Iniisip ko kung ipo-post ko pa ba ito o hindi na. Mejo matagal na din kasi naganap yung event. Last school year, sumali ako sa isang competition sa school.
Isang event na inorganized ng "The Mountain Collegian" The official student publication of Benguet State University.
PINTIG AT PANTIG
na may temang:
"UTAK BERDE: Ang luntiang naghihikahos, tao rin ang tutubos. Panitik at Pangkulay mo'y ikuskos; Guhit ng mga kulay ay gawing ilaw ng pagbabagong lubos."
sa kompetisyiong ito may limang kategorya:
- Short Story writing - English and Filipino
- Poetry Writing- English and Filipino
- Essay Writing- English and Filipino
- Photogrpahy- English and Filipino
- Literary Graphics
Literary Graphics lang sana ang sasalihan ko.... pero sige bakit hindi ko subukan ang essay contest. Sumali ako sa dalawang event Literary Graphics at Essay Writing contest -Filipino.
Maraming
beses na ako sumali sa mga pakontest ng drawing, madalas hindi
nagwawagi. Pero ayos lang sakin, kompetitisyon lang naman.... pero ang
nakakaloka! ay 'yang essay contest na 'yan! HAHAHA! first time ko kasi
sasali sa essay contest sa tanan ng buhay ko, pramiz!!!
Hindi
talaga ako makapag-isip ng isusulat ko, nagsimula na ang kompetisyon at
tila blanko pa din. Kung ano na lamang ang isinulat ko... hay, sabi ko
bahala na! hehe.. Ang title ng blog ko ang ginawa kong title sa contest.
OHA! hehe. Ito ang isinulat ko, bagamat simple at maiksi lamang....
PAGGUHIT NG MGA SALITA
Hangad ng ating kapaligiran ang pangangalaga. Sa pamamaraan ba ng pagsusulat, ito kaya'y magagagwa? Sa puso ni Juan de la Cruz ito kaya'y may halaga?
Sabi ng marami, ang pagbabago ay nagsisimula sa ating mga sarili. Oo nga't tayo ang simula, ngunit ito ba'y ating isinasagawa? Kung hindi natin sisimulan, kailan pa? Sino ang gagawa nito para sa atin? Tayo mismo ang pagbabago. Kaawa-awang Inang Kalikasan, hihintayin pa ba natin na may mangyari bago tayo kumilos?
Ating imulat ang mga matang pilit pinipikit. Ang bagyo, baha, at papalit-palit na panahon ay ilan lamang sa mga matindin nating nararanasan at patuloy na mararanasan kung patuloy tayong magbubulag-bulagan. Ating buksan ang ating kaisipan, hindi ba't nakakabahala? Huwag nating hayaang lunurin tayo ng ating pansariling pagnanais, tayo's makiisa sa adbokasiya na nagsusulong pangalagaan ang ating kapaligiran. Tama na ang katamaran, huwag magkanya-kanya, ang kailangan ay pagkakaisa.
Sa bawat pagguhit ng mga salita, hindi ito pagpapansin ng walang magawa at ito'y hindi usaping walang kwenta. Layon nitong tayo ay gisingin sa katotohanan.
Kaya naman ang usaping pangkapaligiran ay dapat pahalagahan. simulan na nating kumilos, hindi lamang sa salita, sa pagsulat, at sa pagpapahayag kundi pati sa gawa. Kay ganda ni Inang Kalikasan, ito'y pakaingatan. Ang mundo ay nasa ating mga kamay.
RESULTA:
Hindi ko inasahan na mananalo ako!
6 comments:
Ayiyiyiy!khit tpos na CONGRATZ! Libre! hehe..
yieee congratz!!!!
gusto ko sana sumali sa ganyan nng college pa ako, kaso disqualified ako dahil irregular student ako hehe
good for you!
:))
hehehe. Salamuch! next time na ang libre, hehehehe
hihi.. :)
talaga? hindi pwede senyo sumali kung irregular? irregular student din kasi ako, pero nakakasali pa din naman. hihi...
SALAMAT.
nice ang gling mo nmn pla ee congrats ha you deserve it
Expect the unexpected nga daw hehe, congratulations magaling ka girl:)
Ituloy mo lang tan at nang malay mo balang araw kahanay mo na ang mga batikang manunulat daah?cheers.
Post a Comment