November 17, 2012

Mr. & Ms (LAST NA ITO)

Hello, kamusta kayo. Sa wakas natapos na din ang pressure at stress dahil tapos na ang pageant, kung saan na-stress ako ng bonggang-bongga. Bakit ako na-stress?

1. Dahil walang maisusuot
2. Wwalang pera.

So, ayun naganap kagabi ang pageant. Allow me to share my story about pageants.

First time I joined pageant was last year (story here) sa college namin. I felt sad kasi I didn't get any award. So I said I will join again next school year....



Next Pageant ay Ms. McDonald's La Trinidad (story here). Swerte kasi I was crowned as Ms. McDonald's La Trinidad 2011. Other awards Ms. Congeniality, and Best in production number.


After La Trinidad, automatic Ms. McDonald's Baguio-Benguet ang next. Unfortunately, hindi ulit nanalo kahit isang award.

Mr. & Ms. CTE 2012



Nahanapin niyo kung saan ako, hehe.... feeling sikat lang ako noong naipost yan sa mga bulletin sa college (hindi naman ako ung tinitignan) HAHA.

Kaming lahat na female candidates... final practice... masaya kasi kumpleto kami :)


  Posing sa back stage, getting ready sa production number.




Ang mga artworks ko na dinikit sa bag para gawing creative attire. 




Ginawa na ring dress. Sayang yung mga artworks ko!!! T_T
Mga ginawa ko years ago pa, sa creative wear lang pala mapupunta.


Ginawa na din payong (sayang talaga) T_T 


Sports wear


TALENT PORTION
Sorry sumablay ako, kasi naiwan ng friend ko ung paint na gagamitin ko sa house nila. Kaya ung plan na gagawin hindi natupad. 


Sir Rex Bawang


Ms. Photogenic daw 


Hindi pa ako patay hehehe 




Make up artist- Roxanne












*In my experience, I always give my best, but I guess my best wasn't good enough.(hehe kanta lang)  I just try, there's no harm in trying right? At least I tried and nalaman ko na pageant is not for me. Yeah try and try but I think these experiences is enough to realize that pageant will not measure us as a person. It's a competition where you will expect the unexpected. Swertehan na lang ata ito... minsan kahit ginawa mo na lahat, kung hindi naman type ng judges you will not win. I am not bitter, it's just a realization, hehehe. 

Ako na ang pinakamasayang natalo, promise! Ang saya, lalo na yung bonding namin ng mga organizers and candidates. I felt happy kasi, after nung pageant kapag nakakasalubong namin ang bawat isa sa campus, kahit hindi nanalo we greet each other "CONGRATS" "CONGRATULATIONS", ramdam ko ang spirit ng sportsmanship. Hindi naman bonggang bongga ung pageant, dahil hindi naman ito Ms. Universe, pero I congratulate the organizers and faculty for making this event successful. 

Ito na ang last na sasali ako sa pageant, hindi dahil sa lagi akong talo ah... Ung reason next post nalang. Dahil sa ambagal ng net dito at minsan nawawala, tinamad akong magblog, sa next post ko na lang sasabihin kung bakit. Hehehe

24 comments:

Archieviner VersionX said...

Para sa akin ikaw ang nanalo. Higit pa sa award ang natanggap mo. Mas magandang premyo iyang narelaize mo sa sarili mo. Minsan talaga nararanasan natin ang isang bagay para makilala pa natin kung sino tayo at matuto sa mga bagay-bagay.

Ikaw ang beauty queen para sakin Jesica. kudos!

CheeNee said...

ikaw na talaga!.. e makasali ka palang dyan winner kana..:))

Unknown said...

clap-clap!congratulations!

and dami ng sinalihan a, sana hindi pa ito ang last pero malalaman naman namin ang dahilan sa sususnod mong poste! Congrats uli! Napakaganda naman! napakabait pa!

Jondmur said...

naks! ikaw na the best ka! galing naman... saka gusto ko ang behavior... kahit natalo happy pa rin..

ang mahalaga nag enjoy ka... at lumaban ng patas.... para sa amin ikaw na ang panalo...

Congrats... ganda mo sa mga pics...

Joie said...

