August 28, 2012

Randomness

Kamusta na kayo??? ^__^

Random lang... kung anu-ano lang, sari sari...

1. THE FACE

Mga koleksiyon ng mga ID picture.. ampangit!! HAHA



2. YOU :)

To my boyfriend, no one makes me happy the way you do. Sorry pinagtripan ko picture mo at ayan dinrowing na kita hehehe


3. FAMILY

Sunday, August 26, 2012.... ito lang ang araw na maalala ko na nanood tayo ng sine (family/relatives) "Total recall" ang naabutan natin kaya yun nalang pinanood natin, kahit na ang trip ni antie ay love story (hahaha)





Pagkatapos.....

Choosy, hirap nila naghanap ng kakainan. Una chikboy daw, tapos napunta sa Jollibee, tapos hindi nila trip kaya Mang Inasal nalang, tapos wala bakante, kaya Tokyo Tokyo daw...... hanggang sa KFC nalang! Yun na nga talaga, sa wakas, jeje. Aysos nalibot na buong Sm para lang sa kakainan (hehehe)


Pagkatapos umuwi na.... saya! :)

Sa bahay with Kuya :)
Balik na siya ng Manila after ng holiday.
Sorry naman maasim yung rambutan hehehe
4. UTANG

Ang saya ko dahil nabayaran ko na utang ko! Oo, hindi ko na kailangan magtago (hehehe). Bakit??

Nakahiram ako noong June, promise date na maibabalik ko is end of July (nice agreement)... I borrowed kasi I was expecting na maibabalik ko din. Tapos, yung inaasan kong money na pambayad is na-delay! OMG! Nagpanic ako end of July na hindi ko pa rin naibabalik. Nagtetext na siya na August na, wala pa din yung money , hindi ako masyado gumagala sa school campus baka bigla ko siya makita, eh wala pa akong mukhang ihaharap. Hehehe :)

Sinubukan ko humiram sa mga friends, pero wala eh :C I prayed deeply na sana mabayaran ko na... Prayed and prayed. Hanggang sa isang araw, may nagtext:

TEXT: Hello ms. jessica lopez, you may now claim your check. God Bless.

ME: What check? (hahaha) kahit alam ko naman kung ano yung sinasabi niya. 

TEXT: Last claim at McDo-CHI

ME: oh ok po. thanks. God Bless.

Next day nakuha ko na last salary. Inaasan ko na ang matatanggap ko ay sapat lang pambayad ng nahiram kong pera. Pero, it was more than what I expected.

Salamat Lord, sinagot mo ang dalangin ko.

Ayun, nabayaran ko na. Makakagala na ako sa campus na walang inaaala. Hehe. Eh tapos sira cellphone ko kaya bumili na ako, hindi ko mapalitan kasi wala pambili. Mula sa laging nalolobat at sirang screen na cellphone ko, nagkaroon ako ng myphone tw29 tv duo.

I prayed for the borrowed money, but HE gave more :)


I feel blessed kasi may bagong phone na ako, akala ko hanggang pipitchuging hinahagis hagis lang ako na phone, yung tipong pwede mo ibato sa kasama mo na daldal ng daldal. Buti napalitan na. Thank you LORD. ^___^


Good night everyone!!! Take care always :)











44 comments:

Mr. Tripster said...

1. Parang wanted lang, pero para sa isang wanted cute mo naman. Haba ng her mo teh! Hehehe!

2. Awww sweet. Napaisip tuloy ako sa titanic, pero ikaw yung artist, kaya the guy will be naked tapos ikaw ang magdrawing sa kanya. Hahaha! R-18 art, wag na! Ipatawag ka pa sa Senado.

3. Now that is literally food trip. hahaha!

4. Buti ka pa. Ako kelan kaya ako makakabayad ng utang? Nagtatago pa rin ako! hahaha!

Pink Line said...

1. naalala ko yung mga id pics ko na nilagay ko lahat sa scrapbook ko
2. aaaaw ang sweet mo namang gf
3. ang saya ng family bonding..nakakatuwa naka-jacket kayo lahat jan samantalang dito kahit nasa mall ang init pa rin...
4. ang hirap kaya ng may utang..haha good for you nakabayad ka na at may extra bang bagong phone..

