Showing posts with label Saranggola Blog Awards. Show all posts
Showing posts with label Saranggola Blog Awards. Show all posts

October 15, 2012

Trapik


Ang paglalakbay natin sa buhay ay tulad ng batas trapiko. Alam natin kung kailan maghahanda, tiitigil at magpapatuloy. Higit sa lahat ang sumunod sa batas.
___________________

Ito ay lahok sa 






Ang Kaibigang Plastik


“Hay, salamat at makakapagpahinga na ako” sabi ni plastik na napagod galing palengke kung saan pinaglagyan siya ng mga pinamili ni Nanay Ebang.

“Hello, ano’ng pangalan mo?” tanong niya kay Bibo na abalang naglalaro ng psp.

Napahinto sandali si Bibo “Ako si Bibo, ikaw ano naman pangalan mo?” Masayang sagot.

“Wala akong pangalan pero isa akong plastik” sagot ni plastik.

Ilang sandali lamang napagod na si Bibo sa paglalaro ng psp niya.

“Sawa na ako maglaro ng psp, tara pasyal tayo plastik? Bagot na yaya ni Bibo.

“O sige ba!” laking tuwa ni plastik.

Paglabas ng bahay nakasalubong nila ang isang plastik na sari-sari ang laman, mga pinagkainan at basura ng ibang tao. Napatakip ng ilong si Bibo.

“Kadiri!” sigaw ni Bibo.

Nagpatuloy sila sa paglalakad. Nakasalubong nila ang maraming plastik, may plastik na ang laman ay libro, may plastik na laman ay pagkain, prutas at gulay. Bitbit sila ng mga tao galing sa pamimili.

“Magandang araw sa inyo mga plastik” Masayang bati ni plastik sa kapwa plastiks.

Isang masaganang ngiti naman ang makikita sa masayang bati ni plastik sa kanila. Nakarating sila Bibo at plastik sa parke. Namangha si plastik sa ganda ng parke. Nakita niya masaya ang mga tao, nagtatawanan at napansin niya na nagsasalo sila sa mga pagkaing may plastik.

Nagulat si plastik ng makita niya ang isang bata na pagkatapos kumain ng chis kurls ay itinapon sa hindi tamang tapunan ng basura. Nakita niya ang isang babae na, linukot-lukot niya ang mga plastik niya at iniwang nakakalat sa gitna ng daan. “Bakit ganoon sila?” Tanong ni plastik sa sarili.

“Okey ka lang plastik?” Tanong ni Bibo.

Hindi kumibo si plastik at nagpatuloy silang maglakad at mamasyal. Napadaan sila sa isang ilog at nakita niya ang isa pang kapwa plastik na bulok na at hindi na magagamit pa na palutang-lutang. Naiiyak na si plastik sa mga nakikita niya.

Tara meryenda tayo plastik?” sabi ni Bibo.

“Salamat pero hindi ako gutom” sagot ni plastik.

Habang nagpapahinga sandali, napatanong si plastik kay Bibo. “Bakit ganoon Bibo? Pagkatapos pakinabangan itatapon na lang kami kung saan-saan. Itatapon mo din ba ako kapag hindi mo na ako kailangan?”

Hindi kumibo si Bibo, pero ramdam niya ang nais ihatid ng mga tanong ni plastik sa kanya. Nagpatuloy lang sa pagmemeryenda sa Bibo.

Mamaya-maya, unti-unting pumapatak ang ulan. Umuwi na sila plastik at Bibo. Unti-unting lumalakas ang ulan at pumunta sa ulo ni Bibo si plastik para proteksiyunan ang ulo nito sa patak ng ulan. Nagagalak si plastik, dahil natutulungan niya si Bibo. Biglang lumakas ang hangin at naihangin si plastik, hindi na siya nagawang habulin ni Bibo dahil malakas na talaga ang ulan.

Ilang araw na umuulan sa lugar nila Bibo at hindi napigilang bumaha. Nagkalat si plastik sa baha, kasama pa ang milyun-milyong plastik.

“Inay hanapin natin si plastik” sambit ni Bibo

“Naku bata ka binabaha na nga tayo, basura na ‘yon!” wikang sagot ni nanay Ebang.

Nagdasal si Bibo na maging ligtas si plastik. Pagkatapos ng sakuna, muling sumikat ang araw. Marami ang nawalan ng tahanan, kabuhayan at minamahal sa buhay.

Habang abala ang lahat ayusin at linisin ang mga nasirang ari-arian at bahay. May narinig silang tinig.

“Pagkatapos ninyo kaming gamitin, itatapon niyo na lamang kami ng basta-basta. Wala kayong malasakit sa kalikasan ninyo. Kung hindi dahil sa inyong kapabayaan hindi mangyayari sa inyo ito” wika ni plastik.

Tila misteryo sa pandinig ng mga residente ang narinig, hindi nila alam kung saan nanggagaling ang mga salita.

Natagpuan ni Bibo ang kaibigan niyang si plastik na natabunan ng mga basura, mabaho at punit punit na.

