October 28, 2012

Halloween

Hello... Kamakailan, isang araw sa buhay ko ang nabagot... wala na akong ibang alam na maari kong gawin kundi ang magpicture. Magdamagang picture. Vain lang? HAHA


Picturin ang sarili ng maraming beses, yes tama! Paulit-ulit (hindi ako nagsasawa sa face ko) HAHAHA. Bakit ba. 



Minsan minsan lang naman ito, kaya pagbigyan niyo na ako. Hehehe.


Pero sa kapipicture nagsawa din ako. Promise. Hehehe. Trip lang naman. Hindi ko pala kaya umabot sa 1000 ang pics na pare parehas ang suot, venue... and whatsoever. :D 


Sakto malapit na halloween, sana'y natakot ko kayo. MOOOOO! Andito na ang multo. (Corny ko)

October 25, 2012

Chika Gang

Maraming salamat sa mga nakibasa at nag-iwan ng comment sa award award post. Thank you and welcome. Abot hanggang tenga ang ngiti ko sa mga comments niyo (nakakatuwa lang talaga)

Ilang araw akong nasa Pangasinan since nung last post ko na AWARD AWARD. Jusme! Hindi ko pa ata ako tapos ipaalam sa mga tinag ko na tinag ko sila, lalarga na daw kami. Kaya wala na ako nagawa. Hihihi, kaya naging tahimik muna ang aking FB, Twitter at blog. Hindi dahil tinatamad ako, wala connection eh. Dun sa amin sa Pangasinan malayo pa sa computer shop, mga 2kms pa siguro para makapag internet sa mga computer shop. Tsaka ang init init, masusunog ang maitim kong kutis.  Tsaka ayaw kong lumabas at mamasyal doon, ang dami kasi mga "chikka gang"/ tambay. Nakakahiya dumaan.

Yung mga chikka gang sila ung mga tambay sa tapat namin. Wala na ata sila ibang ginawa sa buhay nila kundi ang umupo sa gilid ng kalsada at bilangin ang mga dumadaang tricycle. Atar lang. Kasi paggising sa umaga, andun na sila, ang aga aga nagku-kuwentuhan... tapos tinitignan nila ung mga kilos ko/namin. Kapag aalis ka ng umaga, andun sila nakatambay kapag dadaanan mo sila lahat ng mata nila nakatingin sayo (badtrip lang) artista ba ako? CHOS! hehehe. Tapos paguwi sa hapon andun pa din sila.... sus marya ginoo! May iba nagkukutuan. May nangungulangot. May inaamoy ung kili-kili.

Sa kasalukuyan balik Baguio City muna, hihihi.. kinuha ko ung grade ko. Yes! Pasado lahat, pero nalungkot lang kunti kasi hindi masyadong mataas grades. Hindi din naman mababang mababa. Sakto lang. hihihi. Enrollment na naman... wew! Saya saya.

Ang bait ng pinsan ko sabi niya pagkagaling ko sa Pangasinan, sabi niya mukha na daw ako probinsyana... Ang itim itim ko na kasi lalo. (ang sweet niya talaga ever).

October 19, 2012

AWARD AWARD

Masaya ako nang makatanggap ng awards (Versatile Blog Award) mula kay Ms. Balut The Lucky Blog. Patawad at matagal ako nakapag-respond :D hihihi


"Not only a blogger but a great artist as well"

"Thank you so much Ma'am for this award, na-appreciate ko po ng sobra. Isa ka po sa mga hinahangaan ko sa blog." 

7 RANDOM THINGS:

1 Music lover ako, mahilig ako sa music, OO.. pero ang music love ba ako? Yan ang hindi ko alam. HAHAHA. Trying hard pero slowly learning.

2. Frustrated campus journalist. Minsan na akong naging bahagi ng school publication pero nahinto. Wala daw kasi akong mapapala (sabi ng antie ko) mag-aral na lang daw ako. HAHA.  Bitter lang. True, but you can't escape what you love doing. HAHA. I miss this school publication The Mountain Collegian

3. Tahimik ako, pero madalas nilang napapansin (family, friends.... at kung sinu-sino pa) madalas daw malalim ang iniisip ko. Echos lang, maingay din pero madalas kasi tahimik ako. Period.

