July 22, 2012

Bagong pag-ibig

Bata pa lamang ako wala ng hilig sa akin ang musika. As in wala! (trying hard) palagi... kapag kakanta ako at kung sino man ang nakakarinig pinapatahimik ako (at bakit? ano karapatan nilang patahimikin ako???) HAHAHA. Nakikinig lang sila, at mamatay sila sa inggit. (ako pa ngayon may gana, ako na nga itong wala sa tono) Ako si sintunado QUEEN. Kung may award lang sana para sa mga sintunado, TIYAK! WAPAK! panalo na ako, CHAMPION teh, hehehe.

At dahil nga sa MAPEH major ako wala akong choice kundi pag-aralan ang mga kung anu anong KAEK-EKAN na mga instruments. PE at ARTS lang pabor sa akin, pero ang music ewan ko? Pahirapan. HAHA. Sa music class, ako yata ang palaging sintunado, iisa-isahin kaming papakantahin ng DO-RE-MI (vocalization) at para malaman kung soprano o alto kami (para sa mga babae) at bass o tenor (para sa mga lalaki)... Bakit parang ang mga classmate ko ay mabilis agad natapos, walang kahirap-hirap ung instructor namin, at nung AKO NA, ang tagaaaaaaaaal, as in pahirapan (HAHAHA) pauulit-ulit? 

Ma'am: Ti-ni-nin...(tunog ng piano) ti-ni-nin! Okay GO!
Ako: DO-RE-MI... DO-RE-MI...(wala sa tono)
Ma'am: "no Jessica, pakinggan mo ako, ganito ang tono....." 
Ako: tapos kakantahin ko 
Ma'am: "no......ganito, sige isa pa... go...." 
Ako: DO-RE-MI........
Ma'am: "no, isa pa....."
Ako: DO-RE-MI (wala pa din)
Ma'am: "no Jessica (naiiyak na si Ma'am)"
Ako: DO-RE-MI (mejo gets na)
Ma'am: "okay your doing good, one more time...."
Ako: DO-RE-MI...(gets na!!!)

....hanggang sa nakuha ko na

Ma'am: "okay Jessica, you stay with alto group"

YES!!!! Natapos din! Anak ng kalabaw! Grabeng pawis ko dun. Kainis, hahaha. 

Meet my new love "MARK" Kahit trying hard sa pag-aaral ng gitara, mejo naggets ko naman. HAHAHA. Buti na lang. Tapos ung pag-play ng piano, unti-unti ko ding inaaral.  OHA! Para happy.


Good morning sa inyong lahat.... MABUHAY ANG MGA SINTUNADO! HEHEHE

PS: follow me TWITTER if you want, hehehe 

8 comments:

Mhie Lee said...

hehehe..don't worry just do your best and you never know you are doing better.

Joie said...

Naks. go jess! dont give up hehe!Mabuhay!

Arvin U. de la Peña said...

good luck sa hilig mo maggitara at sure sa pagkanta din...

KULAPITOT said...

ako wala akong talent pagdating sa mga gnyan

Lady Fishbone said...

yeah, tama po.

Lady Fishbone said...

salamat bff! hehe

Lady Fishbone said...

sure :)

MEcoy said...

haha ako din ng try mag aral haha kaso wang nagchaga magturo angas pa nmn ng emong ng guguitar hoho

Protected by Copyscape Online Copyright Protection Software