "manyak" na ito. buti na lang. oo buti na lang! hay kundi.... hay!!! sa jeep, kasama ko mga kasama ko sa trabaho na sumakay, dahil short trip lang naman sila, ako ang huling bababa ng jeep. meron itong lalaking ito na naka-smile, alam mo ung tipo ng smile na nakakainis, di ba ang smile, mapapa-smile ka din, pero ung smile niya iba! eish! smile ng smile, so ano naman feelilng niya, artista siya!? hmm!

may tatlong babaeng sumakay ng jeep, at dahil sa tabi niya lang may space dun sila umupo, aba! hindi siya umurong para yung tatlo magkakatabi, talang gusto niya pagitnaan siya. so ayun pinagitnaan siya. nakainom ata itong mga dalagang ito, naku! naku! ayun nga... itong guy manyak na ito, overrrr sa dikit ng katawan niya sa katabi niya, halos ikiskis niya na katawan niya sa katawan ng girl.. naiinis ako na nakakakita. sinasagi niya katawan niya sa boobs nung girl, badtrip!! itong si girl naman, tulug-tulugan pero, ramdam niya ung ginagawa ng guy manyak na pasimpleng minmayak siya.. kaya mejo tumagilid siya para hindi masagi boobs niya, pero itong guy manyak na ito, trying hard to touch the girl, hay!! nakaka!! gggrrrr!!

para! sabi ng kasama ng girl... hay, buti na lang bababa na sila... kaya naman, nung bumaba sila, ang saya ko. itong guy manyak, talagang nakatingin sakanila hanggang mawala na sa paningin niya. tapos, may magandang nursing student kami na kasabay, buti nalang hindi malapit sa kanya, iba kasi ang tingin niya sa nursing student na ito.

matapang ako. kaya subukan niyang gawan ako ng iba....  hmmm! lalabanan ko siya.

January 09, 2012

ako bilang crew sa McDonald's La Trinidad


AUGUST 19, 2011


yan ang araw na nagsimula ako sa McDo... laking pasasalamat ko at nabigayan ako ng pagkakataon para magtrabaho. dito hindi lang pagta-trabaho, nag-aaral ka din. masaya maging part ng team. kahit hindi maiwasan minsan na mabatrip, eh oks na oks pa din at masaya. ganyan lang talaga ang buahy. hehehe.. at sa iba't-ibang branch ng McDo Baguio-Benguet, eh dito ako nadestino sa La Trinidad ;)
 ANO ANG MADALAS STATION KO?

lobby- nagwawalis ng mga kalat, nagma-mop ng sahig, taga-ligpit ng mga pinagkainan, pupunasan ang mesa, pinapakuha ng customer ng...... plastic for take-out, gravy refill, tissue, spoon at fork kung hindi naibigay ng counter, lead ng cup..... at kung anu-ano pa. kapag may spill naman taga-punas. in short maintaing the lobby clean all the time, though it's impossible na all the time, basta un ang goal. hehehe

CLOSING NG LOBBY- minsan sunud-sunod na araw na closing ng lobby... kahit matindi sa bakbakan ng paglilinis ng pagkalawak-lawak na lobby ay game pa din! ;)

counter- sa station na ito, masaya naman... kahit na minsan may di pagkakaintindihan lalo na pag rush hour, naku! pero in a positive way kahit rush at taranta na, enjoy pa din ang mga crew at masaya. makakasalamuha mo ang iba't ibang personality ng customer, kung anu-ano man un... hehehe, secret nalang.  may customer na ok lang, may customer naman na friendly, may customer na masungit, kahit ganun pa man maintain cheerfulness, and bawal magsungit.

natutuwa ako kasi, hindi ako nasho-short ng malaki sa cash handling, hindi rin nao-over ng malaki. maging ganun man lang performance ko sa counter, achievement na sa akin. marami akong void or cancel, kung maari sana wag magvoid pero hindi maiiwasan... pero game akong mag-void huwag lang ma-over at maa-short. hehehe

CLOSING NG COUNTER- may mga times din na ito ang station ko.... masaya. unm lang masasabi ko.

hindi ko pa na-try  sa production area, pero soon... masusubukan ko din....

ako as a counter...


FOR DELIVERIES: tawag na sa.......


ito naman ang drive-thru


picture picture lang... hehe, pa-cute???? 
long hair pa ako niyan...


the team!!! ;)


ako kasali sa pageant??? woah!!!hehe


para sa kin, ang titulo ay tiulo lamang na sandali lamang sayo... at pagsali sa mga katulad nito, ay mga bagay na ineejnoy lamang.... it's not taking it seriously, kaya kahit manalo o matalo, in end you will go home happy, happy not beacuse you won the title but happy of winning an experience. 

sir maiah-tot!


ito si sir maiah, pinaka-makulit na manager... hehe, nakaktuwa ;) minsan mapang-asar pero.. oks lang nakakapag-pangiti pa din.. haha! wala ka na sir! mas matangkad nako sayo! hehehe, joke ;)

CHRISTMAS PARTY




i am very thankful that once in my life i have been part of the team- McDonald's La Trinidad team. now, that i will stay for only a week... super thankful ako, it feels sad that i will be leaving them. ma-trasfer na kasi ako sa ibang branch. there is nothing more comparable staying at La Trinidad. napamahal na sakin ang management... ang mga crew at managers. whew! it really feels so sad. of course, i'll be transferred to another branch, it will take me a long time to adjust again.

