December 23, 2010

Cell phone ko

Minsan kapag may makakita ng cell phone ko, sinasabing wow jes ang ganda naman ng cell phone mo. Hehe, care ko? alam ko ubod ng ganda at sobrang latest ito. Sa jeep, walang hiya ko itong linalabas at nagte-text ako, ano naman kung maganda cell phone ng katabi ko,basta may cell phone, kahit pang nineteen kopong-kopong pa 'yan. Napagiiwanan man sa gudget, at least may nagagamit.


Napakaluma na nga ng cell phone na 'yan, madalas pa ang topak, nagagamit nga pero nakakainis na kaya madalas ko ibato. Ayos ah, parang basura lang, mabilis malowbat, nakakainis, charge nalang ng charge, sa inis, ibinabalibag ko 'yan, hanep ano?! wow, gumagana pa naman. Ganun pa man may hangganan din naman, sa badtrip ko I totally wrecked it para matapos na. Oha! 'yan wala na, eh di tapos! Makiki-text ka? Sure. =)

No comments: