December 11, 2012

Sa pagpipinta nagsimula

Last saturday (dec. 8, 2012) ay ang second painting activity sa pontino elementary school, tublay benguet. This time hindi na siya kagaya noong una kaming pumunta noong november 30, kasi hindi na nakasama ung dalawang girls na kasama noong una. This time puro boys na ang mga nakasama ko, bale 7 sila at ako ang bukod tanging girl.

Medyo ilang ang feeling ko nung first, kasi puro sila boys... hindi ko nga kilala ung iba. Noong tumagal naging kumportable na ang feeling ko kasama sila. Masaya at lagi sila nagpapatawa kahit corny na ung isa at ang sarap lagyan ng tape ang bibig kasi patawa ng patawa hindi naman funny ung jokes niya! haha

Bakit sa painting nagsimula?? Eto na... Eto na! Oo nga ito na!!!! May isang guy kasi na kasama namin, tawagin nalang natin siya sa pangalang Solomon....  Solomon nalang para hindi halata (un unang pumasok sa isip ko eh???) Hehe.

Noong una hindi ko naman siya pinapansin. May batang ligaw sa school at saksakan ng pasaway. Umaakyat sa bubong ng school ung bata, at hinaharap samin ang ti*i niya at umiihi mula sa tuktok ng bubong. Papansin talaga ang batang iyon, sinusuway na siya lahat lahat ng mga kasama ko na boys pero wala pa din. Hanggang sa busy na kaming lahat nagpe-paint sa stage ng school, pinaglalaruan ng bata ung net ng volleyball na may poste na semento at natumba sa paa ng bata. Nagtawanan lang ung mga boys akala nila joke lang ng bata iyon at hindi siya nasaktan... usap usapan nga ng mga boys "ayan kasi hindi ka nakikinig kanina ka pa namin sinusuway"... Totoo naman, hangkulit talaga ng bata!!!

Iyak lang ng iyak iyong bata. Hanggang sinilip ko iyong bata, nakaramdam ako ng awa... sabi ko sa mga kasama ko "napilay na ata???"

Napansin ko na tinitignan ako ni Solomon habang sinasabi ko iyon, maya maya... sumaklolo na siya sa bata. Habang to the rescue itong si Solomon na-touch ako! Supeeeeeeeeeer!!!! Ung ibang boys wala kasi paki! Manhid ganyan! Haha.

Nang ma-check niya na ung bata... tumakbo siya pabalik sa amin....

"Jessica may band-aid ka ba????"

"Ah? Eh? Wala eh (taranta mode)"

Gumawa si Solomon ng paraaan para magamot iyong bata. Tapos iyon, nagamot na.

LUNCH TIME

Inabutan niya ako ng isang basong tubig pagkatapos namin maglunch na hinanda na ng mga teachers doon. Grabeee hang gentlemaaaaaan!! wapak!

Nagstart na ng magbiruan kami, sinasakyan ang banat joke ng bawat isa, kantyawan naman ung mga boys na kasama namin. Habang nagpe-paint siya tinitignan ko siya, yung tipong pang tunaw na tingin talaga, naco-conscious siya, maya-maya pag ako naman ang nagsimula ng mag-paint ako naman babawian niya ng nakakalusaw na tingin! OMAYGASH!! Tapos babawian ko din siya pag nagsawa na siya.

"Ano ba tinitignan mo yung paint o ako?"

"IKAW siyempre! haha" sagot ko.

"Nakakahulog kasi" Dagdag ko

"Nahuhulog na ba puso mo sa akin?"

Hindi ako nakakaimik pag ganyan na ang sinasabi sa akin. Tapos nun, nagsimula na kami mag-asaran, may tapik tapik na din na "hmmm ikaw talaga (insert kilig)... Ewan ko ba! (landi mode) Hehe

Nang matapos na namin magpaint, sabi ng teacher doon, wag niyo kalimutan signatures niyo jan para may remembrance ha? So kami naman kanya kanyang sign. Ako linagyan ko ng epal na Jlo ang sign ko.

"Jessica, pagkatapos mo magsign ako din, itatabi ko sign ko sa sign mo"

Hindi pa nakuntento nagdagdag pa siya ng I <3 U JESSICA na pirma sa gilid nung wall.

Ako: Maghuhugas na ako ng kamay ko
Solomon: Tara? Maghugas na din ako.

Eh doon sa room, tahimik at kaming dalawa lang nasa HE room nung school kung saan kami maghuhugas.

Ako: Ang tahimik ano? Nakakabingi ang katahimikan. Magsalita ka naman?" 
Solomon: Ano naman sasabihin ko?" 
Ako: Basta kahit ano, kagaya ng hello solomon kamusta, ikaw jessica kamusta,ganun?"
Solomon: (tawa lang) Anung gusto mong sabihin ko? na mahal kita?? (smile)
Ako: Hindi makasalita (kilig lang)

Basta to cut the story short... ung feeling na nothing special naman pero pag nag-uusap kami may spark with matching fireworks, haha, OA lang? Ewan ko ba. Kilala ko lang siya na schoolmate ganyan, pero hindi as friends. Ay grabe, hindi ko maipaliwanag na feeling. 

