Pastel on paper
©2010
by: jessica lopez
Kamusta ka kaya ang tatay ko? Bigla ko lang siyang naisip, kamusta na kaya siya?
Wala akong tatay kasamang lumaki. Wala din ako kapatid. Malungkot. Wala din si nanay sa piling. Lagi ko inaasam na sana may tatay ako, na kasama ko... nananabik sa yakap ng isang ama. Lagi ko siya iniisip lalo na noong bata pa ako.. inaasam na sana makasama ko siya. Nakakalungkot lumaki ng walang ama sa tabi, pero masasanay din, pero minsan aabutin pa ng taon para gamutin ang sakit at pait na hindi ka man lang pinaranas sayo na may kinikilala kang ama.
Pero ang mga pangrap na maramdaman may ama ako ay naging malayo sa realidad hanggang sa nasanay ako na wala na siya, at tuluyang kalimutan. Ngayon, hindi ko na siya miss... bigla ko lang siyang naisip. At dahil sa produkto ako na "WASAK NA TAHANAN" (wasak talaga eh noh???) hehe. Gumawa ako ng sarili ko adbokasiya... naisip ko lang sanhi ng matinding lungkot na naranasan ko noon. hehehe, (ang drama ng post UBER!!! parang hindi na ako sanay mag-drama at mag-emote tama na baka mag-iyakan pa tayo dito. HAHAHA)
"Against Broken Home Advocacy"
Sana lang lahat ng pamilya maging masaya at buo. (how i wish lang naman)
:P