***Pagkilala***
Edukasyon ang tangi kong pag-asa nang mapadpad ako dito sa siyudad
upang mag-aral. Ang ganda pala dito, ang mga matatayog na
establisiyimento ay kasing taas ng aking mga pangarap.
Hindi ako tulad ng iba na may bagong sapatos, hindi din ako
nag-uumapaw sa gamit ng makabagong teknolohiya. Ano’ng tawag na ba dun sa may
kausap ka na parang karton na kasing laki ng TV na patag, tapos may makikita
kang larawan? Nakakain ba ang twitter? Ano naman lasa? Ano’ng magandang tanawin
sa peysbuk? Pasyalan ba ang youtube? Saan matatagpuan ang computer shop?
Nakakamangha naman dito sa siyudad.
Ako’y galing sa aming baryo, ubod ng layo sa kabihasnan. Doon sa
amin, munting lampara ang nagsisilbing ngiti na nagbibigay liwanag sa mapayapang
gabi. Halos bukid ang makikita sa amin. Masaya ang bawat isa. Tanging mga
pananim ng gulay sa bakuran ng bahay namin ang ikinabubuhay ng aming pamilya.
Kinukulang man, sa paraang ito natutustusan naman ang aming pangangailangan sa
araw-araw. Mahirap lamang kami, at hindi kaya ng aking mga magulang na
magpatuloy pa ako sa kolehiyo. Ganito pa man, pursigido ako na makaalis sa
kahirapang aming tinatamasa.
***Lakbay sa
Pag-aaral***
Mapalad ako na naging iskolar ng isang pulitiko sa amin. Bagamat tuition
fee at boarding house ang kanyang babayaran, walang mapaglagyan ang aking saya
dulot ng ito na ang unang hakbang para sa aking pangarap at para sa aking
pamilya.
Hindi pa lamang nagsisimula ang paglalakbay ko bilang estudyante
sa kolehiyo, tila kinakalaban na ako ng mga problema. Mahirap talaga kapag
walang pera. Unang araw ng klase, sandamakmak na ang kailangan gastusan, ang
pag-asa ko’y tila nababalot na lungkot. Nagbigay ang aking mga magulang, alam
ko ang perang ipinadala nila ay kalakip ang pag-asang pagiibayuhin ko pa ang
aking pag-aaral, ginamit ko ito ng tama kahit na may tumutukso sa akin na gimik
daw kami Byerenes ng gabi.
Mukhang napag-iiwanan ako. Sa isang sabjek, may reporting. Manila
paper at pentel pen ang ginamit ko upang italakay ang paksang naibigay sa akin.
Ang lahat na sa mga klasmeyt ko, di pindot na lang at otomatik ng lumalabas ang
paksang itatalakay naman nila. Ah, powerpoint pala ang tawag dun. Ganoon pa
man, buong sikap kong ginawa ng mabuti ang report ko.
Sa research naman, sa silid-aklatan ako nagsasaliksik ng mga
impormasyon at sulat kamay kong pinapasa sa butihin kong guro ang aking
proyekto. Pinagtatawan pa nga ako ng mga klasmeyts ko dahil hindi kagandahan
ang sulat ko. Lahat sila gumamit ng kompyuter, mas mabilis daw ito gamitin,
payo pa nga nila na icopy paste ko nalang para hindi ako mahirapan tapos
ipaprint, kesa nagpapakahirap ako magsaliksik sa silid-aklatan.
Habang ako’y nakikinig sa aming paksa sa matematiks, napansin ko
halos karamihan sa mga klasmeyt ko ay abala sa pagpindot sa isang bagay na
umiilaw. Nakasulat ang NOKIA… masuwerte sila may ganoon sila pero naaawa ako sa
magulang nila.
Sa exam naman, nagtutulungan sila, hindi ba’t pagsusulit upang
sukatin kung ano ang mga natutunan ng estudyante, eh bakit sila nagkokopyahan?
Ganito man ang sistema, pinaghirapan ko pa din magbalik aral sa mga
napag-aralan naming para may maisasagot ako sa aming pagsusulit, ayaw ko
mangopya tulad nila. Gusto ko matuto sa sarili
ko.