4. Isnabera daw ako? Sorry naman lumalabo na mata ko. Sorry minsan makasalubong man kita at hindi kita napansin, don't get me wrong, kelangan ko na talaga ng eye glasses... (kaya ganun na lang kalaki fonts ng letters ng blog ko) and sometimes may sariling mundo kasi. HAHA

5. Excited na ako ma-experience magturo (excited talaga?) kahit sa practice teaching lang... HIHIHI. I just see muself teaching, eh un naman course ko eh.

6.Trip kong maglakad at mamasyal kahit saan saan dito sa amin, yung lakad lang ng lakad.

7. Inis ako sa mga taong sobrang ingay (minsan minsan)... yung tipong maingay na walang laman? Tapos hindi nakikinig, salita lang ng salita... hehehe (peace sa mga ganito)

_________

Recently natanggap ko tumatanginting na Liebster Blog Award mula kay Gorgeous Arline of the Pink Line.



"Thank you ate... :) Maraming salamat, hindi lang pala marami kundi milyun-milyong salamat (OA lang?? hihi) Love you ^_*"

To pass on the Liebster Blog Award, here's what you should do:

1. Answer my 11 "getting-to-know-you-better" questions
2. Think of questions of your own.
3. Choose 11 worthy bloggers who have fewer than 200 followers to interrogate and pay it forward.

Katuloy ng random things:

8. Ang OTR ko sa school ay may record linyang 1, 2, 3, INC, DRP at mahiwagang 5 (kumpleto yan ha)

9. I value friendship.

10. My relationship status now is "it's complicated" hehehe. Um, both of us are single right now (Bf), but committed with each other (complicated nga diba)

11. The Lord Jesus is my wisdom, my strength, my provider, my GOD.

Ito ang mga sagot ko kay ate Arline

1.What do you think is the best thing about blogging?
  • The best thing in blogging is that a blogger is free to express his/her own thought, opinions... or anything under the sun. 
2. Who do you admire in blogging and why?
  • I admire many bloggers, for every blogger is unique. Those in my "PEYBORIT TAMBAYAN" on my side bar are some. 
3. Whose blogspot you were always excited to read and why?
4. What is your dream job?
  • Aside from teaching, I want to be known as an artist, as simple as that. I want to become like BenCab, a National Artist... weeee! (wag kayo kumontra)

5. Name 3 things you have or would have on your bucket list
I wish to have:
  • DSLR Camera
  • Laptop
  • Art Gallery

6. Mountain climbing or island hopping?
  • Mountain climbing

7. What is your favorite movie quote?
  • None. Hehe, sorry.

8. If your going to be half a million richer by winning the lottery what's the first thing you would buy?
  • I will give it away to people who needs it most. Kung anuman ang matira I will spend that for my family and self. Money can't buy happiness.

9. If you could live anywhere besides where you do now, where would it be? 
  • Anywhere in the Cordillera, wherein culture of Igorots are still practiced.

10. If given all the resources, what kind of business would you want to establish and why?
  • I just wanna make business out of arts (paintings, crafts... etc...) or coffee shop for coffee lovers.

11.Describe yourself in two words
  • Super
  • Simple


And I pass this to award to fifteen 8 fellow blogger....It's hard to choose but here are the bloggers:

1. McRich of * blissfully RICH *
2. Weight of Gravity of extraordinarygravity
3. Sherene of Our Jouney
5. Theo of Theo's Casanova
6. Rosemarie of ~Bo0k 0f My Life~
7. Inong of Kumunoy
8. JH Alms of salaula sa tinta

Sorry hindi na kinaya ng powers ko para sa fifteen. Sorry Ma'am Balut, mwuahugs!

