Showing posts with label lakwatsa. Show all posts
Showing posts with label lakwatsa. Show all posts

October 17, 2012

Sembreak


Medyo mahaba-haba ang sembreak ngayon... Hihihi, masaya kahit papaano..

Nabibilib ako sa mga estudyante ng kaibigan ko kung saan nagpa-practice teaching na siya. At dahil sa arts ang subject nila, paggawa ng mask ang naging activity. Ang lupit sa galing at creative ng mga estudyante niya. Kaya ito pinakialaman ko ang mga nakolekta niyang masks, hihihi..




Ilan lamang yan sa mga gawa nila. Isa lang masasabi ko "MAHUSAY SILA" hehehe.

__________

Maiba tayo... Kasama ko ang friend (si Mary Grace) noong Monday pumunta kami sa COMELEC para magpa-register para maka-boto sa darating na halalan. Nadaanan namin ang isang bus station, tapos napansin niya ang "DONASYON NA ITO"



Donation for what? HEHE. Kaloka para saan naman iyang donasyon na yan? Kayo na bahala manghula kung ano.... :D
__________

At dahil sembreak na, may time na ulit para mag art art anek anek... yehey! hehehe. Yung tipong uubusin ko lahat ng pangkulay ko, yung pudpod na talaga, sagad sa pudpod.  Ito nagawa kong latest, self expression...


__________

LOMOART PHOTOS


Kung anu-ano na lang ang pinipicturan.. HAHA! Bakit ba, trip lang.


Ayun lang po muna. Happy sembreak to us! Hehe. at kung anu man ang pinagbi-busyhan niyo.. enjoy enjoy lang.. stay happy to be healthy. hihihi...




July 08, 2012

Turista sa Tahanan

Sa Baguio City ako lumaki, nag-aaral at nakatira. Pero akalain mo... hmm.. akalain niyo ha! HAHA! Madami pa akong hindi napupuntahan na tinatawag na "tourist place" dito sa Baguio. Ignorante much??? hihihi... bata pa ako noon nung huli ako nakapaunta.... teh! ilang taon na ako ngayon! Uhugin pa ako noon.

Mahilig ako maglakad-lakad.. kahit walang kasama. Kung saan saan ako nakakapunta sa kahit isang oras lang.  Ito, samahan niyo ako.... sa paglalakad ko. Magiging turista ako sa tahanan ko.

Mawawala ba naman ang boat sa Burnham Lake??? Aba! Siyempre hindi.


Sa bintana ng kwarto ko, ito ang matatanaw... ayos! puro building makikita na sa kabundukan.


Habang naglalakad, minumuni ang kapaligiran. Ninanamnam ang beredeng kapaligiran at masarap na simoy ng hangin. I LOVE IT!


Mga produkto ng malilikhaing imahinasyon at galing sa pagpinta... ang nadaanan ko sa gate ng Baguio City National High School. astig!


waiting shed? shade? watebur! HAHA.

University of the Cordilleras...


Mga puno sa harap ng University  of the Philippines - Baguio City...


Higit sa lahat... mawawala ba ang turista??? hehehehe! :D WAPAK! amfeeling... hehe, pagpasensiyahan niyo na. Feel ko ang moment maging turista. hehe



Hindi ako photographer... wanna be photographer lang. HEHEHE! i wanna be a photographer, so freaking bad... take photos in places to I've never been. :D

June 28, 2012

Zagu moment


 Isang hapon, naglalakad-lakad ako sa Session Rd. wala lang trip ko lang maglakad mag-isa (kelangan may kasama? kelangan? kelangan? hehehe!) Tinitignan mga establisyimento na madadaanan kung HIRING ba sila... hindi naman ako ambisyosa! sapat na sa level ko ang maging service crew muna- part time lang. Mukhang hindi ko pa talaga matupad itong goal ko na makahanap muli ng part-time ko. Wala eh. Hintay lang siguro ako ng ilang mga araw pa.

At sa aking paglalakad.... hindi ko alam kung nag-iilusyon lang ako o talagang may tumatawag sa pangalan ko. JESSICA... boses na galing sa likod. Lumingon ako, aba! si Mary Grace pala ang BEST FRIEND ko. Nagtaka ako at ano naman daw ginagawa niya doon. 

Ayun naglalad- lakad din mag-isa. HAHAHA! Mga loner ata mga tao ngayon at puro nag-iisa.

SALAMAT at nagkaroon ako ng kasama sa paghahanap, hehehe.. buti na lang!

At least... kahit wala pa akong nakita, masaya naman ako. Sinamahan ko na din siya bumili ng charger para sa cell phone niya. Nagkwentuhan, uber much teh ang kwento ko kapag siya kasama ko...

walang hanggan! HAHAHA! Wagas?


Tinatanong niya ako kung kumain na ako o gutom. 
 
Ako: Hindi naman masyado

Siya: Saan mo gusto kumain?

Ako: McDo? 

Siya : Ano ka ba teh, hindi ka ba nagsasawa?

Napadaan kami sa isang branch ng Mang Inasal

Siya: Ano gusto mo mag-rice?

Ako: Hindi.

Siya: Sagot ko, ako taya.

Ako: Sa iba nalang. HAHAHA! (Arte Much?)


Hanggang Zagu nalang... :D

  

Dahil binigyan niya ako ng chance para pumili, pinili ko yung pinakamalaki. Blessing yan teh, blessing! HAHAHA. Tatanggi ka pa ba, minsan na nga lang, lubusin na. Nahiya tuloy ako bigla, yung small lang sakanya, sa akin yung pinaka-malaki :-)

Kaya kahit ano'ng kapal ng suot kong jacket at kahit maginaw pa game na game pa din! Nanginginig na nga ako sa lamig sige pa din! 


Salamat.HAHAHA! Sa uulitin ha? (abusado?) 

At dahil halos 8:00 pm na umuwi na kami.  


//good night :) 

Protected by Copyscape Online Copyright Protection Software