Nabanggit niya kung may boypren ako. Sinagot ko ng totoo, wala. Yung nakwento ko pala noon na BF sa post na ito (no comment nalang muna). 

Solomon: Eh di pwede kita ligawan?
Ako: (smile)

Noong pauwi na kami, nasa likod kami ng van at magkatabi (no choice un lang bakante eh) hindi na siya umiimik... nanibago ako, hindi ko din siya pinapansin. Pero noong nakarating na kami kung saan kami ibababa ng van, bigla niya akong kinalabit at tinignan ng may ibig sabihin.. sabi ko "bakit??? (smiling)" may gustong sabihin eh? "wla" sabay tawa nalang siya. HMMMP! (inis ako, haha)

Tapos ba-bye to each other na.... hopefully next saturday kasama siya ulit. :/

Sa painting nagsimula ang lahat. HAHA

*sorry i can't provide pictures pa sa mga paintings sa elementary school na pinuntahan namin, hopefully next week :) 

Decemeber 11, 2012- HAPPY 2nd Anniversary sa PAGGUHIT NG MGA SALITA! On the way na ang mga artworks.

20 comments:

MARIA said...

weeee kilig to the bones naman ang mga eksena hehe. karelate much. hihi!

Para bang ang sarap mainlove sa mga gnung taong nagpaparinig hahaha! nakakapagblush kahit d naman dapat ^_^

MARIA said...

ay uu nga naghhintay ako nung finished pic nun wall painting nio..

at saka nga pala nabibilang ka sa aking SMP award..pag may tym ka andito - http://mariaswanderland.blogspot.com/2012/12/smp-blog-award.html

Archieviner VersionX said...

PumiPBB Teen. hehe. Happy Anniversary Ms. Jessica sa iyong Pagguhit ng mga salita. Excited ako sa artworks :)

Mar Verdan said...

Ang kwento ni Haring Solomon... Sana stick to one yang si Solomon mo, kasi ang pagkakaalam ko kay Haring Solomon ay maraming asawa haha, goodluck sayong kilig factor.

Aabangan namin ang mga artworks na yan!

Pao Kun said...

HOHOHOH! Isabay mo na si Solomon sa pagupload mo ng pictures dito. ^^ Good luck sa lablayp! :D

joanne said...

Naks! Mauunahan pa ata ako ni bebe sis magka-lovelife ah! Kilig to the max! Sana good boy yang si Solomon at sana wise din siya! Pasaway lang yung makulit na bata.. Yun pictures ah? Excited ako :)

sherene said...

Luma lovelife ading?hehehe

fiel-kun said...

Pag in love ba kailangan talagang i-tago ang pangalan sa katauhan ni Solomon? :D


ZaiZai said...

Happy Anniv sa blog mo!

Kinilig naman ako ng harsh sa kwento - - update mo pa kami sa mga susunod na ganap nyo ni Solomon :))

Anonymous said...

Happy Anniv girl :))

Nasaan ang larawan ni Solomon para makita naman namin. Pumi PBB Teens nga ang post na ito. Basta ang masasani ko lang, hinay hinay baka maudlot :))) Update is a must sa star-crossed na story na ito :))) Happy Holidays Jessica! :)

MEcoy said...

chumicheezy post si JLo ahh
mejo natorpe pa nga nung huli sa solomon oks na sana ung chance ee

CheeNee said...

aruyyyyyyyyyy..pumapakipot.. hahaha..

sana sa susunod na post kayo na ni solomon,, waahaaha,, (insert kilig)

gord said...

"tinitignan ko siya, yung tipong pang tunaw na tingin talaga" #kiligkuliglig

ang harot kabsat! PBB teens! Lol. Gudluck sa luvlife mo! Happy Blogersary din! XD

Pink Line said...

uy uy uy lumalablife si bebe sis..sya pala yung si crush na nasa status post mo sa fb huh!.. in fairness kinilig ako with matching smile habang binabasa to..hihihi! enjoy mo lang muna yang kilig na yan sis :)

Pink Line said...

happy 2nd pala sa blog mo..sa sobrang kilig ko nakalimutan na kita i-greet hehe!

Jondmur said...

wow! happy happy blog anniversary.... inaabangan ko din ang mga artworks mo.... mas marami ka pang magagawa kung in love hehehe

smile always....

JH Alms said...

kainaman 'yan.. inspirasyown.. hehehe

bagotilyo said...

parang namiss ko na yung ganyang pakiramdam . hahaha..

Inlove na inlove oh <3

anney said...

Mukhang in love ah! Wag na magpakipot. hihi!

joy said...

Nakakilig naman story mo. Hi hi. Good luck!

Protected by Copyscape Online Copyright Protection Software