Here are my questions for you (parang slam book lang ang mga tanong)

1. What is your name? (full name)
2. What inspires you to blog?
3. What is your happiest moment in life?
4. What is your greatest challenge in life, how did you overcome problems?
5. Do you find my blog interesting?
6. Movie marathon or sound trip?
7. When was the last time you cry, what was the reason?
8. What is you motto/ philosophy in life?
9. What is your favorite hobby?
10. Who is your favorite blogger, why?
11. What can you say to me? (anything)


Congratulations and may the good Lord bless you always. 

Sa mga hindi nai-tag don't be sad, huwag kayo magtatampo... it's either nai-tag na kayo, or marami na kayong fans, este followers. Hehe. Let's keep in touch always. I LOVE Y'ALL.

MUWAAAAAAH! MHWAH chup chup! :-*


October 17, 2012

Sembreak


Medyo mahaba-haba ang sembreak ngayon... Hihihi, masaya kahit papaano..

Nabibilib ako sa mga estudyante ng kaibigan ko kung saan nagpa-practice teaching na siya. At dahil sa arts ang subject nila, paggawa ng mask ang naging activity. Ang lupit sa galing at creative ng mga estudyante niya. Kaya ito pinakialaman ko ang mga nakolekta niyang masks, hihihi..




Ilan lamang yan sa mga gawa nila. Isa lang masasabi ko "MAHUSAY SILA" hehehe.

__________

Maiba tayo... Kasama ko ang friend (si Mary Grace) noong Monday pumunta kami sa COMELEC para magpa-register para maka-boto sa darating na halalan. Nadaanan namin ang isang bus station, tapos napansin niya ang "DONASYON NA ITO"



Donation for what? HEHE. Kaloka para saan naman iyang donasyon na yan? Kayo na bahala manghula kung ano.... :D
__________

At dahil sembreak na, may time na ulit para mag art art anek anek... yehey! hehehe. Yung tipong uubusin ko lahat ng pangkulay ko, yung pudpod na talaga, sagad sa pudpod.  Ito nagawa kong latest, self expression...


__________

LOMOART PHOTOS


Kung anu-ano na lang ang pinipicturan.. HAHA! Bakit ba, trip lang.


Ayun lang po muna. Happy sembreak to us! Hehe. at kung anu man ang pinagbi-busyhan niyo.. enjoy enjoy lang.. stay happy to be healthy. hihihi...




October 15, 2012

Trapik


Ang paglalakbay natin sa buhay ay tulad ng batas trapiko. Alam natin kung kailan maghahanda, tiitigil at magpapatuloy. Higit sa lahat ang sumunod sa batas.
___________________

Ito ay lahok sa 






Ang Kaibigang Plastik


“Hay, salamat at makakapagpahinga na ako” sabi ni plastik na napagod galing palengke kung saan pinaglagyan siya ng mga pinamili ni Nanay Ebang.

“Hello, ano’ng pangalan mo?” tanong niya kay Bibo na abalang naglalaro ng psp.

Napahinto sandali si Bibo “Ako si Bibo, ikaw ano naman pangalan mo?” Masayang sagot.

“Wala akong pangalan pero isa akong plastik” sagot ni plastik.

Ilang sandali lamang napagod na si Bibo sa paglalaro ng psp niya.

“Sawa na ako maglaro ng psp, tara pasyal tayo plastik? Bagot na yaya ni Bibo.

“O sige ba!” laking tuwa ni plastik.

Paglabas ng bahay nakasalubong nila ang isang plastik na sari-sari ang laman, mga pinagkainan at basura ng ibang tao. Napatakip ng ilong si Bibo.

“Kadiri!” sigaw ni Bibo.

Nagpatuloy sila sa paglalakad. Nakasalubong nila ang maraming plastik, may plastik na ang laman ay libro, may plastik na laman ay pagkain, prutas at gulay. Bitbit sila ng mga tao galing sa pamimili.

“Magandang araw sa inyo mga plastik” Masayang bati ni plastik sa kapwa plastiks.

Isang masaganang ngiti naman ang makikita sa masayang bati ni plastik sa kanila. Nakarating sila Bibo at plastik sa parke. Namangha si plastik sa ganda ng parke. Nakita niya masaya ang mga tao, nagtatawanan at napansin niya na nagsasalo sila sa mga pagkaing may plastik.