Inaaya nila ako na kahit minsan daw ay makisabay ako sa kanila
kumain, hindi ako sumasama dahil wala din naman ako pambili ng ikakarga ko sa
nagugutom kong sikmura. Mas minabuti ko pa na magbasa na lamang sa
silid-aklatan. Nagyaya pa nga sila ng inuman pero sabi ko salamat nalang.
***Paghahanap ng
trabaho***
Sa ilalim ng mainit na panahon, naglalakad ako makarating lamang
sa aking paroroonan. Hindi ko na iniinda ang bumabalot sa akin na usok galing
sa tambutso ng mga sasakyan. Nakakagutom din, halos dumating na sa punto na
hihimatayin na ako, gutom at pagod ang nadarama, ngunit hindi ako sumuko. Sa
bawat hakbang, iniisip ko ang mga pangarap ko para sa aking pamilya.
Isang hapon, habang naglalakad pauwi galing eskwela, dinala ako ng
aking mga paa sa isang restaurant at hindi ko mawari kung bakit. Nang
makarating na ako doon, may nakapaskil “NOW HIRING , service crew”. Aba !
Sabi ko sa sarili ko pwede ako dito. Dali-dali ako nagpasa ng bio data at ako’y
sumalang sa interbyu. Ayos! Magsisimula na daw ako sa darating na Lunes.
Kailangan kong gawin ito upang makatulong kina tatay at nanay.
***Pag-aaral at
Trabaho***
Nang natikman ko
ang buhay ng may trabaho, hindi pala ito naging madali, ang hirap maging
working student. Nag-aaral sa umaga, pagkatapos ng klase, deretso agad sa
trabaho. Puyatan ito, kaya naman sa klase madalas na akong antukin, halos
tumulo na nga laway ko sa sobrang himbing ng tulog ko. Buti na lang at sa likod
ang upuan ko kaya hindi ako nahuhuli. Maraming nagbago, wala na ako naging
panahon para magbalik-aral sa mga tinalakay sa klasrum, bumaba na ang mga marka
ko. Wala na ako naging panahon para makisalamuha at makipagkaibigan. Umikot na
ang buhay ko sa pag-aaral at trabaho.
Nakakapagod din pala. Pagkatapos ng klase makikita ako sa
restaurant na pinapasukan ko. Paulit-ulit na bumabati ng “good evening ma’am,
good evening sir” unlimited lang. Kahit pagod na kailangan suot pa din ang
malaking ngiti abot hanggang tenga, upang hindi masita ng manager na
sinisimangutan ko ang mga kustomers. Nagpupunas ako ng sahig, nagliligpit ng
mga kalat ng mga lumamon sa restaurant, nagwawalis, nagtatapon ng basura,
naglilinis ng CR na paulit-ulit na dinudumihan, kalilinis ko palang maya’t maya
may ebak na naman na lumulutang at barado na naman. Minsan kahit ginawa na ang
lahat ng makakaya maging maayos lang ang trabaho, minsan may mga nagrereklamo pang customer
kung hindi nagustuhan ang serbisyo.
Kapalit ng pagtatrabaho ang salaping matatanggap mula sa
pinapaguran, may maipangtustos lang sa gastusin sa paaralan at upang lagyan ng
laman ang nagugutom na tiyan. Mas higit pa rin mainam magpundar ng kayamanan sa
karunungan.
***Mga Aral***
Sa pamamalagi ko sa siyudad marami akong natutunan. Mga aral na
hindi ko natutunan sa paaralan, ‘yan ay ang mga malulupit na karanasan sa
buhay, ang aking mga kabiguan. Umusbong man ang karangyaan, ang karunungan pa
din ang yaman na gawing pundasyon sa buhay, Ignorante man sa una, sa aking
pagmamasid at pagtatanung-tanong, nalaman ko na ang twitter pala ay isang
social networking site, katulad din ng youtube at peysbuk. Natuklasan ko na din
kung paano gamitin ang internet para sa kaing mga asayment, ganoon pa man, ang
saya na binibigay ng pagbabasa ng libro ay walang pa rin katulad.
Kahit anuman mundo ang kabilangan ko, Masaya at mananatili pa din
ako, kung sino ako. Hindi ko kailangan mainggit sa ibang kabataan, kailangan ko
maging mapagkumbaba sa lahat ng pagkakataon. Hindi ko kailangan sumabay at
magpadala kung alam kong mali .
