Ngayon ay Wednesday…
pasukan na naman mula sa mahabang
bakasyon.
5:45am ako nagising, ginigising ako ng antie ko 5:00 pa
lang. Magtapon na daw ako ng basura. Wednseday kasi ang schedule ng basura sa
amin.
Kumain ng mga 30 mins. Tumunganga ng mga 20 mins (may oras pa talaga para sa ganito?? HAHA) Naligo ng
mga 25 mins.
Nagbihis, nag-ayos… lumabas ng bahay, sumakay sa jeep
papunta sa town na ang tagal tagal umalis dahil hinihintay pa na mapuno, nang
mapuno, shit ang sikip ang daming batang kalong.
Bumaba, sumakay ulit sa isa pang jeep papuntang school. Para
ng para ang mga pasahero hindi naririnig (anak ng kalabasa! Bingi si manong)
Nakarating ako sa school. Nagklase sa 8am class na piano
lesson.
Anak ng kamatis! Nabunot ang pangalan ko at oras ko ng para
mag-piano.
Noong una ayos pa, nang mga sumunod na… hindi ko na alam
pinipindot ko! Naiirita na si Ma’am kasi hindi ko makuha kuha, mali mali ang
pinipindot ko, naiiyak na ako!!! (nag-practice naman ako) Sa harap, kung nasaan ang pesteng piano, kung
saan pinapanood ako ng mga classmates ko, bumuhos ang iyak ko. Di ko na napigilan. Aysus!!!
Galit nag galit na si Ma'am.
We have all the time daw to practice, binabaliwala daw naming
ang subject niya. Aside sa piano, may asian music at choral works pa kaming
subject sakanya. Puro daw PE ang pinapractice naming, katulad ng pagsayaw,
sports… at kung anu-ano pa. Which is not true.
Hindi niya daw ito-tolerate ang mali namin, kasi kapag we
are in the field of teaching tapos we don’t how to play piano siya din daw
nakakahiya. Maraming past students niya ang ga-rdaduate na at nagtuturo na
ngayon na hindi pa alam ang maraming bagay sa piano. May point siya, pero did
she ever realize how she approach the lesson to the students?
Haler? Eish haha,nakakatawa ako sa pagiyak ko. pinaghandaan ko naman yung piano eh, mali
lang talaga ang naipractice which is kamali ko naman. Kaasar! HAHAHA! Nagmuka
akong iyakin sa harap ng marami. Actually, kahit weakness ko ang pagbasa ng mga
nota at kung anu-anong stuffs about music, I am taking seriously her subject.
Hays. Hahaha.
Sinabi ko na lang…. “Ma’am I am sorry”
She said “it’s okay”
22 comments:
naku ok lng yan nu madame pang ibng time para i redeem ang sarili ok lng dinang umiyak
oo nga eh, next time pagbutihin nalang...
minsan kasi nagiging sampal sa mga guro yung ang dami mong tinuro tapos parang hindi fruitful ang kinalalabasan... pwede din madaming pinag dadaanan ang teacher mo at sa inyo na lang nya nabubuhos... pagbutihin mo na lang next time para maging sulit ang pagod ni maam... kahit konti lang ang kinikita sapat na yung malaman nilang may natututunan ka :)
ok lang yan! bawi next time! XD
Why don't you write something in English :-(
ang pagiyak ay di naman senyales ng kahinaan ang pagkakaalam ko lang meron tears of joy, tears of sadness, sorrow,and tears of expectations. wla p naman akong narinig na tears of weaknesses hehehe! smile:)ako rin nung nagsisimula p lng ako ilang beses rin ako paulit ulit sa mga EGBDF AT CDEFGAB di ko tlga makuha khit interesado ako matuto.feeling ko ayaw sakin nung mga nota at feeling ko ayaw na kong turuan ng teacher k. ilang bese n rin ako na pahiya pero from that nagpromise ako na di ko tatantanan hanggat di ko nakukuha.:)
Okay naman daw eh wag ng mabahala hehehe. Praktis ka ng mabuti ha tapos magdala ka ng mga paintings mo para matuwa naman i display sa bahay nila hehehe
Okay lang yan. Sometimes, may mga teachers talaga na epal. Mabait pa nga iyang sayo eh. hehe. I was back-reading your posts last night. Keep on writing. :)
PS. nakakamiss ang Baguio. Tumira ako diyan ng more or less 3 years kaya sanay ako maligo ng may ice ang tubig. hehe
Hi Jess ^_^
Glad to know na okay naman pala kay ma'm hehe... praktis lng ng praktis!
hi Jessica, you have a nice blog pala.. :) oh, and about the post.. the good thing about you is that you know your weakness, pero you work on it.. keep it up! :)
kakatuwa naman post mo, something serious and something funny and something touching:)
Hi Jessica, nakakatawa naman experience mo. Pero if I only had given a chance gusto ko lahat ng ayaw mong gawin sa Music class niyo. I want to play piano and singing in choir. Ayaw ko ng PE kasi wala pakong ginagawa napapagod na ko! Thanks for dropping by my blog!
ang cool naman ng blog mo though nakaka-dugo ng ilong for me. lol.
anyway, please join my post-birthday giveaway dear! I hope you'll be one of the 3 lucky winners: http://raellarina.blogspot.com/2012/08/post-birthday-giveaway-raellarina-x.html \(^o^)/
baby sis, okay lang yan, bawi ka next time.. practice more, go!
at hindi rin ako marunong bumasa ng notes, nosebleed ako dyan..
at wag na iyak, baka sugurin ko si maam, anlayo pa naman ng baguio, haha
gusto mo bah magpiano? baka napipilitan ka lang. ako nalng ipa enrol mo hehehe/. ang mahal kasi ng piano lesson. hehehe
just me,
www.phioxee.com
http://phioxeeAwareness.blogspot.com
you know, I always wanted to have a music class,just like that :D
hala! :O bakit ka umiyak? dapat hindi ganun. :D kung sabagay mahirap naman talaga magbasa ng notes eh. :( guitar lesson nalang oks pa. :D
Jewel Clicks
ayos lang iyan....kasama iyan sa pag aaral.......
ok lang yan may next time pa naman eh. bawi ka na lang isipin mo na lang na parte yan ng magtuturo sayo sa buhay. =D
Okay lang yan! :) Madami pang oras para bumawi. Go, go, go!
Isipin mo na lang, hindi naman tayo fully na natututo hangga't hindi tayo nagkakamali. :)
You will get in there.. it just takes time...
Post a Comment