Nagulat si plastik ng makita niya ang isang bata na pagkatapos kumain ng chis kurls ay itinapon sa hindi tamang tapunan ng basura. Nakita niya ang isang babae na, linukot-lukot niya ang mga plastik niya at iniwang nakakalat sa gitna ng daan. “Bakit ganoon sila?” Tanong ni plastik sa sarili.

“Okey ka lang plastik?” Tanong ni Bibo.

Hindi kumibo si plastik at nagpatuloy silang maglakad at mamasyal. Napadaan sila sa isang ilog at nakita niya ang isa pang kapwa plastik na bulok na at hindi na magagamit pa na palutang-lutang. Naiiyak na si plastik sa mga nakikita niya.

Tara meryenda tayo plastik?” sabi ni Bibo.

“Salamat pero hindi ako gutom” sagot ni plastik.

Habang nagpapahinga sandali, napatanong si plastik kay Bibo. “Bakit ganoon Bibo? Pagkatapos pakinabangan itatapon na lang kami kung saan-saan. Itatapon mo din ba ako kapag hindi mo na ako kailangan?”

Hindi kumibo si Bibo, pero ramdam niya ang nais ihatid ng mga tanong ni plastik sa kanya. Nagpatuloy lang sa pagmemeryenda sa Bibo.

Mamaya-maya, unti-unting pumapatak ang ulan. Umuwi na sila plastik at Bibo. Unti-unting lumalakas ang ulan at pumunta sa ulo ni Bibo si plastik para proteksiyunan ang ulo nito sa patak ng ulan. Nagagalak si plastik, dahil natutulungan niya si Bibo. Biglang lumakas ang hangin at naihangin si plastik, hindi na siya nagawang habulin ni Bibo dahil malakas na talaga ang ulan.

Ilang araw na umuulan sa lugar nila Bibo at hindi napigilang bumaha. Nagkalat si plastik sa baha, kasama pa ang milyun-milyong plastik.

“Inay hanapin natin si plastik” sambit ni Bibo

“Naku bata ka binabaha na nga tayo, basura na ‘yon!” wikang sagot ni nanay Ebang.

Nagdasal si Bibo na maging ligtas si plastik. Pagkatapos ng sakuna, muling sumikat ang araw. Marami ang nawalan ng tahanan, kabuhayan at minamahal sa buhay.

Habang abala ang lahat ayusin at linisin ang mga nasirang ari-arian at bahay. May narinig silang tinig.

“Pagkatapos ninyo kaming gamitin, itatapon niyo na lamang kami ng basta-basta. Wala kayong malasakit sa kalikasan ninyo. Kung hindi dahil sa inyong kapabayaan hindi mangyayari sa inyo ito” wika ni plastik.

Tila misteryo sa pandinig ng mga residente ang narinig, hindi nila alam kung saan nanggagaling ang mga salita.

Natagpuan ni Bibo ang kaibigan niyang si plastik na natabunan ng mga basura, mabaho at punit punit na.

Okey ka lang plastik?”

Hindi na nagsasalita pa si plastik.

“Plaaaaaastiiiiiiik!” Iyak ni Bibo.

Pagkatapos marinig ng mga residente ang mensahe galing kay plastik nagbago na sila. Sa halip gawing basura si plastik, ginawa nila itong kabuhayan upang makatulong pamilya pati na rin sa kalikasan” 

___________________

Ito ay kalahok sa 





October 14, 2012

Salapi para sa karunungan


***Pagkilala***

Edukasyon ang tangi kong pag-asa nang mapadpad ako dito sa siyudad upang mag-aral. Ang ganda pala dito, ang mga matatayog na establisiyimento ay kasing taas ng aking mga pangarap.

Hindi ako tulad ng iba na may bagong sapatos, hindi din ako nag-uumapaw sa gamit ng makabagong teknolohiya. Ano’ng tawag na ba dun sa may kausap ka na parang karton na kasing laki ng TV na patag, tapos may makikita kang larawan? Nakakain ba ang twitter? Ano naman lasa? Ano’ng magandang tanawin sa peysbuk? Pasyalan ba ang youtube? Saan matatagpuan ang computer shop? Nakakamangha naman dito sa siyudad.