Okey ka lang plastik?”

Hindi na nagsasalita pa si plastik.

“Plaaaaaastiiiiiiik!” Iyak ni Bibo.

Pagkatapos marinig ng mga residente ang mensahe galing kay plastik nagbago na sila. Sa halip gawing basura si plastik, ginawa nila itong kabuhayan upang makatulong pamilya pati na rin sa kalikasan” 

___________________

Ito ay kalahok sa 





October 14, 2012

Salapi para sa karunungan


***Pagkilala***

Edukasyon ang tangi kong pag-asa nang mapadpad ako dito sa siyudad upang mag-aral. Ang ganda pala dito, ang mga matatayog na establisiyimento ay kasing taas ng aking mga pangarap.

Hindi ako tulad ng iba na may bagong sapatos, hindi din ako nag-uumapaw sa gamit ng makabagong teknolohiya. Ano’ng tawag na ba dun sa may kausap ka na parang karton na kasing laki ng TV na patag, tapos may makikita kang larawan? Nakakain ba ang twitter? Ano naman lasa? Ano’ng magandang tanawin sa peysbuk? Pasyalan ba ang youtube? Saan matatagpuan ang computer shop? Nakakamangha naman dito sa siyudad.

Ako’y galing sa aming baryo, ubod ng layo sa kabihasnan. Doon sa amin, munting lampara ang nagsisilbing ngiti na nagbibigay liwanag sa mapayapang gabi. Halos bukid ang makikita sa amin. Masaya ang bawat isa. Tanging mga pananim ng gulay sa bakuran ng bahay namin ang ikinabubuhay ng aming pamilya. Kinukulang man, sa paraang ito natutustusan naman ang aming pangangailangan sa araw-araw. Mahirap lamang kami, at hindi kaya ng aking mga magulang na magpatuloy pa ako sa kolehiyo. Ganito pa man, pursigido ako na makaalis sa kahirapang aming tinatamasa.

***Lakbay sa Pag-aaral***

Mapalad ako na naging iskolar ng isang pulitiko sa amin. Bagamat tuition fee at boarding house ang kanyang babayaran, walang mapaglagyan ang aking saya dulot ng ito na ang unang hakbang para sa aking pangarap at para sa aking pamilya.

Hindi pa lamang nagsisimula ang paglalakbay ko bilang estudyante sa kolehiyo, tila kinakalaban na ako ng mga problema. Mahirap talaga kapag walang pera. Unang araw ng klase, sandamakmak na ang kailangan gastusan, ang pag-asa ko’y tila nababalot na lungkot. Nagbigay ang aking mga magulang, alam ko ang perang ipinadala nila ay kalakip ang pag-asang pagiibayuhin ko pa ang aking pag-aaral, ginamit ko ito ng tama kahit na may tumutukso sa akin na gimik daw kami Byerenes ng gabi.

Mukhang napag-iiwanan ako. Sa isang sabjek, may reporting. Manila paper at pentel pen ang ginamit ko upang italakay ang paksang naibigay sa akin. Ang lahat na sa mga klasmeyt ko, di pindot na lang at otomatik ng lumalabas ang paksang itatalakay naman nila. Ah, powerpoint pala ang tawag dun. Ganoon pa man, buong sikap kong ginawa ng mabuti ang report ko.

Sa research naman, sa silid-aklatan ako nagsasaliksik ng mga impormasyon at sulat kamay kong pinapasa sa butihin kong guro ang aking proyekto. Pinagtatawan pa nga ako ng mga klasmeyts ko dahil hindi kagandahan ang sulat ko. Lahat sila gumamit ng kompyuter, mas mabilis daw ito gamitin, payo pa nga nila na icopy paste ko nalang para hindi ako mahirapan tapos ipaprint, kesa nagpapakahirap ako magsaliksik sa silid-aklatan.

Habang ako’y nakikinig sa aming paksa sa matematiks, napansin ko halos karamihan sa mga klasmeyt ko ay abala sa pagpindot sa isang bagay na umiilaw. Nakasulat ang NOKIA… masuwerte sila may ganoon sila pero naaawa ako sa magulang nila.

Sa exam naman, nagtutulungan sila, hindi ba’t pagsusulit upang sukatin kung ano ang mga natutunan ng estudyante, eh bakit sila nagkokopyahan? Ganito man ang sistema, pinaghirapan ko pa din magbalik aral sa mga napag-aralan naming para may maisasagot ako sa aming pagsusulit, ayaw ko mangopya tulad nila. Gusto ko matuto sa  sarili ko.

Inaaya nila ako na kahit minsan daw ay makisabay ako sa kanila kumain, hindi ako sumasama dahil wala din naman ako pambili ng ikakarga ko sa nagugutom kong sikmura. Mas minabuti ko pa na magbasa na lamang sa silid-aklatan. Nagyaya pa nga sila ng inuman pero sabi ko salamat nalang.