November 23, 2011

walang bago

bihira akong mag-post sa blog ko, para kasing hindi naman exciting mga iku-kwento ko.. parang wala lang, atsaka wala akong maikwentong bongga. busy din kasi, kaya walang time...

ngayong araw na 'to, benguet day, kaya masaya ako kasi walang pasok dito sa amin... salamat! laking pasasalamat talaga! kasi naiistress na ako, at least may time magpahinga kahit kunti... ilang araw na kasi na 7pm-11pm duty ko sa trabaho, malayo pa inuuwian ko, sayang kung magta-taxi ako, kaya linalakad ko nalang pauwi... kaya pagdating sa bahay, knockout! tulog! tapos, kinabukasan papasok ako ng 7:30 ng umaga sa school tapos matatapos ang klase ng 5pm. grabe! kamusta naman daw ako sa lagay na 'yan di ba? hehehe.. kaya naman, madalas sa classroom, hindi ko maiwasang antukin, 'yong tipong kahit ayaw mo matulog sa klase at kahit ano'ng pilit mong gawin para hindi antukin, makakatulog at makakatulog ka talaga, hehehe, kakainis! =)

pero kahit walang pasok ngayon, tambak pa rin mga gagawin na mga requirement sa school, heeeiissssh... hmmm.. pero okay lang.

kahit mahirap, ineenjoy nalang para hindi lalong ma-stress diba... hehe, kahit na minsan, parang ayaw ko na, life must keep moving on, balang araw... magbubunga din ang mga pinaghihirapan...

at dahil walang pasok at trabaho ngayon, nasa bahay lang ako! yes! saya talaga.... ito picture picture muna.. para maiba naman, at may mai-post na bago..


..pero hindi ako pa-cute sa lagay na 'yan. wala lang...sabi kasi ng makakarami, pa-cute daw ako, hehe maari nga pero hindi 'yon pilit na pa-cute.. ganun lang talaga... buti hindi masyado malaki eye bags ko 'jan, hehehe... natulog na kasi ako ng bonggang bongga, kaya full energy ulit... hehehe

November 05, 2011

Mr. & Ms. McDonald's La Trinidad 2011

masaya mag-trabaho sa mcdonald's la trinidad,super saya!!

October 20, 2011 sa ganap na alas otso ng gabi, naganap ang search for mr. and ms. mcdonald's la trinidad, isa ako sa mga candidate... sa talent portion, 'jan ako mahina... hindi kasi bihasa kumanta at sumayaw, o magpakita ng kahit ano na entertaining... problemado ako sa talent na gagawin ko, salamat nalang sa mga kaibigan ko sa pagturo ng steps na sasayawin ko kahit na tinatawanan ako dahil ssooooooooooooobrang tigas ng katawan ko sa pagsayaw, ilang oras nalang ang binibilang at pageant na, hindi pa ako nakapag-handa, sabi ko sa sarili ko "bahala na", kung makalimutan ko man 'yong step tuloy pa din dapat sa pagsayaw...

ayun! at pageant na, salamat kay roxanne na kaibigan ko sa pag-make-up sa akin, (hindi kasi ako marunong mag-make-up) at pagsama sa pagbili ng isusuot kong sapatos (ssshhhhhhhh.... secret lang natin ha? P30 lang sa wagwagan sinuot kong shoes, hehehehe, pero i am proud c"]) buti nalang andun mga kaibigan ko na sumoporta sa akin, may pinaghuhugutan ako ng lakas ng loob, at tiwala sa sarili kaya laking pasasalamat ko sa mga PEHMA friends ko, salamat! kung wala sila hindi ako magiging smiling doon, malamang nakasimangot ako. at sa pageant na ito, ipinakita ko lang kung ano ako. manalo man o matalo, oks na oks pa din sa akin!! :)

congratulations sa lahat! tunay na lahat ng candidate ay panalo... ang titulo, sash at korona ay simbolo lamanag, higit na mahalaga ang mga natutunan natin sa mga bawat pagkakataon katulad nito... it's more on learning, not winning.. if we win, thanks, if not, it's okay. that's life- we always learn.


ang pageant ay hindi sukatan ng pinakamaganda, pinakamatalino sumagot, pinakamagarbong suot, kundi pagpapakita kung sino tayo at kung ano tayo... may kani-kaniyang mga personalidad at pagkakaiba ang bawat isa, we are unique, yes! we're all unique at 'yun ang kagandahan.... ang pagkakaiba ng bawat isa.

muli salamat sa lahat!
SALAMAT from the bottom of my honest heart. at sa darating ms. mcdonald's baguio-banguet, nais ko'y ibigay ang makakaya ko para sa team mcdo trinidad kahit hindi pa ako handa sa talent na gagawin ko, hehehehe... just enjoy everything, what is important is learning.
Protected by Copyscape Online Copyright Protection Software