Ako’y galing sa aming baryo, ubod ng layo sa kabihasnan. Doon sa amin, munting lampara ang nagsisilbing ngiti na nagbibigay liwanag sa mapayapang gabi. Halos bukid ang makikita sa amin. Masaya ang bawat isa. Tanging mga pananim ng gulay sa bakuran ng bahay namin ang ikinabubuhay ng aming pamilya. Kinukulang man, sa paraang ito natutustusan naman ang aming pangangailangan sa araw-araw. Mahirap lamang kami, at hindi kaya ng aking mga magulang na magpatuloy pa ako sa kolehiyo. Ganito pa man, pursigido ako na makaalis sa kahirapang aming tinatamasa.

***Lakbay sa Pag-aaral***

Mapalad ako na naging iskolar ng isang pulitiko sa amin. Bagamat tuition fee at boarding house ang kanyang babayaran, walang mapaglagyan ang aking saya dulot ng ito na ang unang hakbang para sa aking pangarap at para sa aking pamilya.

Hindi pa lamang nagsisimula ang paglalakbay ko bilang estudyante sa kolehiyo, tila kinakalaban na ako ng mga problema. Mahirap talaga kapag walang pera. Unang araw ng klase, sandamakmak na ang kailangan gastusan, ang pag-asa ko’y tila nababalot na lungkot. Nagbigay ang aking mga magulang, alam ko ang perang ipinadala nila ay kalakip ang pag-asang pagiibayuhin ko pa ang aking pag-aaral, ginamit ko ito ng tama kahit na may tumutukso sa akin na gimik daw kami Byerenes ng gabi.

Mukhang napag-iiwanan ako. Sa isang sabjek, may reporting. Manila paper at pentel pen ang ginamit ko upang italakay ang paksang naibigay sa akin. Ang lahat na sa mga klasmeyt ko, di pindot na lang at otomatik ng lumalabas ang paksang itatalakay naman nila. Ah, powerpoint pala ang tawag dun. Ganoon pa man, buong sikap kong ginawa ng mabuti ang report ko.

Sa research naman, sa silid-aklatan ako nagsasaliksik ng mga impormasyon at sulat kamay kong pinapasa sa butihin kong guro ang aking proyekto. Pinagtatawan pa nga ako ng mga klasmeyts ko dahil hindi kagandahan ang sulat ko. Lahat sila gumamit ng kompyuter, mas mabilis daw ito gamitin, payo pa nga nila na icopy paste ko nalang para hindi ako mahirapan tapos ipaprint, kesa nagpapakahirap ako magsaliksik sa silid-aklatan.

Habang ako’y nakikinig sa aming paksa sa matematiks, napansin ko halos karamihan sa mga klasmeyt ko ay abala sa pagpindot sa isang bagay na umiilaw. Nakasulat ang NOKIA… masuwerte sila may ganoon sila pero naaawa ako sa magulang nila.

Sa exam naman, nagtutulungan sila, hindi ba’t pagsusulit upang sukatin kung ano ang mga natutunan ng estudyante, eh bakit sila nagkokopyahan? Ganito man ang sistema, pinaghirapan ko pa din magbalik aral sa mga napag-aralan naming para may maisasagot ako sa aming pagsusulit, ayaw ko mangopya tulad nila. Gusto ko matuto sa  sarili ko.

Inaaya nila ako na kahit minsan daw ay makisabay ako sa kanila kumain, hindi ako sumasama dahil wala din naman ako pambili ng ikakarga ko sa nagugutom kong sikmura. Mas minabuti ko pa na magbasa na lamang sa silid-aklatan. Nagyaya pa nga sila ng inuman pero sabi ko salamat nalang.

***Paghahanap ng trabaho***

Sa ilalim ng mainit na panahon, naglalakad ako makarating lamang sa aking paroroonan. Hindi ko na iniinda ang bumabalot sa akin na usok galing sa tambutso ng mga sasakyan. Nakakagutom din, halos dumating na sa punto na hihimatayin na ako, gutom at pagod ang nadarama, ngunit hindi ako sumuko. Sa bawat hakbang, iniisip ko ang mga pangarap ko para sa aking pamilya.