God bless you always bebe sis..mwah!

Lady Fishbone said...

haha oo nga ano? wanted lang.

hehehe! gusto ko yan mag-drawing ng naked na lalake! hehe. JOKE! :P

oo nga eh.

haha. sige tago lang habang wala pa pangbayad.

Lady Fishbone said...

1. :) sarap kaya balikan teh ^__^
2. hmm :)
3. hehe maginaw eh. oh? hala... hindi ba naka air con ung mall teh??
4. oo nga ate, thanks to GOD.

God bless din po ate.

joanne said...

Gagayahin ko ang format ng mga nauna (wala namang originality sa criteria of judging di ba?haha)

1. Ang cute! sana naitago ko din old id pics ko.
2. Ang sweet! Si ate, walang bf, huhuhu.. :D
3. Ang saya! Like ko yung mga galang pampamilya.. pero hindi pa kami ulet nakanuod ng movie ng family ko together, hanggang tv lang, hehe..
4. Ang saya ulet! May bago cp, sowsyal. Pero naisip ko lang beh, pag may utang mas maganda na iset mo yun expectation dun sa pinagkakautangan kung hindi ka pa makabayad kesa magtago, kung valid reason naman, I'm sure they'd understand :)

fiel-kun said...

Naku, bigla ko din naalala ung mga id pics ko nung highschool at elementary. totoy na totoy pa ako nun hehe...

Uy si BF mo, parang kahawig siya ni Kedebon ng X-Factor ^_^v

Miss ko na din ang gumala kasama ang buong family... kaso parang napaka imposible pa ngayon nyan kc may sarili nang pamilya ang kuya at sister ko.

Nice, bagong phone :)

Jhanz said...

Congrats sa bagong phone! :P

PS: Nice drawing!

MEcoy said...

galing mo tlga ng sketch idol haha ako wa na naitabi sa id ko haha lagi nmn ksi pangethaha

JH Alms said...

nice set of "pwede nang mga pandagdag sa memoirs".. masarap din minsan gumawa ng mga ganito..

sherene said...

Wala akong lumang id hmmmp
Ang sarap sigurong pomoma sa baguio, naka jacket ang peg hehehe.
Congrats sa bagong phone mo, text mo ko!!hehehe

JH Alms said...

pwede ka rin palang magbukas ng account sa deviantart.com para may mapaglagyan ka ng mga litrato ng mga art na gawa mo.. maraming "pro" dun kaya meron ka ding mapupulot na mga techniques at tips kung paano mo mai-improve yung style mo..

eden said...

Nice ng bagong phone mo.

Salamat sa dalaw..

Anonymous said...

sweet naman nung kay boyfriend hehe

I'm glad you have a new phone now, ingatan mo yan! hehe

:))

Joie said...

sana ako rin my drawing galing sayo hehe joke.kapal noh. at wowii s bagong cp:)

mr.nightcrawler said...

wow. congrats sa bago mong phone. tingnan ko yung ibang mga ids ko, parang hindi iisa yung tao dun. minsan payat, minsan mataba. hehe. May joke ako... corny ah... kaano-ano mo si Jennifer? hehehe

gord said...

1. ang kyoooot! XD astig ah, talagang inipon yung id pics.

2. #kiligkuliglig

3. enjoy talaga ang familiy bonding!

4. hindi ko alam na may lahing ninja ka din! galing magtago sa school ng dalawang buwan ah. haha. at least nabayaran mo na at may cellphone pa!

Lady Fishbone said...

hehe sige lang ate... go go go!! ^___^

-oo nga ate sana, para may memories kung paano ba nagiba ang looks...
-huhu.. awh, mag bf ka na din kasi ate hihi
-minsan lang naman yan, ewan kung mauulit pa :P
-hehe, oo nakalimutan ko sabihin sinabi ko naman, ayos lang naiintindihan naman niya.. (gulo ko, bat nga ba kais ako nagtatago)

Lady Fishbone said...

