Showing posts with label ARTS. Show all posts
Showing posts with label ARTS. Show all posts

April 20, 2013

AVAILABLE


Painting posted are available. Some artworks are digitally framed for presentation purposes only unless otherwise specified. There may be slight differences in color in the actual work due to camera, and screen settings.

For inquiries, just email me at uberjessicalopez@gmail.com
Shoot it
22.5" x 27.5"
watercolor on paper
Bisikleta
10" x 15"
Acrylic on Board
"Titser"
22.5" x 27.5"
mixed media on paper
Happy Life
22.5" x 27.5"
Mixed media on paper
Shuffled Guitar
Mixed media
Glok Glok
17" x 18"
mixed media on paper
To the fullest
17" x 18"
mixed media on paper
Bungisngis
17" x 18"
mixed media on paper
"Logic Philo"
mixed media on paper


Abstract? Portrait? Landscape? Doodle? Mural paint? and more....
just email at uberjessicalopez@gmail.com

just sharing..... hehehe
credits to the author

 (so feel ko naman talaga???)

____________________________________________

Random Share:

-Tagal ko ng hindi nagpost dito sa blog, mag-iisang bwan na, buti at hindi naman kinalawang itong blog ko, hihihihihi. Kamusta naman po kayo? Kilala niyo pa ako? hehehe! Malamang alamang miss niyo na ako, hahah! 

-Awkward lang pag ang Prof mo na lagi ka nasasabon sa research last sem, eh like ng like sa pinopost sa FB.

-Sarap pilippitin ang dila ng mga taong hindi marunong panindigan ang mga sinasabi!

-Try and try..... until I can fly! hehe

'yon lang salamat sa pagbisita... balik po ulit kayo for more updates... please kung may artwork po kayo na gusto ipagawa, sa akin na lang, utang na loob, hahaha! Naghihirap ako. Hehehehehe!


February 22, 2013

JLo meets Baguio Masters

Febuary 21, 2013

Hindi ko malilimutan ang araw na ito, dahil naganap ang isang magandang pangyayari sa buhay ko, yun ay makilala ang mga Bantog na Artist dito sa Baguio City.

Nakilala personally si Kuya Julian, Kuya Dandel, at Edmund na nakikita ko lang mga obra nila sa fb, at hinahangaan sa pagpipinta ngayon nameet ko sila. Sobrang galing na mga artist. Masaya ako. And also Joyce :)

Edmund (violet shirt), Kuya Juls (grey jacket),JLo (red/pink shirt), Kuya Dandel (black jacket) and Joyce (pink jacket)


No words can express how thankful I am. Salamat na din sa libre, hihihihi xD
Babawe ako next time. 


First time ko ito. 


Until next time......

****

Kamusta blog people? hihihi xD
Kunting araw nalang matatapos na din ang semester. Saya much. Another chapter na naman. 

Take Care everyone.



October 17, 2012

Sembreak


Medyo mahaba-haba ang sembreak ngayon... Hihihi, masaya kahit papaano..

Nabibilib ako sa mga estudyante ng kaibigan ko kung saan nagpa-practice teaching na siya. At dahil sa arts ang subject nila, paggawa ng mask ang naging activity. Ang lupit sa galing at creative ng mga estudyante niya. Kaya ito pinakialaman ko ang mga nakolekta niyang masks, hihihi..




Ilan lamang yan sa mga gawa nila. Isa lang masasabi ko "MAHUSAY SILA" hehehe.

__________

Maiba tayo... Kasama ko ang friend (si Mary Grace) noong Monday pumunta kami sa COMELEC para magpa-register para maka-boto sa darating na halalan. Nadaanan namin ang isang bus station, tapos napansin niya ang "DONASYON NA ITO"



Donation for what? HEHE. Kaloka para saan naman iyang donasyon na yan? Kayo na bahala manghula kung ano.... :D
__________

At dahil sembreak na, may time na ulit para mag art art anek anek... yehey! hehehe. Yung tipong uubusin ko lahat ng pangkulay ko, yung pudpod na talaga, sagad sa pudpod.  Ito nagawa kong latest, self expression...


__________

LOMOART PHOTOS


Kung anu-ano na lang ang pinipicturan.. HAHA! Bakit ba, trip lang.


Ayun lang po muna. Happy sembreak to us! Hehe. at kung anu man ang pinagbi-busyhan niyo.. enjoy enjoy lang.. stay happy to be healthy. hihihi...