Isang hapon, habang naglalakad pauwi galing eskwela, dinala ako ng aking mga paa sa isang restaurant at hindi ko mawari kung bakit. Nang makarating na ako doon, may nakapaskil “NOW HIRING , service crew”. Aba! Sabi ko sa sarili ko pwede ako dito. Dali-dali ako nagpasa ng bio data at ako’y sumalang sa interbyu. Ayos! Magsisimula na daw ako sa darating na Lunes. Kailangan kong gawin ito upang makatulong kina tatay at nanay.

***Pag-aaral at Trabaho***

Nang natikman  ko ang buhay ng may trabaho, hindi pala ito naging madali, ang hirap maging working student. Nag-aaral sa umaga, pagkatapos ng klase, deretso agad sa trabaho. Puyatan ito, kaya naman sa klase madalas na akong antukin, halos tumulo na nga laway ko sa sobrang himbing ng tulog ko. Buti na lang at sa likod ang upuan ko kaya hindi ako nahuhuli. Maraming nagbago, wala na ako naging panahon para magbalik-aral sa mga tinalakay sa klasrum, bumaba na ang mga marka ko. Wala na ako naging panahon para makisalamuha at makipagkaibigan. Umikot na ang buhay ko sa pag-aaral at trabaho.

Nakakapagod din pala. Pagkatapos ng klase makikita ako sa restaurant na pinapasukan ko. Paulit-ulit na bumabati ng “good evening ma’am, good evening sir” unlimited lang. Kahit pagod na kailangan suot pa din ang malaking ngiti abot hanggang tenga, upang hindi masita ng manager na sinisimangutan ko ang mga kustomers. Nagpupunas ako ng sahig, nagliligpit ng mga kalat ng mga lumamon sa restaurant, nagwawalis, nagtatapon ng basura, naglilinis ng CR na paulit-ulit na dinudumihan, kalilinis ko palang maya’t maya may ebak na naman na lumulutang at barado na naman. Minsan kahit ginawa na ang lahat ng makakaya maging maayos lang ang trabaho, minsan may mga nagrereklamo pang customer kung hindi nagustuhan ang serbisyo.

Kapalit ng pagtatrabaho ang salaping matatanggap mula sa pinapaguran, may maipangtustos lang sa gastusin sa paaralan at upang lagyan ng laman ang nagugutom na tiyan. Mas higit pa rin mainam magpundar ng kayamanan sa karunungan.

***Mga Aral***

Sa pamamalagi ko sa siyudad marami akong natutunan. Mga aral na hindi ko natutunan sa paaralan, ‘yan ay ang mga malulupit na karanasan sa buhay, ang aking mga kabiguan. Umusbong man ang karangyaan, ang karunungan pa din ang yaman na gawing pundasyon sa buhay, Ignorante man sa una, sa aking pagmamasid at pagtatanung-tanong, nalaman ko na ang twitter pala ay isang social networking site, katulad din ng youtube at peysbuk. Natuklasan ko na din kung paano gamitin ang internet para sa kaing mga asayment, ganoon pa man, ang saya na binibigay ng pagbabasa ng libro ay walang pa rin katulad.

Kahit anuman mundo ang kabilangan ko, Masaya at mananatili pa din ako, kung sino ako. Hindi ko kailangan mainggit sa ibang kabataan, kailangan ko maging mapagkumbaba sa lahat ng pagkakataon. Hindi ko kailangan sumabay at magpadala kung alam kong mali. Minsan hinikayat ako ng kaklase ko na gumamit at subukan ang ipinagbabawal na gamot, ngayon nasa bilangguan na siya. Ang klasmeyt ko naman na laging nagyayaya gumimik, hindi na muna magpapatuloy sa pag-aaral dahil sa siya ay buntis at malapit ng isilang ang kaniyang anghel.

