Maraming salamat sa mga nakibasa at nag-iwan ng comment sa award award post. Thank you and welcome. Abot hanggang tenga ang ngiti ko sa mga comments niyo (nakakatuwa lang talaga)
Ilang araw akong nasa Pangasinan since nung last post ko na AWARD AWARD. Jusme! Hindi ko pa ata ako tapos ipaalam sa mga tinag ko na tinag ko sila, lalarga na daw kami. Kaya wala na ako nagawa. Hihihi, kaya naging tahimik muna ang aking FB, Twitter at blog. Hindi dahil tinatamad ako, wala connection eh. Dun sa amin sa Pangasinan malayo pa sa computer shop, mga 2kms pa siguro para makapag internet sa mga computer shop. Tsaka ang init init, masusunog ang maitim kong kutis. Tsaka ayaw kong lumabas at mamasyal doon, ang dami kasi mga "chikka gang"/ tambay. Nakakahiya dumaan.
Yung mga chikka gang sila ung mga tambay sa tapat namin. Wala na ata sila ibang ginawa sa buhay nila kundi ang umupo sa gilid ng kalsada at bilangin ang mga dumadaang tricycle. Atar lang. Kasi paggising sa umaga, andun na sila, ang aga aga nagku-kuwentuhan... tapos tinitignan nila ung mga kilos ko/namin. Kapag aalis ka ng umaga, andun sila nakatambay kapag dadaanan mo sila lahat ng mata nila nakatingin sayo (badtrip lang) artista ba ako? CHOS! hehehe. Tapos paguwi sa hapon andun pa din sila.... sus marya ginoo! May iba nagkukutuan. May nangungulangot. May inaamoy ung kili-kili.
Sa kasalukuyan balik Baguio City muna, hihihi.. kinuha ko ung grade ko. Yes! Pasado lahat, pero nalungkot lang kunti kasi hindi masyadong mataas grades. Hindi din naman mababang mababa. Sakto lang. hihihi. Enrollment na naman... wew! Saya saya.
30 comments:
Kaloka ang chikka gang, haha! Ayoko rin pag andami tambay samen, kakahiya. Congrats ulet sa all passed na grades beh!
.. walang pinagkaiba sa iloilo 'yan 'te..
.anyhow, CONGRATS!!
*_&
pumasyal ka pala dito, sana nagpasabi ka para nakilala ko ng personal ang pinsan ni jennifer! hehe.
Hello! Thank you for following my blog 'Visions of a Color Blind Photographer'... I have a new blog called 'Biboy Machine' - it's a personal blog which talks about photography, videography, pinoy movies and many more... Kindly follow it at http://biboymachine.blogspot.com
Thank you and God bless!
haha. may mga ganyan din dito samin! wala ng ginawa kundi tumambay.
Baka nagagandahan sayo. Hehe. Pero angkulit lang nung inaamoy yung kili-kili. Hobby?
* Pareng Jay was here
congrats kasi pasado mga grades mo.... sa amin maraming ganyan... kadalasan kasi yan na ang libangan nila... wala din kasi magawa sa loob ng bahay...
enjoy sila pag may bagong dating.... lahat ng kilos o galaw tinitingnan hehehe...
Confrats ang saya ng pasado no hehehe.
weLcome back at congratz party party na s grades:)sa mundo d nwwla yan mga chika gang lalo n d2 s manila malingat k lng nagkalat n sla.
Katawa naman yung chikka gang. Nakakatakot din sila. Congrats pasado ka. Dati rin nung pumupunta ako ng probinsya pag balik ko samin probinsyano na daw ako.
ahaha, ang kulet nung Chikka Gang XD
and congrats on your grades!
ako di ko pa nga din napopost ung akin amp
hihi.. thanks.. laowka talaga ate.. kabaliw! :D
HIHIHIHIHI :D
HAHAHA. malayo din naman kasi kuya senyo... nextime kuya! :D
Thank you God Bless..
hihi.. ganun na nga lang talaga siguro gawain nila hihihi
oo ng makulit lang... hihi...
buti nalang pasado.. kundi dagdag na naman sa taon ng pag-aaral... hihi, pwede naman maglinis sa loob ng bahay?
thanks sis... :D
yeha partttty na! yahooo! hehe... hehe.. kahit saan may chika gang...
scary talaga.. di alam kung ano naiisip nila habang tinitignan ka ng pagkatag-tagal.. hihi... iba na talaga siguro effect pag galing province :D
uu sinabi mo pa, hehehe...
thnaks...
hihihi.. Go lang :D
kung umitim ka man lalo, ikaw ang pinaka magandang maitim sa lahat ng babae.
hawig mo pala si claire ng pbb dati, kasabay nila kim chiu
hehe... (speechless ako) ^___*
talaga. maisearch nga ulit sa google dahil nakalimutan ko na, hehe
Kahit saan talaga may chikka gang, ganyan talaga siguro mga walang magawa. Pag-usapan ang mga nakikita sa kapwa. Anyway, deadma mo na lang kaysa maapektuhan lagi sa kanila, be happy na lang hehe...Have a great weekend!
wow, congratz sa magandang grades..pabayaan m na yang mga chikka gang na yan, mga walang kinabukasan yung mga un :D
naalala ko tuloy ang buhay ko dyan sa pinas non. Hi hi. Congrats sa mga grades mo. You did your best, be proud of it. Anyway, the best is yet to come.
May mga chikka gang din dito sa may amin. Yung sister ko may internet shop tapos sa labas nun may upuang mahaba. Maraming tumatambay inaabot nga ng madaling araw grabe parang dun na nga sila nakatira e!
Post a Comment