September 29, 2012

MOBILE photography

Nangangarap lang.. practice lang kung pwede maging photographer kahit sa cell phone lang. 
Paalala, hindi ako propesyonal.. pawang pampalipas oras lang. hihihi :)


1. Kalye sa La Trinidad.


2. Isang puno sa UP Diliman.


3. Ang pakikipagsapalaran ng maglalako.


4. Kaysarap mabuhay.

5. Saan ako dadalhin ng aking kariton.


6. Masayang yakap ng himig ng umaga sa BSU.



7. Isang araw sa kalsada ng ka-Maynilaan.




8. Palow da lider.  



9. Walang paksa



10. Kampana.




 11. Baguio Cathedral.



12. Buhay siyudad.



Ayun lang muna sa ngayon... 

MABUHAY!!!



August 19, 2012

Weird...


Bata pa lamang ako, gusto ko pag college ako fine arts ang kurso ko, (mga 7yrs old ako) hindi ko alam kung bakit, at hindi ko rin alam kung san ko napulot ang fine arts na kurso... ni hindi ko din alam na mahilig ako sa arts (ano ito automatic????) Weird lang ano... akoy nawiwirduhan talaga. hehehe!

PS: naalala ko lang, bakit boy cut ang buhok ko noong bata ako? Nakow! Si antie talaga alam naman na babae ako eh, pinagupit ako ng ganyan! Hehehe :)

August 17, 2012

Hindi Parehas


lumang art... 
magkahawig man, wala talagang magkaparehas na nabubuhay sa mundo... 

may mga ginuguhit ako ngayon pero hindi pa mai-scan.. excited na akong ipost. hohoho 

August 15, 2012

Nasaan ka Itay??

Pastel on paper
©2010
by: jessica lopez

Kamusta ka kaya ang tatay ko? Bigla ko lang siyang naisip, kamusta na kaya siya?

Wala akong tatay kasamang lumaki. Wala din ako kapatid. Malungkot. Wala din si nanay sa piling. Lagi ko inaasam na sana may tatay ako, na kasama ko... nananabik sa yakap ng isang ama. Lagi ko siya iniisip lalo na noong bata pa ako.. inaasam na sana makasama ko siya. Nakakalungkot lumaki ng walang ama sa tabi, pero masasanay din, pero minsan aabutin pa ng taon para gamutin ang sakit at pait na hindi ka man lang pinaranas sayo na may kinikilala kang ama.

Pero ang mga pangrap na maramdaman may ama ako ay naging malayo sa realidad hanggang sa nasanay ako na wala na siya, at tuluyang kalimutan. Ngayon, hindi ko na siya miss... bigla ko lang siyang naisip. At dahil sa produkto ako na "WASAK NA TAHANAN" (wasak talaga eh noh???) hehe. Gumawa ako ng sarili ko adbokasiya... naisip ko lang sanhi ng matinding lungkot na naranasan ko noon. hehehe, (ang drama ng post UBER!!! parang hindi na ako sanay mag-drama at mag-emote tama na baka mag-iyakan pa tayo dito. HAHAHA) 

"Against Broken Home Advocacy" 

Sana lang lahat ng pamilya maging masaya at buo. (how i wish lang naman)
 
:P
 

August 02, 2012

ART sa tag-ulan

At dahil sa mahaba-habang bakasyon dahil sa bagyo... nasa bahay... masaya din kasi walang pasok pero nakaka-miss din ang school.

Painting ang pinagkabalahan ko... hindi naman bongga, pero okay lang... practice lang. 

ANG SUBJECT: "PUNO" 

Pinakialaman ng pinsan ko ang sketchpad ko... (sakanya? sakanya?) favorite niya puno, laging puno.. Eksakto naman sa panahon natin ngayon na bumabagyo ang puno! Ayon!



Ito ung paint niya... sorry poor quality lang ung camera (webcam lang) pero infairness, mgaling siya, lagi kaming hindi magkasundo at lagi nag-aaway, pero mukang nagkasundo kami sa "PUNO" hahaha. Puno lang pala... Natuto ako sa kanya. Meron pa siya pinaint... as in, sabi ko sa mga ginawa niya pangit (pero deep inside natuto talaga) hehe, echos ko lang noh, baka lumaki ulo! hahaha.

 "ANG PUNO"
ni: Ronald Dacoroon




 "Against Broken Home"
ni jessica lopez



PICTURE PICTURE!!! wag ka na mahiya.. alam ko gusto mo din! hehehe 



AHAY.. pasimpleng ngiti ka pa eh??? wohoooooo!



...parang ayaw ko na talagang gumamit ng pastel, dahil nga sa magaling pinsan ko gumamit ng water color na-inspire tuloy ako na magwater color na din.. hehe. gaya gaya lang? ummm... basta ganun, kahit lagi kami nagkokontrahan at lagi nag-aaway, natuto din. SSSHHHH.. secret lang ha?? Buti na lang hindi niya binubuksan blog ko, nakow! kung hindi.... hehe :)

Protected by Copyscape Online Copyright Protection Software