January 01, 2011

New year 2011

Dear Ikaw,

It's been a year. Kamusta naman buhay natin sa nakalipas na isang taon? Goodbye 2010, welcome 2011!!! Yehey!! Bilis talaga ng araw, parang kailan lang. Thank you. Hundreds, thousands, million, billion, trillion thanks to you, especially to my mother, relatives, friends (especially the real ones), acquaintances, bloggers and everyone...HAPPY NEW YEAR to all of you.

Batid ko na maginng masaya ang 2011 for you, success in life. Kung ikaw man ay malungkot, o sige maging malungkot ka lang, wala pumipigil sa'yo moment mo 'yan eh. hehe. Kung ikaw ay may problema, andito lang ako na puwedeng matakbuhan, puwede mo din naman lakarin para hindi ka mapagod. Kung problema naman sa bulsa, ay naku po! pasensiya na may damit ako pero walang bulsa. Kung feeling mo you are alone, 'wag ka mag-alala I'm also alone, so hindi ka na nag-iisa, dalawa na tayo.

Seriously, have a happy 2011.......

Nagmamahal,
Jessica

RESOLUTION ni Jessica

1. Bawal ma-late
  • magiging time conscious na ako, akin nang papahalagahan ang oras. Sisimulan ko ng imanage ang aking time para mas maramimg magagawa. Ayaw ko ng ma-late sa kahit anumang appointment, lakad at ano pa man.
2. Madalas na pag-drawing
  • dadamihan ko pa ang mga koleksiyon ko ng aking mga art works. Hindi lang dumadmi koleksiyon ko natututo pa ako. Wish ko lang sana na magkaroon ako art gallery o di naman maging best seller painter (wish ko lang naman)
3. Madalas na pagsulat
  • bibigyan ko ng sapat na oras ang pagsusulat kahit hindi ako magaling at kahit wrong grammar.
4. Magbabasa ng araming libro, blog, diyaryo at anuman na mababasa
  • Kahit hindi ako nag-aaral, hindi pa rin hihinto ang pagkatuto.
5. Mag-aral muli sa June
  • Ako'y mag-aaral muli sa June sa panibagong kurso. Pinili ko man huminto pero ang hangarin ko na magtapos ay hindi humihinto.Matatagalan man, magsisikap pa rin ako para makatapos.
6. BOYFRIEND
  • Kung magkakaroon man ako ng bf ngayong 2011, alaga at pagmamahal ang ibibigay sa kanya. Kung wala pa, ayos lang, walang dahilan para magmadali.
7. Hahabaan ang pasensiya
  • Sa kahit anumang aspeto, susubukan ko magpasensiya at pag-iisipan ng mabuti ang mga gagawin at sasabihin...titignan ang bawat anggulo bado magdesisiyon.
8. Learn to value feelings
  • Madalas hindi ko namamalayan nakakasakit na pala ako, sa talas ng dila ko, gusto ko ng maging mapurol para hindi na ako makasugat ng damdamin ng iba.

No comments:

Protected by Copyscape Online Copyright Protection Software