Minsan hinikayat ako ng kaklase ko na gumamit at subukan ang ipinagbabawal na
gamot, ngayon nasa bilangguan na siya. Ang klasmeyt ko naman na laging
nagyayaya gumimik, hindi na muna magpapatuloy sa pag-aaral dahil sa siya ay
buntis at malapit ng isilang ang kaniyang anghel.
***Tagumpay***
Apat na taon… ako’y pinagtawanan, minaliit, maraming paghihirap,
nagutom, nagtrabaho, napagalitan, bumagsak, naglaway sa klase, naging mangmang.
Tanong ko sa sarili ko, kung sumuko ba ako may mangyayari kaya sa buhay at mga
pangarap ko? Ang pamilya ko ang naging lakas ko sa bawat hamon na aking kinaharap.
Marso 28, 2008 sa entablado ng gym ng Unibersidad… habang
kasalukuyang tinatanggap ang diploma, hindi ko napigilan maluha. Lumingon ako
sa pamilya ko na nanonood sa akin, nakangiti sila sa akin, hindi ko man
narinig, naiguhit naman ng kanilang bigkas ang salitang CONGRATULATIONS.
***Wakas**
_____________________________________________
Ito ay lahok sa
14 comments:
Nakakarelate ako sa post mo nato. Isa rin akong taga baryo lang dati at napadpad sa Maynila para magaral ng kolehiyo. Ganyan din ako nung aaral ako. Pero tsaga lang at lumukin lang ang mga sinasabi ng iba at hirap na dinaranas mo. Aasenso kadin. Tignan mo ako ngaun :) Maraming modelo jan na nagtagumpay. Teka sang skul kaba? dun kasi ako sa PUP :)
By the way good luck sa entry mo :)
xlink tau. Iadd kita sa blog roll ko :)
BRAVO!
Ipagdadasal ko na manalo ang entry na eto Jessica. Napaka-gandang aral ang hatid ng iyong mensahe.
At ipo-post ko pa eto sa peysbuk at twitter :)
hehe dame ko na nkikitang gento ha good lick sa entry mo ha aja
Mahusay! Kakaibang atake ang ipinakita mo sa entry mo. Kakaibang paglalakbay ang inilahad mo... at hindi lamang isang pamamasyal... Goodluck sa entry! magaling....
Kahanga hanga ang paglalakbay ang ginawa mo ^_^
Ang ganda ng post mo beh!
Na-touch ako at naluha ng very mild kasi alam ko na pinagdaanan mo talaga ang mga yan! Can't wait for the day na ga-graduate ka na sa kolehiyo..
I'm super proud of you bebe sis! Congrats dito at sana manalo kaw sa contest.. Mwaah! :D
:).. ako din unang sampa ko sa siyudad kala ko nkakain ang twitter.. hahaha. ang ganda ng entry mo.. goodluck!!:)
may hawig ba sa totong kwento ng buhay mo o ito mismo iyon?
hanga ako sa tibay ng loob ng taong nagsimula sa wala at lumaban ng patas sa hamon ng buhay. Nagtagumpay ng walang inaapakang magiging dahilan ng pagbaba ng iba.
bagamat matagal ng nangyari ito, hindi nawawala ang aral na ikinintal nito sa ating isipan.
magaling na akda, at gudlak po dine :)
I wish I could read that :(.
Follow each other.
Nakakalungkot pro nakaka inspire.
Sana magsilbing aral sa mga kabataang hindi pinapahalagahan ang privelehiyong kanilang sinasayang.
Sana manalo ka ading.
Inspiring. Dapat basahin ito ng mga modernong e-stupid-yante. Nadagdagan man ako ng isang taon sa kolehiyo, pero naramdaman ko din yan nung tinawag ang pangalan ko, umakyat sa entablado at inabot ang diploma ko. Ansarap sa pakiramdam. Sulit lahat ng pinagpaguran.
Good luck sa entry mo. Sana madami pa ang makabasa nito.
* Pareng Jay was here
Mukang malalim ang hinugutan mo dito. Mukang galing sa sariling karanasan ah.
Goodluck kabsat! XD
Very touching. Hope manalo ka. Naka relate di ako. Parang aking kahapon lamang in a different way:)
Post a Comment