September 28, 2012

Quezon City

-->
Medyo delay na itong post na ito at ngayon ko lang ipo-post. Ang tagal mag-upload ng mga classmates ko ng mga pictures namin (sakanila lang ako umaasa) ang daming may dala ng camera sa kanila at hindi magkandaugaga sa kakapicture tapos wala pa nag-uupload! Panis na itong ishshare ko hindi pa din naka-upload, SUSMARYOSEP SARAP PALUUIN ANG PWET! Hehehe. :D ngiti lang.

Pumunta kasi kami sa UP Diliman- College of Music para sa tour namin sa subject na MUSIC noong September 20 (anong petsa na??? magooktubre na uy!). 11Pm kami galing sa Baguio at nakow 4:30am kami nakarating (hang aga naman!) Eh 9am pa sila open sa UP, ano naman daw gagawin namin, nganga! Hindi man lang kami nilibot at pumasyal. Andun lang kami nagtitinginan (sila pala, tulog ako eh)



Pasado 6am na at ayun nagalmusal na kami, aming pinagsaluaan ang aming munting baon....


Nang sumapit ang 9am, nakapasok na kami at nilibot kami ng Prof. Dun sa college nila. Ang saya lang, kasi ako na bobo sa music, eh napapa-WOW sa galing ng mga estudyante doon sa pag-play ng instruments (hindi kasi ako marunong) at nakaka-WOW din sa mga music insturemts... (bilib much lang) hehehe. Oo NGANGA.

Ito kami doon, wala masyadong pictures (sorry)

Parang cover album lang, OHA OHA! Felling lang???? 
Pagod na talaga kami... kaya upo upo nalang muna...
 Hindi naman kami mukhang haggard noh? At ang saya saya ng mga itsura namin!???
 Ayun nang malibot ang buong college at mamangha sa mga instruments na nakita namin at sa galing nila at mag-observe sa isang class at mag-play ng indonesian instruments.... gutom na kami! oo gutom na gutom. Hindi na ma-spelling ang kagutuman namin. Pagkatapos, pinunta kami ng adviser namin sa SM NORTH EDSA, ano ba yan, wala na naman pics... at doon kumain kami ng lunch sa may food court..

Pagkatapos libot libot lang... eh taga bundok kami, nabigla sa init... paglabas ng mall, jusme! hindi maintindihan ang init, hehehe... parang katapusan na! hehe (OA lang). Kunting lakad pumunta ng TRINOMA, meron isang establishment dun na ung sales lady nagbebenta ng WAKI WAKI (something magic ata).. hehe! Hindi naman nakaka-amaze... hehe. Gayang gaya kasi ng classamate ko ang pagkaka-endorse ng babae, tawa nalang...

Pagkatapos ng trinoma, what's next?? Wala na! Uwian na. Anubayan.. nakakainis.. kunting kamot. Hindi sulit. Si adviser naman magdedesisyon eh. KJ siya! KJ! HAHAHA. Joke. Parang napadpad lang kami doon para umihi, tapos uwi na agad. HMMMM :C




2 comments:

lipsy said...

Such fabulous pictures !
Thanks for visiting me
Following u,please follow back to keep in touch through comments!

MEcoy said...

haha more than the place ung mga kasama lng tlga nagpapasaya eeh

Protected by Copyscape Online Copyright Protection Software