***Tagumpay***

Apat na taon… ako’y pinagtawanan, minaliit, maraming paghihirap, nagutom, nagtrabaho, napagalitan, bumagsak, naglaway sa klase, naging mangmang. Tanong ko sa sarili ko, kung sumuko ba ako may mangyayari kaya sa buhay at mga pangarap ko? Ang pamilya ko ang naging lakas ko sa bawat hamon na aking kinaharap.

Marso 28, 2008 sa entablado ng gym ng Unibersidad… habang kasalukuyang tinatanggap ang diploma, hindi ko napigilan maluha. Lumingon ako sa pamilya ko na nanonood sa akin, nakangiti sila sa akin, hindi ko man narinig, naiguhit naman ng kanilang bigkas ang salitang CONGRATULATIONS.

***Wakas**


_____________________________________________

Ito ay lahok sa 




October 10, 2012

Cell phone camera

"Your first 10,000 photographs are your worst." 
Henri Cartier-Bresson



Mga pananim sa bakuran ng bahay! (tanim talaga?)




Ngayong darating na pasko sana magkaroon na ako ng camera (kahit dslr) HAHA! Seriously kahit cheap lang basta may magagamit, pangarap ko talaga magkaroon ng camera. Sa ngayon tiis muna sa cell phone na mababa resolution at blurred, may edit naman (hehehe). Pero hindi lang wish, sisikapin ko talaga magkaroon ng camera :D

October 07, 2012

Mary Grace

Scool year 2006-2007 second year high school pa lamang ako... wala pa gaanong muwang sa mundo... dalaga man sa dapat sa edad na 14 taon, eh uhugin pa din ako (pramiz) HAHAHA

Bago lamang ako sa school, bago din siya. ako galing Bonnex, siya sa Magnex. Ano ba kasi yun? Basta yun. Yung ano. Hindi namen kami close nun eh, 4th year high school naging classmate ulit kami. Dito mejo close na... hihihi...

Siya si Mary Grace Poliquit


Pati sa college parehas pa din tayo ng school.... Ang saya lang.
Kasalukuyang kumukuha siya ngayon ng  kursong Bachelor of Library and Information Science, 4th year.
Yehey! Ang saya.. mauna ka man na ga-graduate,I am so happy for you. Libre ka nalang sa unang sahod ng trabaho (hihi jokeness)

Ilang taon na rin mula nang landas natin nagkatagpo... hihihi.. hehehe (ang drama)
Maraming kalokohan na din ang nagawa, at marami ng tawa ang naitawa!

At dahil Bartdey mo ngayon... Binabati kita ng HAPPPPPY BIRTHDAY Brad... HUGS! hehehe. Wala ako gift eh, alam mo namang pulubi lang friend mo, hayaan mo... malay mo next birthday mo asensado na! Malay lang natin. Hehe. Malay lang natin?? 

HAPPY HAPPY HAPPY BIRTHDAY! Good luck sa OJE next sem. Tapos advance Happy graduation na din ano? Para sama sama na ang pagbati ko sayo! :D Love you friend.

October 05, 2012

Larawan mula sa Facebook
Malton Degyem

Finals na... at kamusta naman ang performance sa nakalipas na isang semester? Aba ewan... hihi, kung 3.0 lang naman ang grade sayang naman ang allowance, baka sabihin lang nagpapa-aral "nag-aral ka pa"... Eh panu kung yun naman nakayanan ng abilidad (kawawa naman, hihihi)

Ahaaa! This sem I am expecting higher than 3.0... um guess? 1.0? 1.25? Hihihi... Hindi ko naman talaga alam, lalo na't patapos na ang semeseter at shu shunga sunga pa din ako sa pagtugtog ng piano! At pagbabasa ng walang kamatayang notes... oh notes!

Larawan mula Facebook
Malton Degyem

HAHA! Ohws? Hindi nga? Ah kaya pala sa larangan ako ng pagiging guro napadpad kasi sa gwapo at magaganda kami! JOKENESS!! hehehe..

Nothing much to say. HEHE.

Mwah HUGS everyone! :-*

Protected by Copyscape Online Copyright Protection Software