Showing posts with label family. Show all posts
Showing posts with label family. Show all posts

August 28, 2012

Randomness

Kamusta na kayo??? ^__^

Random lang... kung anu-ano lang, sari sari...

1. THE FACE

Mga koleksiyon ng mga ID picture.. ampangit!! HAHA



2. YOU :)

To my boyfriend, no one makes me happy the way you do. Sorry pinagtripan ko picture mo at ayan dinrowing na kita hehehe


3. FAMILY

Sunday, August 26, 2012.... ito lang ang araw na maalala ko na nanood tayo ng sine (family/relatives) "Total recall" ang naabutan natin kaya yun nalang pinanood natin, kahit na ang trip ni antie ay love story (hahaha)





Pagkatapos.....

Choosy, hirap nila naghanap ng kakainan. Una chikboy daw, tapos napunta sa Jollibee, tapos hindi nila trip kaya Mang Inasal nalang, tapos wala bakante, kaya Tokyo Tokyo daw...... hanggang sa KFC nalang! Yun na nga talaga, sa wakas, jeje. Aysos nalibot na buong Sm para lang sa kakainan (hehehe)


Pagkatapos umuwi na.... saya! :)

Sa bahay with Kuya :)
Balik na siya ng Manila after ng holiday.
Sorry naman maasim yung rambutan hehehe
4. UTANG

Ang saya ko dahil nabayaran ko na utang ko! Oo, hindi ko na kailangan magtago (hehehe). Bakit??

Nakahiram ako noong June, promise date na maibabalik ko is end of July (nice agreement)... I borrowed kasi I was expecting na maibabalik ko din. Tapos, yung inaasan kong money na pambayad is na-delay! OMG! Nagpanic ako end of July na hindi ko pa rin naibabalik. Nagtetext na siya na August na, wala pa din yung money , hindi ako masyado gumagala sa school campus baka bigla ko siya makita, eh wala pa akong mukhang ihaharap. Hehehe :)

Sinubukan ko humiram sa mga friends, pero wala eh :C I prayed deeply na sana mabayaran ko na... Prayed and prayed. Hanggang sa isang araw, may nagtext:

TEXT: Hello ms. jessica lopez, you may now claim your check. God Bless.

ME: What check? (hahaha) kahit alam ko naman kung ano yung sinasabi niya. 

TEXT: Last claim at McDo-CHI

ME: oh ok po. thanks. God Bless.

Next day nakuha ko na last salary. Inaasan ko na ang matatanggap ko ay sapat lang pambayad ng nahiram kong pera. Pero, it was more than what I expected.

Salamat Lord, sinagot mo ang dalangin ko.

Ayun, nabayaran ko na. Makakagala na ako sa campus na walang inaaala. Hehe. Eh tapos sira cellphone ko kaya bumili na ako, hindi ko mapalitan kasi wala pambili. Mula sa laging nalolobat at sirang screen na cellphone ko, nagkaroon ako ng myphone tw29 tv duo.

I prayed for the borrowed money, but HE gave more :)


I feel blessed kasi may bagong phone na ako, akala ko hanggang pipitchuging hinahagis hagis lang ako na phone, yung tipong pwede mo ibato sa kasama mo na daldal ng daldal. Buti napalitan na. Thank you LORD. ^___^


Good night everyone!!! Take care always :)











August 15, 2012

Nasaan ka Itay??

Pastel on paper
©2010
by: jessica lopez

Kamusta ka kaya ang tatay ko? Bigla ko lang siyang naisip, kamusta na kaya siya?

Wala akong tatay kasamang lumaki. Wala din ako kapatid. Malungkot. Wala din si nanay sa piling. Lagi ko inaasam na sana may tatay ako, na kasama ko... nananabik sa yakap ng isang ama. Lagi ko siya iniisip lalo na noong bata pa ako.. inaasam na sana makasama ko siya. Nakakalungkot lumaki ng walang ama sa tabi, pero masasanay din, pero minsan aabutin pa ng taon para gamutin ang sakit at pait na hindi ka man lang pinaranas sayo na may kinikilala kang ama.

Pero ang mga pangrap na maramdaman may ama ako ay naging malayo sa realidad hanggang sa nasanay ako na wala na siya, at tuluyang kalimutan. Ngayon, hindi ko na siya miss... bigla ko lang siyang naisip. At dahil sa produkto ako na "WASAK NA TAHANAN" (wasak talaga eh noh???) hehe. Gumawa ako ng sarili ko adbokasiya... naisip ko lang sanhi ng matinding lungkot na naranasan ko noon. hehehe, (ang drama ng post UBER!!! parang hindi na ako sanay mag-drama at mag-emote tama na baka mag-iyakan pa tayo dito. HAHAHA) 

"Against Broken Home Advocacy" 

Sana lang lahat ng pamilya maging masaya at buo. (how i wish lang naman)
 
:P
 

Protected by Copyscape Online Copyright Protection Software