***Paghahanap ng trabaho***

Sa ilalim ng mainit na panahon, naglalakad ako makarating lamang sa aking paroroonan. Hindi ko na iniinda ang bumabalot sa akin na usok galing sa tambutso ng mga sasakyan. Nakakagutom din, halos dumating na sa punto na hihimatayin na ako, gutom at pagod ang nadarama, ngunit hindi ako sumuko. Sa bawat hakbang, iniisip ko ang mga pangarap ko para sa aking pamilya.

Isang hapon, habang naglalakad pauwi galing eskwela, dinala ako ng aking mga paa sa isang restaurant at hindi ko mawari kung bakit. Nang makarating na ako doon, may nakapaskil “NOW HIRING , service crew”. Aba! Sabi ko sa sarili ko pwede ako dito. Dali-dali ako nagpasa ng bio data at ako’y sumalang sa interbyu. Ayos! Magsisimula na daw ako sa darating na Lunes. Kailangan kong gawin ito upang makatulong kina tatay at nanay.

***Pag-aaral at Trabaho***

Nang natikman  ko ang buhay ng may trabaho, hindi pala ito naging madali, ang hirap maging working student. Nag-aaral sa umaga, pagkatapos ng klase, deretso agad sa trabaho. Puyatan ito, kaya naman sa klase madalas na akong antukin, halos tumulo na nga laway ko sa sobrang himbing ng tulog ko. Buti na lang at sa likod ang upuan ko kaya hindi ako nahuhuli. Maraming nagbago, wala na ako naging panahon para magbalik-aral sa mga tinalakay sa klasrum, bumaba na ang mga marka ko. Wala na ako naging panahon para makisalamuha at makipagkaibigan. Umikot na ang buhay ko sa pag-aaral at trabaho.

Nakakapagod din pala. Pagkatapos ng klase makikita ako sa restaurant na pinapasukan ko. Paulit-ulit na bumabati ng “good evening ma’am, good evening sir” unlimited lang. Kahit pagod na kailangan suot pa din ang malaking ngiti abot hanggang tenga, upang hindi masita ng manager na sinisimangutan ko ang mga kustomers. Nagpupunas ako ng sahig, nagliligpit ng mga kalat ng mga lumamon sa restaurant, nagwawalis, nagtatapon ng basura, naglilinis ng CR na paulit-ulit na dinudumihan, kalilinis ko palang maya’t maya may ebak na naman na lumulutang at barado na naman. Minsan kahit ginawa na ang lahat ng makakaya maging maayos lang ang trabaho, minsan may mga nagrereklamo pang customer kung hindi nagustuhan ang serbisyo.

Kapalit ng pagtatrabaho ang salaping matatanggap mula sa pinapaguran, may maipangtustos lang sa gastusin sa paaralan at upang lagyan ng laman ang nagugutom na tiyan. Mas higit pa rin mainam magpundar ng kayamanan sa karunungan.

***Mga Aral***

Sa pamamalagi ko sa siyudad marami akong natutunan. Mga aral na hindi ko natutunan sa paaralan, ‘yan ay ang mga malulupit na karanasan sa buhay, ang aking mga kabiguan. Umusbong man ang karangyaan, ang karunungan pa din ang yaman na gawing pundasyon sa buhay, Ignorante man sa una, sa aking pagmamasid at pagtatanung-tanong, nalaman ko na ang twitter pala ay isang social networking site, katulad din ng youtube at peysbuk. Natuklasan ko na din kung paano gamitin ang internet para sa kaing mga asayment, ganoon pa man, ang saya na binibigay ng pagbabasa ng libro ay walang pa rin katulad.

Kahit anuman mundo ang kabilangan ko, Masaya at mananatili pa din ako, kung sino ako. Hindi ko kailangan mainggit sa ibang kabataan, kailangan ko maging mapagkumbaba sa lahat ng pagkakataon. Hindi ko kailangan sumabay at magpadala kung alam kong mali. Minsan hinikayat ako ng kaklase ko na gumamit at subukan ang ipinagbabawal na gamot, ngayon nasa bilangguan na siya. Ang klasmeyt ko naman na laging nagyayaya gumimik, hindi na muna magpapatuloy sa pag-aaral dahil sa siya ay buntis at malapit ng isilang ang kaniyang anghel.

***Tagumpay***

Apat na taon… ako’y pinagtawanan, minaliit, maraming paghihirap, nagutom, nagtrabaho, napagalitan, bumagsak, naglaway sa klase, naging mangmang. Tanong ko sa sarili ko, kung sumuko ba ako may mangyayari kaya sa buhay at mga pangarap ko? Ang pamilya ko ang naging lakas ko sa bawat hamon na aking kinaharap.

Marso 28, 2008 sa entablado ng gym ng Unibersidad… habang kasalukuyang tinatanggap ang diploma, hindi ko napigilan maluha. Lumingon ako sa pamilya ko na nanonood sa akin, nakangiti sila sa akin, hindi ko man narinig, naiguhit naman ng kanilang bigkas ang salitang CONGRATULATIONS.

***Wakas**


_____________________________________________

Ito ay lahok sa 




Protected by Copyscape Online Copyright Protection Software