Disyembre 9, Huwebes, nasa isang book store ako. Habang ako ay abala sa pagbabasa sa isang libro may babae na lumapit sa akin, at kinausap ako.
Babae: Miss sa TI ka ba nagta-trabaho?
(Nakapagtataka kung bakit niya ako natanong)
Ako: Hindi, bakit po?
Babae: Kamukha mo kasi ‘yong kakilala ko. Saan ka nagta-trabaho?
Ako:Ah, ganun po ba? sa jollibee po.
Babae: Ano trbaho mo doon?
Ako: Service crew
(Bakit ba ang daming tanong nito!? grrrr!)
Babae: Baka naman pwede ako makahiram ng P20.00?
Ako: Haaaaaaaaaaa!? (gulat na reaksiyon ko), wala akong pera.
(Kaya naman pala kunwari kilala niya ako, may gusto palang makuha)
Babae: Pahiram ako, tatawag lang ako diyan sa landline para i-contact ‘yong kasama ko, ibabalik ko din sa’yo agad.
(Pahiram ka diyan, hindi nga kita kilala, lakas ng loob mo mangutang,’kala mo madadala ako sa modus mo huh)
Ako: Pasensiya na, six pesos lang maibibigay ko sa’yo.
Babae: Wala ka ba talaga twenty diyan?
Ako: Wala po talaga eh.
PAGKABIGAY NG SIX PESOS
Babae: P7.50 sana para pamsahe ko
(Aba humirit pa, sabi tatawag pamsahe pala, bahala ka na)
Ako: Pasensiya P6.00 lang talaga
Babae: Sige salamat ha, ibabalik ko din agad sa’yo dito (bilis na umalis)
Ako: Sige
(Ibabalik ka diyan, hindi ako bobo para hintayin na ibabalik mo pa sa akin ‘yang hiniram mo kuno)
Modus niya ba ito para magkapera? Hindi ko nagustuhan ang paglapit at paghiram ng pera lalo na’t hindi ko siya kilala. Sino ba naman ang matutuwa sa ganitong senaryo. Kahit may bente pesos ako hindi ko ibibigay, hindi ito sa pagdadamot pero strange kasi ang dating sa akin, tapos sasabihin na kamukha ko ‘yong kakilala niya (malabo ba mata niya para makita ang kakilala at hindi) Hay, mararamdaman na hindi hiram ang ginagawa niya kundi hingi. Sa ayos ng porma niya imposible na kahit piso wala siyang pera, at bakit sa stranger pa siya manghihiram.
2 comments:
oo nga, madami talagang ganyan.
well at least, kung totoo man naging good samaritan ka pa rin naman... worth 6pesos nga lang, not twenty. hahahaha!
blog on!
Hi. Pwede pa follow ng blog ko, mag follow back din ako. :) http://kapalmonaman.blogspot.com/ thanks.
Post a Comment