June 28, 2012

Zagu moment


 Isang hapon, naglalakad-lakad ako sa Session Rd. wala lang trip ko lang maglakad mag-isa (kelangan may kasama? kelangan? kelangan? hehehe!) Tinitignan mga establisyimento na madadaanan kung HIRING ba sila... hindi naman ako ambisyosa! sapat na sa level ko ang maging service crew muna- part time lang. Mukhang hindi ko pa talaga matupad itong goal ko na makahanap muli ng part-time ko. Wala eh. Hintay lang siguro ako ng ilang mga araw pa.

At sa aking paglalakad.... hindi ko alam kung nag-iilusyon lang ako o talagang may tumatawag sa pangalan ko. JESSICA... boses na galing sa likod. Lumingon ako, aba! si Mary Grace pala ang BEST FRIEND ko. Nagtaka ako at ano naman daw ginagawa niya doon. 

Ayun naglalad- lakad din mag-isa. HAHAHA! Mga loner ata mga tao ngayon at puro nag-iisa.

SALAMAT at nagkaroon ako ng kasama sa paghahanap, hehehe.. buti na lang!

At least... kahit wala pa akong nakita, masaya naman ako. Sinamahan ko na din siya bumili ng charger para sa cell phone niya. Nagkwentuhan, uber much teh ang kwento ko kapag siya kasama ko...

walang hanggan! HAHAHA! Wagas?


Tinatanong niya ako kung kumain na ako o gutom. 
 
Ako: Hindi naman masyado

Siya: Saan mo gusto kumain?

Ako: McDo? 

Siya : Ano ka ba teh, hindi ka ba nagsasawa?

Napadaan kami sa isang branch ng Mang Inasal

Siya: Ano gusto mo mag-rice?

Ako: Hindi.

Siya: Sagot ko, ako taya.

Ako: Sa iba nalang. HAHAHA! (Arte Much?)


Hanggang Zagu nalang... :D

  

Dahil binigyan niya ako ng chance para pumili, pinili ko yung pinakamalaki. Blessing yan teh, blessing! HAHAHA. Tatanggi ka pa ba, minsan na nga lang, lubusin na. Nahiya tuloy ako bigla, yung small lang sakanya, sa akin yung pinaka-malaki :-)

Kaya kahit ano'ng kapal ng suot kong jacket at kahit maginaw pa game na game pa din! Nanginginig na nga ako sa lamig sige pa din! 


Salamat.HAHAHA! Sa uulitin ha? (abusado?) 

At dahil halos 8:00 pm na umuwi na kami.  


//good night :) 

17 comments:

MEcoy said...

sarap nyan buti pa best friend mo nanlilibre

joanne said...

Haha, ako din wala sawa sa mcdo! Sarap ng Zagu, pero parang ang hirap inumin nya sa Baguio, ang lamiiiggg! Nun nagpunta kami Baguio nun Feb, nag-frappe kami, ay inday hindi ko kineri ang ginaw!

KULAPITOT said...

zagu d BEST

sherene said...

Ang saya naman ng blog mo nakakaaliw basahin:))
Thanks for following me girl, will do the same:))

Sam D. said...

Wow Zagu nakakamiss!

Lady Fishbone said...

HEHE! buti na lang at nanlibre, HAHAHA! Salamat sa pag-follow at pag-iwan ng comment.. TENCHU! C:

Lady Fishbone said...

HEHE. Halos 10 months din ako nag-work sa Mcdo halos pagkaing McDo ang kinakain ko araw-araw, kahit wala na po ako doon ngayon parang hinhanap ko pa din kumain sa McDo, HAHA!

HEHE! uber much teh sa ginaw talaga lalo na ngayon...

Lady Fishbone said...

OO the BEST. HEHE :)

Lady Fishbone said...

Salamat po! it's my pleasure po.... :)

Lady Fishbone said...

HEHE.. Zagu po kayo ulit minsan :)

Arvin U. de la Peña said...

ang bait ng friend mo...

Lady Fishbone said...

oo nga eh.. hihihi.. :)

Anonymous said...

nice friend!

musta weather sa baguio?

Lady Fishbone said...

mejo malamig ngayon... miss ko na ang araw, hehe. THANKS :)

BloggerRunner said...

talagang nag-go LARGE kahit maginaw LOL!
thanks for the follow :) following u now from my running alter ego ;) I'm # 61

tara takbo tayo tanggal yang ginaw mo he he

Anonymous said...

Naks ako rin palibre haha

thanks for following my blog ah, I followed you too

:))

Krissii said...

nice blog :)
it would be great if you visit my blog too :)
ttcybeauty.blogspot.com

xoxo

Protected by Copyscape Online Copyright Protection Software