-hehe.. cute diba balikan hihihi...

-at dahil hindi ko kilala si kebedon, sinearch ko pa talaga kung sino siya, hehehe (hindi ako updated) oo hawig nga sa drawing... (sa drawing lang) hehe

-awh sad... :C

-salamat.

Lady Fishbone said...

thanks UMI :)

Lady Fishbone said...

hihi... kahit hindi mo feel ok lang itago pa din.. remebrance ^___^

Lady Fishbone said...

salamat... oo nga ano? salamat sa idea.. gusto ko pa matuto ^____^

Lady Fishbone said...

weh bakit naman ate? hehe..
maginaw kasi ate, hehe.. kaya full force kami maka-jacket hehe
sure, sige po, ano po number mo??? hehe ^_^

Lady Fishbone said...

salamat @eden..

welcome :)

Lady Fishbone said...

oo nga eh, salamat.. ingatan talaga, hindi dapat yan madukot at masira :)

Lady Fishbone said...

sure sige ba.... picture mo muna, hehe :)

Lady Fishbone said...

ayos nga eh iba't ibang katauhan mo.

haha.. hindi ako sanay sa JOKE pero sige "BAKIT?" hahaha

Lady Fishbone said...

tama ba? hehe

or "KAPATID KO"

Lady Fishbone said...

1. mga extra lang yan, inipon ko para panakot sa daga, hehe

2. kuliglig LOL

3. oo naman.

4. haha oo nga eh! :)

Arvin U. de la Peña said...

ayos ang mga lumang ID.....nice phone...

Unknown said...

very nice post good work i like it .
http://jobsoftypingnewin2012.blogspot.com/

this is my blog follow and comment on this blog friend. ok

mr.nightcrawler said...

Tama! BOOM! haha. Sorry. Corny talaga ako eh. :)

anney said...

Ganda namn ng pagaka drawing mo! Wish ko lang may talent din akong ganyan!

McRICH said...

Wow angaling nang sketch mo! Pati yung photo id collection astig din, magaya nga. :):)

kamilktea_ said...

Hello!!! Pwede ba ako magtanong kung taga san ka? Taga baguio ka ba? Lahat kase kayo naka-jacket sa picture..wala lang.. heheheh

anyway.. ang kyutt ng drawing mo sa bf mo..cool.. hehehe..pagbutihan mo pa! At nagwork ka pala sa mcdo? wala lang..nagwowork kase bf ko sa mcdo... lol.. at naku.. wag ka na mangungutang ah.. please.. wala lang.. traumatize kase ako sa utang..di ko like.. nakakamatay yan.. tsaka tulad nga ng sabi mo tago ka ng tago.. hindi rin maganda sa pakiramdam, right?

Pero at least di ba.. sinubukan mo pa rin bayaran..pero sana in the future.. hindi ka na mangutang.. makinig ka sa kin.. hahaha

Teacher Pogi said...

kumusta ang myphone tw29 tv duo? battery life? features?

Superjaid said...

ang cute naman ng mga id pix mo yung sa akin laging masagwa haha =D at ang galing mong magsketch,thumbs up!

Anonymous said...

Wow, nice phone! hehehe

Ang kulit ng pag-iipon mo ng ID pics. At ang sweet kay BF o. Hehehe

Lady Fishbone said...

salamat

Lady Fishbone said...

your wish is my command hehe

Lady Fishbone said...

sige lang po.... hehe :)

Lady Fishbone said...

HAAHAHAHA! (tawa lang?)

oo maginaw kasi kaya full force ang jaket, hehe...
makakahiram pa din, in case mangailangan ulit pero sure na mababayaran..

salamat ate :)

Lady Fishbone said...

hehe salamat... naipon na nga...

Lady Fishbone said...

ok naman... cool... mabilis lang malobat...

Lady Fishbone said...

hehe salamat... practice sketch lang..

bakit naman masagwa?? hehe.. maganda yan! :D

Protected by Copyscape Online Copyright Protection Software