SEPTEMBER 1- HAPPY BAGUIO DAY...
SEPTEMBER 2- HAPPY 4th Happiness bf... ^___^
*****
Random ulit.
Dahil nga sa busy... sports fest ng college of teacher education, na-assign kami na mga MAPEH major mag-officate ng mga laro (hanep!) Na-assign ako sa badminton, nakakaloka ever.... dahil sa nagsisimula pa lamang ako sa larangan ng pagoofficiate, hindi maiwasan na questionin ka... at hindi rin maiwasang makarinig na "wala naman alam itong official na ito", "hindi naman niya alam ginagawa niya"...
sa akin naman "it's part of the game that people will judge and doubt our abilities and knowledge in officiating games... it's part of learning, let it be" kasi hindi naman forever hindi namin alam. Nagsisimula pa lamang, nagkakamali din. Hehehe. Pero nung tumagal, naging okay na...
Congrats CTE sa isang matagumpay na sports fest! Yahoooooo!
So ayun nga dahil 3 araw maghapon nasa school kahit linggo, hindi na ako nakapaglaba ng damit. Tambak na! HAHA.OH EM!!!
*****
Mayroon akong pakiramdam... sa tuwing madadaanan ko ang mga nagbebenta ng street foods, humahanga ako sa kanila! Dahil kahit sa maliit na paraan nagsisikap sila at nagta-trabaho sa malinis na paraan. Hanga ako dahil kumakayod sila para maghanapbuhay. At! masarap ang street foods inpeyrnes (hehehe) Pasensiya mahirap lang ako at yan lang ang kaya ng trip ko. Hmmm, pero mag-ingat pa din sa binibilhan natin. Paborito ko yung fishball sa may Kayang Street, malapit sa paradahan ng Guisad. Talaga naman consistent ang service kahit marami silang customers.
*****
Nakaka-stress ang traffic papuntang La trinidad kung saan ako pumapasok. Tapos minsan pag uwian pahirapan sumakay ng jeep pauwing Baguio City. Tapos bumpy pa ang daan sa mga inaspalto na nasira din. Too much huh... hehehe.
*****
May isa akong friend ang bossy niya na... gusto niya siya palagi ang tama. Tapos ang ingay niya, salita ng salita. Papansin. HAHA! Hindi na nakakatuwa. Gusto ko muna dumistansya para hindi na mauuwi sa pag-aaway (war freak???) hahaha. Hindi naman, para at least we still remain friends kahit ganun eklabooo to the max ng kaingayan niya.
*****
Nakapulot ako ng P500.00 at P170.00 sa magkaibang araw. BOngga! Masaya, pero nakakaawa din sa nawalan. Tapos meron din time na dalawang beses ako nakapulot ng P15.00 sa jeep. Ako lang kasi ung pasahero.
Parang swerte.... ganun talaga minsan nawawalan minsan swerte. Ako noon maraming beses na din nawalan, hindi ko na hinanap... Hinayaan ko nalang, pera lang naman (hehe, lang naman??) Kasi mapapalitan naman yan eh.
*****
Sorry kung hindi pa ako makabisita sa blog niyo.... bisita nalang pag may time na, good night... Maaga pa pasok ko mamaya (Lunes) at marami pang ipa-process sa school at gagawin na mga requirements.
Ingat kayo.
25 comments:
Badtrip talaga dyan papuntang Trinidad. Kaya 'di muna ako gumagala dyan.
Ikaw na swerte sa pulot! You already! XD
Sabi nga nila, you cannot please everybody.
Masuwerte daw ang nakakapulot ng pera sabi din nila.
Yaan mo lng yang bossy attitude niyang friend mo, siguro sa bahay nila aping api kya kapag lumabas nag bo bossingan pra ma alter yung pagkaapi niya, sabi din nila yan.
looks like super busy mo sa school ngayon ah ^_^
when i was still a kid, madalas din akong makapulot ng pera sa daan hehe. pero ngaun, mukhang madalang na hehe.
take care!
oo nga eh... badtrip talaga... :)
weh hindi naman. tsamba lang.
oo ate tama.
hehe.
oo nga ate, iwas iwas muna para maiwasan ang away.
hmmm.. medyo lang.. nagagawa ko pang isingit ang pagFFB at blog, hehe...
mapagmatyag lagi dapat mata sa mga nakikita... swerte kapag may mapulot na kahit ano, hehe
i like your attitude go go go lang..keber sa sasabihin ng iba basta gawin mo lang ang kaya mo..
pareho tayo sa pagadmire sa mga nagtitinda sa kalye..alam yung feeling na natotouch your heart mo..minsan nga naiiyak pa ko eh pag nakakakita ko ng mga nagtitinda sa kalye tapos yung mga umaakyat sa bus na nagtitinda ng kung anu ano..kung kaya ko lang pakyawin yung mga tinda nila eh hehe..
hawaan mo nga ako ng swerte mo bebe sis :)
haha matagal tagal na din akong nawalan at nakapulot ng pera haha
swerte nito..at HAPPY BAGUIO DAY dyan s inyo :)at sa inyo dalawa ayiyiy..
hindi n ako nkkpulot ng pera ngyon .. ako n mismo ang nahuhulugan ng pera
di pa ata ako nakakapulot ng ganyan kalaking pera, swerte mo! taga baguio ka pala nice. anyway..tama ka sa umpisa talaga lagi kang magkakamali at kekwestsunin ang abilities mo pero dapat wag kang papaalo dahil kilala mo ang sarili mo you know what you have. fight-o!=D
Ang swerte naman. Parang umuulan lang ng ers yang dinadaanan mo ah. hehe. Kung ako sayo, sabihin mo kung ano yung hinaing mo dun sa kaibigan mo. Malay mo, hindi siya aware di ba? Nakakamiss ang Baguio! Babalik ako diyan... promise ko sa sarili ko. hehe
Hey, thanks for the follow! Reading some of your posts, your so cool and refreshing! :) Nakaka-aliw magbasa ng tagalog ah(from a visayan girl). hehe. And your paintings! Nakakahanga. :)
haha sige pag may mapulot ulit....
yeah go lang ng go, hehe..
super hanga talaga ako, oo nga ate eh... kung pwede lang sana :)
it's mutual hehe
I missed Baguio and I missed going to school...
oks lang yan, busy2han din naman ang peg ko lately hehe
salamat :)
swerte pa din hihihi
yeah, salamat for that encouraging words :)
hahah oo nga eh.... sige balik ka at magkita tayo haha
really... salamat...
lika balik ka. hihi
hahaha tama :)
Thanks for sharing your funny life and thoughts. I like them. You are a kindhearted girl. God bless you dear:)
Post a Comment