September 10, 2012
100th
Hello there. Sa kasaysayan ng Pagguhit ng mga Salita, ito na ang 100th post ng blog na ito… HOOORAY!! Wala lang.
Araw araw na akong gumigising ng 7am, eh 8am naman pasok ko. Ewan ko ba! Ang lakas ng hatak ng gravity ng bed hehehe.
Ewan ko nga din ba kung bakit sa tuwing hindi ako pumapasok sa klase ko tsamba din na wala yung teacher (sineswetre nga naman) HAHAHA! Sa apat na magkakaibang instructor, nasubukan kong hindi pumasok, eh saktong may wala din sila. Hmmmm :P
Wala naman espesyal sa post na ito, 100th post pa naman. HEHEHE. Puro kaanek anekan lang. Malapit na ang 1st semeseter at kamusta naman daw ang grade ko pagkatapos ng semester na ito, aba’y hindi ko alam! May mgaplano akong gawin sa sem break…. Yun ay magwork na gaya ng nabagit ko ditto Boredom
May inapplyan ako, service crew din gaya ng naging trabaho ko noon sa Mcdo ng 10 months. Sige na nga sa Jollibee.
Ito yung kwento:
Habang naglalakwatsa, palakad-lakad, napadaan ako sa isang Jollibee nakita ko hiring sila.. wala naman ako ginagawa, sinubukan ko. Dapat mag-report ng 1pm, eh nung tinignan ko yung oras 1:30 na, sabi ko sayang late na ako. Tapos may nakakita sa akin na workmate ko noon sa mcdo, sinamahan niya daw kapatid niya mag-apply habol daw ako kasi pwede pa. So ayun humabol pa din. Pagkatapos ng exam interview na , pagkatapos ng 2 araw PHA na (hindi pa hired, screening palang)
Araw ng PHA (sept. 9, 2012)
Dahil PHA palang naman, siguro ineexpect nila na hindi pa alam ng mga bago ang gagawin. At dahil nga sa may work experience na ako sa pagiging crew, medyo kabisado ko na ang ginagawa ko (sa counter ako assigned) Nagpakitang gilas naman ako (hehehe, effect lang) Hindi na naging mahirap, medyo adjust adjust lang sa environment kung ano style nila, ugali, paano pakikisamahan, management… (mga ganun, I’m just proud of what Mcdonald’s have thought me in so many ways. Not to mention, I learned values from my past experience. Kaya kahit saan man lupalop ako mapunta, andun pa din ung natutunan ko doon)
Questions I don’t like them to ask me: “Bakit ka nag-resign doon”
At dahil sa hindi naman maiwasan tanungin yan:
Manager: Ex crew ka ba?
Me: Yes ma’am pero sa Mcdonald’s
Manager: Anong branch?
Me: _________ at __________
Manager: Ilang months?
Me: 10 months
Manager: Bakit ka nag-resign???
(Hindi ako makasagot)
Me: SECRET ^____^ (big smile haha)
Isang malaking secret ang sagot ko hahaha, kaloka si ma’am! Kasi naman, eh sa nag-resign na nga bakit kailangan pa sagutin sa bawat magtatanong .
Eh bakit nga ba kasi?
Nag-resign ako hindi dahil may ginawa akong kasalanan. Napagod lang, i felt ayaw ko na. Dahil mas napagtuuan ko ng panahon ang pagta-trabaho kesa pag-aaral. Kaya kailangan ko muna tumigil at mag-resign. As simpol as that. Kasi kung sasabihin ko mag-focus sa study, baka tanungin ako “bakit ka pa nag-aaply kung magffocus ka sa studies” kaya huwag nalang. Sorry tinopak ako, ayaw ko nalang talaga. Bakit ba? Ayaw ko na nga. HAHA. Kulit. Ayaw ko nalang pag-usapan yun. Period. HAHAHA. Kaloka ang lola!
This time, of course mas matalino na ang lola niyo, time management lang… malapit na din naman na ang sembreak, pwede na rin mag-adjust sa schedule. Pag-aaral pa din naman.
Ito ang mga nakakalokang tsismosa ng barangay! HAHA. Hindi palang ako nagsstart sa trabaho, nabalitaan na agad ng mga workmates ko noon na andoon na ako sa jollibbee (duh! haha, as if they're saying bakit pa siya nag-resign sa mcdo kung sa jollibee din lang naman pala siya mag-apply, non sense) Pakialalam niyo ba? HAHA (tarush ng lola!)
Anyways, I have still have time to think about this.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
16 comments:
Happy 1ooth post!
Malakas intuition mo pag walang prof ah!
Secret talaga sinagot mo beh? Kaloka ka! Ano reaction ni manager?
keribum lang yan!
happy 100th post sa yo hehe
happy 100th!!!
..ikaw na 'te. kaw na talaga!!
Panalo!!
(^_^)piE!! 100th's.
huwaw Congrats sayo. Happy 100th post
congratz bff blogger:) naks hanga tlga ako sau kaw na da best ka!:)
congrats!!! isa ka nang ganap na blogger!!! ( sabi kasi nila pag naka 100th post ka or higit pa)
wahehehe!
congrats congrats!^_^
I always tell young people na hangga't kaya wag magtrabaho habang nag-aaral. Ganyan kasi ang nangyari sakin. I tried to be a working student. Ngayon eto, matapos ang 2 trabaho at 4 na beses na pagpalit ng course, I'm miles away from a college degree and already at the brink of nervous breakdown dahil sa not-so-satisfying work. Just think 7 days from now, mabibigyan ako ng role na may "higher degree of responsibility". Should I consider it promotion? Others think so. Ako? Walang magbabago sa sweldo ko. It's more like death penalty.
Kaya ito tandaan mo magandang dalagita- DI BALE NA ANG MAHIRAPAN SA PAG-AARAL KAYSA MAGHIRAP DAHIL WALANG PINAGARALAN.
congrats sa ika 100th post jessica!
Heypi 100th post :)
Huwaw sana umabot din ako ng 100. Happy na, 100th post pa mare.
Ako malas ako sa intuition sa mga prof e. Lakas ko magabsent pero nagkakasalisihan lang kami.
nice nice 100 na din pla nun astig ko di ko na napapnsin eeh hahaha
bakit ba kasi? bakit? bakeeeeeeeet?
epal lang..
congrats sa 100th post! libre mo ako sa Mcdo Session Branch! XD
yey naka-100 ka na bebe sis congrats!
ako din dati di ko kinaya work, aral, ojt sabay sabay.. nagmuka na kong bangkay at may nami-miss akong klase kaya give up ang work..hehe basta dapat kaya mo ah..mas mahalaga pa rin ang studies pag naka-grad ka naman magsasawa ka rin sa work eh..masaya lang din marami kang makikilala at syempre matututunan :)
wow!happy 100th post. wag mo na lang pansinin yung mga tsismosa sa mcdo ano ngayon kung nasa jollibee ka na ngayon?hehe
Halo good day,
Ask ko lang po if pagkatapos po ng 3 days na PHA sa Jollibee, makakapasa po ba?
If sure na makakapasa sa after PHA, ilang araw po bago ka po nila itext?
THANK YOU. ^_^
Post a Comment