Showing posts with label text. Show all posts
Showing posts with label text. Show all posts

August 25, 2011

Lintik!

“There are no secrets to success. It is the result of preparation, hard work learning from failure.” General Colin Powell


 minsan, malaking tulong ang pagbabasa ng mga "quotes" o wisdom ng iba, nang sa gayon magkaroon tayo gaan ng loob lalo na kapag mabigat ang ating pakiramdam sa mga bagay na nangyayari sa buhay natin.... 

minsan parang gusto ko na sumuko, hindi ko alam....  pero kung susuko ako, paano na ang bukas... ibig sabihin talo ako... ang buhay ay paghihirap... naniniwala naman ako doon, sino nga ba ang hindi nakakaranas? lahat tayo may mga kani-kaniyang kwento ng ating saloobin sa mga paghihirap na dinaranas natin..

masyado na naman ako nagpapaapekto sa mga nangyayari sa buhay ko... kung maari sana ayaw ko na ng emo mood. bakit? dahil gusto ko na sana baguhin ang pananaw ko sa buhay na lagi masaya at laging postive, para positive din ang resulta. mananatili na lamang ba sa malungkot, siyempre hindi. pero kapag andiyan na si problema, hindi maalis ang malungkot at mamoblema. nakakainis, ayaw ko na sana ng mga saloobing ganito, dahil paulit-ulit na lamang, puro kadramahan!


  .
LINTIK . NAMAN. OH!


August 02, 2011

isnatch

papunta ako magpapa-photocopy sa hindi ko naman alam ang tiyak na pupuntahan.. naglalakad ako malapit sa paradahan ng jeepney namin galing city hall.. masikip, siksikan, ang daming tao!  habang ganito ang eksena, busy ako nakikipagkuwentuhan sa kasama ko, ang aking kaibigan, si mary grace.

nakarating kami sa "maharlika" isang kilalang establisyimento dito sa baguio city, napadaan kami sa isang bentahan ng mga cellphone accessories, may photocopy machine din sila, kaya huminto kami.. nang tanungin ko ng kaibigigan ko kung magkano ang ear phone ng cell phone niya, doon ko naalala icheck ang cell phone ko.. aba! kinapa ko na bulsa ng jacket ko, wala! kinapa ko bulsa ng pantalon ko, wala din! OMG! kinabahan ako... kinalkal ko bag ko, wala din!! aaaaaaaaaaaahhhh! cell phone ko na-snatch!!! wala na ako nagawa. ahuhuhuhu!!!!

July 04, 2011

break na kami ng number ko :((

"may mga bagay na nais tayo na sana nagtatagal sa atin.. 'yong tipong hindi na tayo magpapalit pa, pero kapag lumipas ang panahon mawawala din pala"

January 1, 2010, bagong taon bagong number.... parang boyfriend, lagi ko kasama kahit saan ako magpunta, kahit sa pagtulog katabi ko... kapag kailangan ko magtext nariyan siya palagi. malayo-layo na rin ang pinagsamahan.
09089175418

at ngayon July 4, 2011 dumating na sa punto na kailangan ko na ito isuko... nakakalungkot man siguro nga'y mas maganda pa ang papalit, kaya hindi dapat ako malungkot kung hindi ko na ito magagamit, sa mga mensaheng na nasa inbox nito ay dala ang mga alaalang nagbigay kasiyahan at kalungkutan sa akin...

masasabi ko lang...
  SALAMAT NG MARAMI :)) 


December 23, 2010

Cell phone ko

Minsan kapag may makakita ng cell phone ko, sinasabing wow jes ang ganda naman ng cell phone mo. Hehe, care ko? alam ko ubod ng ganda at sobrang latest ito. Sa jeep, walang hiya ko itong linalabas at nagte-text ako, ano naman kung maganda cell phone ng katabi ko,basta may cell phone, kahit pang nineteen kopong-kopong pa 'yan. Napagiiwanan man sa gudget, at least may nagagamit.


Napakaluma na nga ng cell phone na 'yan, madalas pa ang topak, nagagamit nga pero nakakainis na kaya madalas ko ibato. Ayos ah, parang basura lang, mabilis malowbat, nakakainis, charge nalang ng charge, sa inis, ibinabalibag ko 'yan, hanep ano?! wow, gumagana pa naman. Ganun pa man may hangganan din naman, sa badtrip ko I totally wrecked it para matapos na. Oha! 'yan wala na, eh di tapos! Makiki-text ka? Sure. =)
Protected by Copyscape Online Copyright Protection Software