October 01, 2012

TOROGI- Ang taong bundok


Hindi daw siya tao
Pumupugot ito ng ulo
May buntot at katakot-takot
Bahag ang tangi nitong saplot.

Sabi lang nila iyon
Panahon pa ng ninono nila noon
Makabagong henerasyon na ngayon
Masaganang kasaysayan patuloy na nanalaytay.

Tao siya, isang magiting
Mahal niya ang kaniyang kinagisnang kultura
Siya ay matalino at may dignidad
Rumerespeto at may bukod tanging abilidad.

Hinulma sa yaman ng kultura
Mula sa kabundukan ng Cordillera
Apayao, Abra, Benguet, Ifugao, Mt. Province at Kalinga
“It’s more fun in the Philippines” talaga.

Taong bundok kung ituring
Sa kanilang bukod tanging tanawin dapat marating
Modernisasyon man ay umusbong
Makalumang tradisyon patuloy na isinusulong.

Tinggit-tinggit-tinggit-tinggit
Tunog ng mga gangsa
Sigurado oras na para mag-KANYAW
Halina’t tayo ay mamangha at makisayaw.

Kahit saan siya magpunta
Taas noo niyang ipinagmamalaki
Siya si TOROGI, isang FBI...
Full Blooded IGOROT.


_________________________________________________________________________________

Lahok sa kategoryang TULA sa Saranggola Blog Awards 4 na may temang LAKBAY.






22 comments:

Balut said...

Unique na name at tema ah!
Good luck sa FBI!

KULAPITOT said...

hmmmm kala ko totoo siya ..promise! ganda ng pagkagawa!

MEcoy said...

ui pati kaw my entry nice nice good luckssssss

Archieviner VersionX said...

Ayun oh.. Naglalabasan na ang mga entry sa SBA. Goodluck din sau :)

sherene said...

Torogi, magiting na mandirigma:)

Arvin U. de la Peña said...

good luck para sa entry mong ito....

fiel-kun said...

Wow, very nice poem!

Goodluck Jessica for your SBA entry :)

fiel-kun said...

Loved this part:

Hinulma sa yaman ng kultura
Mula sa kabundukan ng Cordillera
Apayao, Abra, Benguet, Ifugao, Mt. Province at Kalinga
“It’s more fun in the Philippines” talaga.


Two thumbs up!

and nga pala, deleted na ung isa kong blog na pina-follow mo. pero I made another one naman eto sya: http://fiels-inner-sanctum.blogspot.com/

Pink Line said...

huwaw!ganda ng tula mo bebe sis.. goodluck saten :)

TAMBAY said...

tulang kwento at kwentong tula.

kahusay nire.

gudlak po dito sa entry :)

Ric / Life N Canvas said...

Nice! FBI - Full blooded Igorot! Ayos!
Ok ang poem mo ah. Galing din ng image!
Keep it up!!

gord said...

Ang kewl! Goodluck sayo! XD

eden said...

Nice poem and good luck!

Pareng Jay said...

Waaaaa astig! Pinaka-astig yung last two lines. Goodluck mare.

*Pareng Jay was here

Jondmur said...

maganda.. unique ang title saka astig ang pagkakasulat ng tula ^^

Superjaid said...

approve. galing naman ng pagkakagawa nito. good luck sa entry!

littleyana said...

Akala ko kung ano ang FBI..nakakatuwa! cute ng poem mo..

joanne said...

Wow beh! Ang galing! Antaray ng FBI ah! Goodluck sa entry! Mwah!

marvindegracia said...

witty and creative! =] galing!

Jewel Delgado said...

Huwaw! Maraming good luck sayo. Galing!

Jewel Clicks

musingan said...

Buti na lang nagbasa basa muna ako ng mga commento niloa.. kunghindi baka aakalain ko rin totoo na si9ya... meron ding ganyan sa amin... I mean yung kwento ba.,. na namumugot ulo daw.. ilalagay niya sa sako.. mga bata lang pinupugutan niya ng ulo... eheheh

bagotilyo said...

naaliw ako dito .. hehe

Goodluck po..

Protected by Copyscape Online Copyright Protection Software