December 17, 2012

Kwentong Ewan

Ewan ko ba... nakakatamad... wala sa mood... akalain niyo naayos na ang net connection sa bahay, pero leyntek ung computer naman nagka-problema.

Isang gabi, inopen ko computer, kung hindi nagha-hang, kusang nagrerestart! Inis talaga... eh di hinahayaan ko kung ano ang gustong gawin niya sa sarili niya, maghang kung mag-hang! Mamaya maya, nakarinig ako ng malakas na pagsabog! Powtik, hindi ko alam kung ano ung pumutok, iyong monitor ba? CPU? o AVR? sa sobrang nerbyos ko inOFF ko ung AVR, tapos pinagtatanggal ko ung mga nakasaksak. Maya-maya amoy usok na (pero hindi nasusunog bahay namin)...Hanggang sa natuklasan ni ankel na ung CPU pala. nakakaatar lang! hahaha. Wala mapaglibangan pag gabi sa bahay.

Oist pasko na, ramdam niyo na ba? Siguro oo, ako oo kapag nakakarinig lang ng Christmas music. Hihihi... Kung busy kayo sa pagshopping para sa mga reregaluhan niyo, ako busy naghihintay ng magreregalo sa akin, hahaha!

Holalala! Nararamdaman niyo ba ang nararamdaman ko, maaring hindi. Ito sasabihin ko na, gigil na gigil akong makaalis na kapobrehan. Oo, tama ka, pobre, dukha, purita. Ayan ako ngayon, at ilang taon ko na itong nararanasan, hehehe. Hays.... bukod sa pag-aaral ano pa ba ang maari kong gawin? hohoho! Iniisip ko nga paano kung gawing business ang art? Pero kaibigan hindi ko alam kung paano? Hindi ko alam kung pwede/ paano magbenta ng mga paintings?

Kung may alam po kayo kung paano, makishare po? hehehe. At sama-sama tayong aasenso, hehe!

21 comments:

Arvin U. de la Peña said...

i hope madiscover ka nga na may talent sa painting....

sherene said...

Pasasaan bat aalwan ang buhay mo, sigurado ako diyan kc u deserve the best:)

MEcoy said...

buti naman at okie na yang net mo naun,
well, ako din isang dukhnag maituturing kaya nga di ko na maantay ang next year nang makapagapply na

joy said...

Nag back read ako sa mga post mo, kasi dont kniw why pero pag may post kang bago di ko nakikita.
Anyway, about selling your arts, bakit di mo lagyan ng prize mga art mo at ilagaymo for sale? Who knows, may bumili:)

Pao Kun said...

I agree with miss Joy. And also. Dont worry, hindi naman nakakamatay ang pagputok ng CPU. :D Kung CPU ha, wag monitor! AHAHAH!

Anong medium nga pala ang gamit mo?

Mag pa art exhibit ka! Sa lahat ng mga kilala mong artist! ^^ (Wala akong alam sa behind the scenes ng art exhibit pero ang alam ko, pwede mag benta pag ganun)

Eagleman said...

about selling your arts.. pwede ka mag post sa ebay or sulit nyaha! pero dapat meron kang debit card sa unionbank yung eon card : ) yan gamit ko eh hehe..

anyways.. malamang yung pumutok sa cpu nyo eh yung PSU( Power Supply ) lolz! Merry Christmass and an Happy New Year sayo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Archieviner VersionX said...

Welcome back. Naramdaman ko yang nararamdaman mo ngayon. Tsaga lang :)

Anonymous said...

Tsaga2 lang, maka2ahon k rin, for sure yan :))

Anonymous said...

magandang ideya, pupunta ako. ikaw din ba pao?

Anonymous said...

Ako din pobre, purita pero wag tayong mawalan ng pag-asa. :))) Basta positive thinking lang. Maganda yung idea mo na ibenta ang mga gawa mo. Sa multiply pwede mo ipost dun.

Jondmur said...

sana madiscover ka para magka income hehehe tama sila... pwede mong ibenta ang mga obra mo...

sana maging okay ang lahat sayo... Enjoy enjoy lang diyan...

gord said...

Patience lang kabsat! Pagnakatapos ka na, mas madali na kumita ng pera! XD

Pink Line said...

agree ako kay Gord.. tyaga tyaga lang muna sis.. pasasaan ba at yayaman din tayo :)

Genskie said...

ako din pupunta

Genskie said...

tama tyaga tyaga nga..
at samahan ng dasal.. makakaraos ka din :)

fiel-kun said...

Kung pakiramdam mo ngayon ay sobrang down ka, kapit lang lagi kay Lord. Wag kang bibitiw. Kung nasa baba ka ngayon, walang ibang daan kundi ang pataas. Chaga lang, Jessica :) I know, lahat ng paghihirap mo ngayon, mapapalitan din ng masaganang buhay sa future.

God Bless and Happy Christmas!

anney said...

Advance Merry Christmas! baka di na ako makabati at busy na sa mga susunod na araw! Pwede pagkakitaaan paintings mo. Bat di ka mag umpisang mag benta dito sa blog mo? O kaya sa ebay. Yug sis ko sa ebay nagbebenta pero mga pre-loved stuffs.

Pao Kun said...

Oo pupunta ako syempre! :D

ZaiZai said...

Wag ka mag alala Jessica, halos lahat naman tayo ay naging mahirap / dukha nung nag aaral pa. Tiis tiis lang, pag ka graduate at may work na, mayaman ka na! :)

Anonymous said...

Jessica, hindi ka nman dukha kasi nakakain ka ng 3 beses sa isang araw at may computer ka din may sira lang :)..God bless sa balak na pagkakitaan ang paintings,

RicLDP said...

Naisip ko din yan nuon. Pagkakitaan ang paintings o mga artworks.. pero marami nagsasabing mahirap umasenso sa arts kung nasa Pinas ka.. Unless kung Fine arts ang course mo.... but then hindi pa rin nakasiguro. Anyway, subukan mo pa rin.. iba-iba kapalaran ng tao. May umaasenso sa isang field merong hindi.. Ang mahalaga siguro ay subukan mo na rin! God bless! Ric of LifeNCanvas

Protected by Copyscape Online Copyright Protection Software