“Hay, salamat at makakapagpahinga na ako” sabi ni plastik na napagod galing palengke kung saan
pinaglagyan siya ng mga pinamili ni Nanay Ebang.
“Hello, ano’ng pangalan mo?” tanong niya kay Bibo na abalang naglalaro ng psp.
Napahinto sandali si Bibo “Ako
si Bibo, ikaw ano naman pangalan mo?” Masayang
sagot.
“Wala akong pangalan pero isa akong plastik” sagot ni plastik.
Ilang sandali lamang napagod na si Bibo sa paglalaro ng psp niya.
“Sawa na ako maglaro ng psp, tara pasyal
tayo plastik? Bagot na yaya ni
Bibo.
“O sige ba!” laking tuwa ni
plastik.
Paglabas ng bahay nakasalubong nila ang isang plastik na sari-sari
ang laman, mga pinagkainan at basura ng ibang tao. Napatakip ng ilong si Bibo.
“Kadiri!” sigaw ni Bibo.
Nagpatuloy sila sa paglalakad. Nakasalubong nila ang maraming
plastik, may plastik na ang laman ay libro, may plastik na laman ay pagkain,
prutas at gulay. Bitbit sila ng mga tao galing sa pamimili.
“Magandang araw sa inyo mga plastik” Masayang bati ni plastik sa kapwa plastiks.
Isang masaganang ngiti naman ang makikita sa masayang bati ni
plastik sa kanila. Nakarating sila Bibo at plastik sa parke. Namangha si
plastik sa ganda ng parke. Nakita niya masaya ang mga tao, nagtatawanan at
napansin niya na nagsasalo sila sa mga pagkaing may plastik.
Nagulat si plastik ng makita niya ang isang bata na pagkatapos
kumain ng chis kurls ay itinapon sa hindi tamang tapunan ng basura. Nakita niya
ang isang babae na, linukot-lukot niya ang mga plastik niya at iniwang
nakakalat sa gitna ng daan. “Bakit
ganoon sila?” Tanong ni
plastik sa sarili.
“Okey ka lang plastik?” Tanong ni Bibo.
Hindi kumibo si plastik at nagpatuloy silang maglakad at mamasyal.
Napadaan sila sa isang ilog at nakita niya ang isa pang kapwa plastik na bulok
na at hindi na magagamit pa na palutang-lutang. Naiiyak na si plastik sa mga
nakikita niya.
“Tara meryenda tayo plastik?” sabi ni Bibo.
“Salamat pero hindi ako gutom” sagot ni plastik.
Habang nagpapahinga sandali, napatanong si plastik kay Bibo.
“Bakit ganoon Bibo? Pagkatapos
pakinabangan itatapon na lang kami kung saan-saan. Itatapon mo din ba ako kapag
hindi mo na ako kailangan?”
Hindi kumibo si Bibo, pero ramdam niya ang nais ihatid ng mga
tanong ni plastik sa kanya. Nagpatuloy lang sa pagmemeryenda sa Bibo.
Mamaya-maya, unti-unting pumapatak ang ulan. Umuwi na sila plastik
at Bibo. Unti-unting lumalakas ang ulan at pumunta sa ulo ni Bibo si plastik
para proteksiyunan ang ulo nito sa patak ng ulan. Nagagalak si plastik, dahil
natutulungan niya si Bibo. Biglang lumakas ang hangin at naihangin si plastik,
hindi na siya nagawang habulin ni Bibo dahil malakas na talaga ang ulan.
Ilang araw na umuulan sa lugar nila Bibo at hindi napigilang
bumaha. Nagkalat si plastik sa baha, kasama pa ang milyun-milyong plastik.
“Inay hanapin natin si plastik” sambit ni Bibo
“Naku bata ka binabaha na nga tayo, basura na ‘yon!” wikang sagot ni nanay Ebang.
Nagdasal si Bibo na maging ligtas si plastik. Pagkatapos ng
sakuna, muling sumikat ang araw. Marami ang nawalan ng tahanan, kabuhayan at
minamahal sa buhay.
Habang abala ang lahat ayusin at linisin ang mga nasirang
ari-arian at bahay. May narinig silang tinig.
“Pagkatapos ninyo kaming gamitin, itatapon niyo na lamang kami ng
basta-basta. Wala kayong malasakit sa kalikasan ninyo. Kung hindi dahil sa
inyong kapabayaan hindi mangyayari sa inyo ito” wika ni plastik.
Tila misteryo sa pandinig ng mga residente ang narinig, hindi nila
alam kung saan nanggagaling ang mga salita.
Natagpuan ni Bibo ang kaibigan niyang si plastik na natabunan ng
mga basura, mabaho at punit punit na.
“Okey ka lang plastik?”
Hindi na nagsasalita pa si plastik.
“Plaaaaaastiiiiiiik!” Iyak ni Bibo.
Pagkatapos marinig ng mga residente ang mensahe galing kay
plastik nagbago na sila. Sa halip gawing basura si plastik, ginawa nila itong
kabuhayan upang makatulong pamilya pati na rin sa kalikasan”
___________________
Ito ay kalahok sa
6 comments:
sensible ung story entry pala to nice nice nmn
Hahaha.. ang cute naman nito.. ang nagsasalitang plastik, bow! :D
Nice story. Humabol sa SBA. Good luck sau :)
Ang galing ng kuwento at mensahe. Thanks. A good reminder:)
sino po ba ang may akda nito...?
wow!!! pahalagahan natin c PLASTIK!!!!!! sooooooo.. nice! LOVE IT!
Post a Comment