CONGRATULATION. winner na winner ka sa amin mga puso dont worry. nakz:) super pretty and love ko ung bag na gnwa mo.hehe! ayiyiy congratz ulit

Anonymous said...

thats a good sport. :)
pero at least, kahit hindi man ikaw ang nanalo, uuwi ka naman na bitbit ang mga masasayang ala-ala with ur fellow contestants :)

fiel-kun said...

Jessica!!!! *hugs* para sakin, you don't have to win to become a winner :) with your great attitude and positive outlook in life, winner na winner ka nah!

nice photos you got there!

btw, grab your award at my blog.

joanne said...

Congrats beh! It's not always about winning pero kung ano yung mga natutunan mo during the contest!

At Ms. Photogenic ka oh! Kinabog mo silang lahat sa ganda!

joy said...

For me you are already a winner. You have a hood heart and a good attitude. I am a fan of your artworks:)

tabulyogang said...

Wow! congrats! That's the spirit girl! hehe. I love how you look at things. Go lang ng go. try and try. No regrets. I'm happy for you. hehe. And you look good! Ang cute cute. haha pang model ah. ;)

Phioxee said...

ay naku! ang hirap kaya humugot ng confidence at ang hirap din rumampa. winner kana sa lagay na yan. tapos ang sikat sikat mo pa jess. ang pretty mo kaya. ;-)

Arvin U. de la Peña said...

okey lang iyan......ganun talaga...may nananalo at natatalo..

Ms. Leeh said...

wow .. frustration ko rin ang sumali sa pageant .. pero hanggang dun lang yun .. ikaw ay malupit kasi ang mahalaga ay may tiwala ka sa sarili .. kahit hindi perpekto para sa iba .. perpekto naman sa sarili mong batayan .. (parang yung sa post ko yun ah) hehe .. nweiz .. congratz .. at thanks for always viewing my blog ..

hope to see you in person :)

xoxo_grah said...

wow...ang galing mo pala...pang pageant yung beauty mo...oks lang di manalo...may consolation price naman ciguro..chos lang! ganda mo girl...and ur so skinny...inggit ako bigla...:) keep on joining, next time pang Ms. U ka na...:)


xx!

MEcoy said...

napangiti ako nakita ko pa lang sa blog roll ko hehe nakakaproud
galing ng idea mo sa art works nice
congratz ganda, sexy, talino pa san ka pa next na ba ang bibinibining pilipinas?

Hoobert the Awesome said...

I remembered the time when I joined a campus-wide pageant din and I ended up as - tada - second runner up. I didn't win but I was still happy though. Sarap mag-reminisce. Hahaha. I even made an entry about that a few months ago and I hope you can read it. Here's the link - http://tsilspat.blogspot.com/2012/02/how-to-win-pageant-even-if-youre-not.html. Don't worry, hindi ito spam. Lels.

Ric / Life N Canvas said...

Kahit kailan ay hindi ako nakapag-join ng mga ganyan kaya REJOICE, manalo, matalo, PANALO ka pa rin! You are beautiful. You are a winner already kaya ok lang, achievement na rin yan!! Congratulations!

anney said...

I love the creative attire! Very creative talaga! Congrats for being Ms. Photogenic! Sayang naman at wala ka na balak sumali ng pageant.

ZaiZai said...

Ganda ganda mo sis! Well deserved ang Ms Photogenic! Sayang ang artworks mo - hindi na naayos? Pero okay na, at least very creative ang gown mo :)

JH Alms said...

basta ituloy mo lang ang liyab mo.. marami kang susunugin.. hehehe

Genskie said...

awww ayos naman may beauty queen pala akong friend... super ganda mo dito oh..
congrats sa mga nakuha mong award....
btw I have something for you on my page
check it out!

bagotilyo said...

ako nga kahit anong gusto kong sumali sa mga pagwapuhan contest hindi ako qualified. whahahah ikaw suki na :)

congrats sa nakuha mong award ...

Anonymous said...

Wow naman! Achiever! Sayang hindi ka na sasali ulit. Hmmm. Hi! Just dropped by! :)

Ric / Life N Canvas said...

May comment na pala ako dito... napadaan lang uli..
Dropping by to say 'Hi!"

Protected by Copyscape Online Copyright Protection Software